CHAPTER 19 - SHOPPING

2.1K 95 1
                                    

Jade Cardwell


I SURVIVED another school year because of my half boyfriend half bodyguard Raphael Lancaster. Marami pa rin mga mean girls ang nagbabanta sa akin na iwanan ko si Raphael, pero hindi ko kayang iwan ang lalaking ito. Masyado na ata ako head over heels sa kanya.

Ganito ata talaga ang first true love...

Everyone is looking forward to our last year in high school, lalo na ang pinakahihintay na Prom Night. Wala naman ako plans na umattend ng prom, pero mapilit si Ninong George.

"You have to attend the prom night! Hindi ako papayag na dito ka lang sa bahay!" galit na sabi ni Ninong George nang tumanggi ako sa kanya.

Every Saturday, nandito sa bahay ang ninong ko. Bonding time na namin manood ng movies kasama ang mga aso dito sa bahay.

"Alam mo naman na hindi ko bet ang mga party party na ganyan. Magmumukha lang akong pathetic nerd kapag pumunta ko sa prom."

"Hay naku! Mumultuhin ako ng mommy mo kapag hindi ka pumunta sa prom night! You have to do this, Jade. Raphael will certainly join the party. Hahayaan mo ba na mag-isa ang poging boylet mo sa Prom Night?"

"Pupunta si Raphael sa Prom Night?"

"Bakit? Hindi pa ba niya nasasabi sa'yo?"

Umiling lang ako kay ninong dahil wala naman nababanggit sa akin si Raphael tungkol sa prom. He did not even ask me if he wants me to be his date sa Prom Night.

"Basta wag ka na mag-alala, ako na ang bahala sa lahat. It is time to remove your braces and fix your hair. Ako na ang sagot sa dress at sa shoes mo. I will be your prom night fairy godmother," sabi ni ninong sabay halakhak na parang isang witch na may evil plan.

"Mukhang kailangan mo ng matinding magic para gumanda ang isang chaka na tulad ko."

"Ako bahala sa'yo, anak. This is my chance to reveal your true beauty. Ikaw ang magiging pinaka magandang babae sa paningin ni Raphael Lancaster," confident na sabi ni ninong na nagpatawa din sa akin.


Biglang tumigil ang tawanan namin nang biglang dumating si Raphael. Umupo siya sa tabi ko at nagulat na lang ako nang bigla niyang hinalikan ang pisngi ko sa harapan ni Ninong George.


"Ayaw pa rin ba pumayag ng reyna ko?" tanong niya kay Ninong George sabay akbay sa akin.

"Raphael, buti na-receive mo ang text message ko. Ikaw nga ang kumausap dyan sa babaeng 'yan. Nag-iinarte pa at ayaw sumama sa Prom Night," sagot ni Ninong George na parang nagsusumbong kay Raphael.

"Ayoko nga kasi umattend ng prom. Hindi ko nga type ang mga ganyang ganap."

"So mas prefer mo na si Sam Durham ang gawin kong date sa Prom Night?" nakakaloko na tanong ni Raphael.

Inirapan ko lang siya dahil alam na naman niya na medyo nagseselos ako kay Sam. I must admit, unti unti kong nagugustuhan si Sam dahil mabait talaga siya. She is friendly and she even approached from time to time to ensure that I am not being bullied by anyone.

"Sige na, I will be your date sa Prom Night," sagot ko sa kanya.

The moment na pumayag ako, niyaya agad ako ni Ninong George sa isang fancy dress shop. Nag-try ako ng iba't ibang gowns. Ang pinili niya para sa akin ay ang isang classic little black gown na medyo maikli.

The short sleeveless dress with flares is simple yet elegant. Medyo hindi lang ako comfortable dahil kita ang likod ko sa dress na ito. Pagtingin ko ng price tag, my eyes widened in disbelief.

"Ninong, this is a no no for me. Masyadong mahal ang dress na ito. Try natin sa ibang store. One time event lang naman ang Prom Night. Hindi natin kailangan na bumili ng ganitong kamahal na damit."

"Anak, si Raphael ang pumili ng damit na ito. Hindi ko dapat sabihin sa'yo, pero binayaran na niya ito in advance. We are just here to check kung meron mga adjustments na gagawin sa dress mo."

"Ha? How can he afford this freaking expensive dress? No, wag mo na sagutin, ninong," sabi ko sabay upo sa isang malapit na chair.

"Humble ang boyfriend mo, pero alam ko na mayaman ang pamilya ni Raphael. Hindi na ako magtataka kung mas mayaman pa sila kaysa sa daddy ni Samantha Durham."

"His car is already freaking expensive. I should have known that his family is filthy rich. That man is such a manipulative and scheming monster."

"And yet, here you are, falling deeply and madly in love with the monster."

"Ninong, how about my shoes? Huwag mong sabihin na pati sapatos ko ay nabili na ni Raphael?"

"My dear, he prepared for everything for you. Tulad nga ng sabi niya, ikaw ang reyna niya sa Prom Night," sagot ni Ninong George with his signature wicked laugh.

Pagkatapos namin bumili ng damit, pumunta kami sa isang expensive shoe store. Hindi ko na tinignan ang presyo ng sapatos, pero sigurado ako na overpriced na naman ito.

Dumaan din kami sa isang kilalang jewelry store para sa earrings at necklace ko. Hindi na ako nagtanong pa kay Ninong George dahil mukhang binili na ito lahat ni Raphael para sa akin.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon