CHAPTER 68 - DINNER

1.3K 71 1
                                    

Jade Cardwell


PAGDATING ko sa opisina, isang Samantha Durham na nakataas ang kilay at nadatnan ko sa loob ng office.

"Good morning, Sam. I am sorry, hindi ko na nasagot ang tawag mo," nakangiti ko na bati sa kanya dahil may ilang missed calls mula sa kanya sa phone ko kaninang umaga.

"Kayo na ba ulit ni Raphael? Nakita ko kayo kahapon sa papasok sa bahay nila. I am so happy for you, my friend!" sigaw ni Samantha sabay yakap sa akin.

"Friends lang kami. Walang balikan na naganap."

"Walang balikan na naganap? Hindi ako naniniwala sa'yo! Did you kiss? No, don't tell me that. Alam ko na more than kiss ang naganap."

"Samantha Camille Durham, baka marinig ka ni Shad! Alam mo naman na badtrip 'yon kay Raphael," mahinang sabi ko sa kanya dahil baka dumating anytime si Shad.

"Hayaan mo siya, ingget lang siya kasi may love life ka na. Ako kaya, kailan kaya ako magiging asawa ni Chase? If Chase and I will get married someday, we can be sisters-in-law. Imagine that! Sisters!" sabi ni Sam sabay halakhak.

"Kasal agad? Hindi ka nga girlfriend eh. Hindi nga siya aware na nahihibang ka sa kanya."

"Problema nga 'yan, Jade. Baka akala ni Doctor Lancaster, nice lang ako sa family niya kaya ako nagdadala ng mga baked goodies para sa kanila. Hindi niya alam na nilalagyan ko ng gayuma ang mga niluluto ko para ma in love siya. May jowa na kaya siya?"

"Si Chase? Wala girlfriend 'yon. He is too old for girlfriends. He is like seven hundred years old. He does not have time for girlfriends kaya huwag ka ng umasa."

"Mukhang bata pa si Chase noh? Parang nasa early twenties lang ang face niya, pero tingin ko nasa late twenties na siya. Ilan taon na ba siya?"

"Ang kulit mo, he is seven hundred years old. Nagpa reconstructive surgery lang siya kaya baby face siya."

Inirapan lang ako ni Sam at umupo sa kanyang office station. Alam ko na crush na niya noon si Chase Lancaster. Alam ko din na mahal na niya ito noon pa.

As her friend, I cannot allow her to deeply fall with this man. Our world is complicated enough and I don't want to drag her into this.

"Hindi mo sinasagot ang tawag ko kahapon. Masyado ka ba busy kay Raphael?" tanong ni Sam ulit sa akin.

"Nakatulog ako ng maaga, pero na-receive ko ang text message mo about sa dinner party mamaya. I am not sure kung makakapunta ko---"

"What? No! Not acceptable! You should be there! Ikaw ang pinaka close na friend ko at si Shad. Silver anniversary ng parents ko at kailangan nandoon ka. Pupunta si Raphael kaya dapat lang na nandoon ka."

"Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyang party party. Teka lang ha? Pupunta si Raphael sa party?" gulat ko na tanong sa kanya.

Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na pupunta siya? Sabagay, hindi naman ako girlfriend.

"Family friend namin ang mga Lancasters. Alam mo ba, sabi ng daddy ko, sobrang yaman daw nga mga Lancasters pero napaka humble. They have multiple businesses here and abroad, but they rather chose a simple life in Fordbridge. Sobrang thankful ng daddy sa lahat ng tulong ng pamilya nila sa bayan natin."

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Samantha. Alam ko na mayaman ang mga Lancasters dahil ilang siglo na silang nabubuhay sa mundo. Alam ko din na marami na silang natulungan na tao.

They are demon hunters slash charity workers.

Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Addie at dinala sa kwarto niya. Tulad ni Raphael, manipulative din ang babaeng ito at binili na ako ng damit para sa dinner party.

"Bakit tayo ulit pupunta sa dinner party?" nagtataka kong tanong kay Addie habang nilalagyan niya ako ng make-up.

Alam ko na pribadong pamilya ang mga Lancasters at hindi ko inaasahan ang pagdalo nila sa dinner party ni Mayor Durham.

"Kaibigan ni Eleazar si Mayor Durham kaya hindi niya ito matanggihan. Maraming mga politicians din ang pupunta lalo na si Senator Vince Sadler."

"Senator Sadler is our person of interest," sabi ni Raphael na biglang pumasok sa kwarto ni Addie. "He may have an affiliation with the shadow spirits or he can be one of their minions."

Muntik na akong matulala nang makita ko na nakasuot si Raphael ng black suit. Naalala ko na naman ang prom night namin noong high school kami. Parang kailan lang, boyfriend ko pa siya noon.

"Raphael, ikaw na ang bahala kay Jade. Sasabay ako sa sa sasakyan ni Chase," sabi ni Addie na lalabas na ng pinto.

"Bakit kay Chase ka sasabay? Ayaw mo kay Eleazar?" nakangisi na tanong ni Raphael, pero inirapan lang siya nito bago isarado ang pinto.

"May something ba kay Addie at kay Eleazar?" tanong ko sabay kuha ng purse ko.

"There is something fishy between them. Inaalam ko pa kung may past silang dalawa. By the way, you look great in your pastel yellow mini dress, Jade Cardwell," nakangiti na sabi ni Raphael sabay kuha ng kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Ikaw din, Mr. Raphael Lancaster. You look great in your suit."

"I look better when I am naked," he whispered as he wrapped me inside his arms.

"Wala akong balak na makita ka na hubad."

"Well, hindi naman kita binibigyan ng choice. Sooner or later, you have to deal with this gorgeous body."

I just rolled my eyes at him. Hindi ko alam kung anong approach ang gagawin ko sa lalaking ito. 

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon