CHAPTER 35 - FIVE YEARS

2.1K 93 7
                                    

Jade Cardwell


LUMIPAS ang ilang taon at naka-graduate na din ako ng college. Bihira ko na makita si Ethan at si Christian dahil pareho na silang nagtatrabaho sa New York. Madalas pa rin kami mag-chat, pero bihira na kami magkita.

I am now working in the IT department of one of the world's biggest motherboard manufacturers. Ang main headquarters namin ay nasa southeast Asia, pero may branch kami dito sa Fordbridge dahil sa malapit na manufacturing plant.

Para sa akin, napaka boring ng career ko, pero hindi ko din alam kung dahil hindi na ako nagiging interesado sa lahat ng bagay. My routine is pretty lame during weekdays. Bahay at work lang ang buhay ko.

Bukod kay Ethan at Christian, nagkaroon ako ng kaibigan dito sa opisina. Una ay si Shad Carmichael na classmate ko noong college. Mabait naman si Shad, medyo weird lang dahil sobrang techy. Nevertheless, isang mabuting kaibigan.

Naging kaibigan ko din dito sa opisina si Sam Durham, the prom queen. She took an IT degree from a high-caliber university in California, pero dito pa rin sa Fordbridge niya pinili magtrabaho. Masayahin si Sam kaya naging best of friends kami nang maging officemates kami.

Nagtataka pa rin ako kung bakit dito niya napili magtrabaho sa Fordbridge. Napakaraming opportunities sa malalaking cities, pero dito niya pinili magstay.


Naging masaya ko sa piling ng aking mga new found friends. Madalas nasa work stations lang kami tumatambay. Minsan naman ay lumalabas kami para kumain na nagsisilbi namin na bonding moment.

Kapag Friday night, sa amin sila bumibisita dahil alam nila na wala akong kasama aside kay Peanut at kay Butter. Bukod sa mga aso ko, si Shad at si Sam ang muling nagbigay sa akin ng sigla pagkatapos mawala ni Raphael.


"Good morning ladies! Nakasalubong ko nga pala ang isang HR officer sa corridor. Pumunta daw tayo sa conference room as in now na," sabi ni Shad pagkapasok niya sa loob ng aming maliit na department room.

"Scary ha? Bakit may pa-meeting ng ganitong kaaga ang HR?" tanong ni Sam.

"Hindi ko alam, pero urgent daw."

Maraming sub divisions ang IT department ng company namin. The three of us are in charge mostly with the technical support relating to system and hardware maintenance.

Pagpasok namin sa conference room, ang buong IT department ay nandoon na. Nagsimulang magsalita ang aming current department head na Adam Ellison. Mukhang nagpapaalam na siya dahil malilipat siya sa ibang branch.

"It has been a pleasure working with all of you. I wish you will all continue to experience success," Adam ended his farewell speech.

"Bago nga pala ako umalis, gusto ko muna ipakilala sa inyo ang kapalit ko bilang IT Department Head. He is a magna cum laude awardee in University of Cape Town with a Computer Science degree. In his young age, he became an Information Systems manager, and IT consultant in an esteemed software developing company."

Cape Town. Cape Town. Cape Town. 

Why do I relate everything to Raphael? Sinabi lang ni Adam na Cape Town, si Raphael na naman naalala ko?

Mahigit ilang taon na ang nakakalipas pero tila isa akong gaga na stuck pa rin kay Raphael at hindi maka move on.


"Team, let us all welcome Mr. Raphael Lancaster."


My eyes almost flew out of its socket when Adam mentioned Raphael's name. The man that I have been trying to erase in my memory is filling the conference room door.

Biglang nagtama ang paningin namin ni Raphael, pero katulad noong high school pa kami, iniwas niya ang tingin niya sa akin na para akong isang invisible na entity.

Tumingin sa akin si Sam na parang nagtatanong kung bakit nandito si Raphael. Though hindi namin pinag uusapan si Raphael, alam niya na umalis ito papuntang Cape Town, South Africa ng hindi nagpapaalam sa akin.

There are thousands of people capable of handling the IT head position. Why does it have to be Raphael?

Raphael made a short introduction about himself. Hindi ko akalain na ang layo na ng narating niya sa maikling panahon. Pagkatapos niya magsalita, lumapit siya lahat ng members ng IT department at nakipagkamay.

Ang ibang babae ay halatang kinikilig dahil sa gwapong lalaking nasa harapan namin. Hindi ko naman sila masisisi. Raphael still looks breathtakingly handsome. Nang lumapit siya sa akin, inabot ko ang kamay ko sa kanya para sa isang handshake pero nagulat ako nang marinig ang kanyang bulong.

"It is a pleasure meeting you again, love."


Tila tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang salitang sinambit niya.


Did I hear it right? Did he just call me love

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon