CHAPTER 93 - CHILE

1.2K 74 9
                                    

Jade Cardwell


HINDI ako nakatulog dahil sa pagdalaw sa akin ni Raphael. Buong gabi ko siya hinintay na magbabalik na muli, pero kahit anino ni Raphael ay hindi ko nakita.

Kinaumagahan, umakyat ako sa upper deck, pero hindi na yelo ang nakapaligid sa akin. Tanaw ko mula dito ang asul na dagat at ang mga puno sa kalapit na isla. Wala na ang bakas ng mga naglalakihan na icebergs. Sigurado ako na wala na kami sa polar region.

"Do you like it here?" tanong ni Amadeus.

Binuksan niya ang pinto para tuluyan kaming lumabas sa deck. Kahit wala ng yelo, ramdam ko pa din ang malamig na hangin.

"Nasaan tayo?"

"We are docked inside a National Park on the southern portion of Chile. I presumed that you have told the Vessel about our whereabouts."

"Wala naman akong sinabi sa kanya. Sabi ko lang may icebergs."

"The Vessel will surely have an idea that we are hiding in the South or North pole. Naiintindihan mo naman siguro kung bakit kita itinatago, Jade Cardwell."

Tumango lang ako kay Amadeus. Maaring masundan kami ng mga Endorian Witches dahil kay Raphael. Abot langit pa naman ang galit ni Sapphire killer ghost sa akin.

"Doon ba tayo pupunta?" tanong ko sabay turo sa isang bahay na overlooking sa bundok.

"Yes, I want you to stay here for the rest of your term. Mas mabuti na makalanghap ka ng sariwang hangin."

"Amadeus, are we safe here?"

"Malayo tayo sa kabihasnan. Endorian Witches may have harnessed the power of Karan, but remember, I was born in it, molded by it," nakangiti na sagot ni Amadeus while quoting the line of Bane from the Dark Knight movie.

Bumaba kami mula sa barko at sumakay sa isang golf cart na magdadala sa amin sa bundok. Kasama ko si Peanut, samantalang kasunod naman namin si Amadeus na kasama si Butter. Nang malapit na kami sa paanan ng bundok ay biglang bumukas ang isang tunnel na parang isang parte ng terrains. Naka-camouflage ito at hindi mapapansin nino man.

Pumasok kami sa loob at tulad ng sub levels ng Amethyst, mukhang may research facilities sa loob ng bundok. Sumakay kami sa elevator na magdadala sa amin sa pinakataas na bahagi kung saan naroon ang bahay ni Amadeus na parang isang penthouse.

"Jade Cardwell, I don't want to give you a headache, but I think you should see this," sabi ni Amadeus habang nasa veranda ako ng kanyang bahay.

Ibinigay niya sa akin ang isang tablet na may video feeds ng black storm clouds. Katulad ito ng mga lumitaw na storm clouds sa Japan, Australia, South America at sa Barrow, Alaska. But this time, we are dealing with several storms all over the world.

A total of twelve isolated storms.

"The first wave of black storms were created by the Endorian Witches to flush the Protectors out. They want to find you, especifically you, Jade Cardwell. I killed Alastair because I know that he wants to kill you even if I asked him not to touch you."

"Pero bakit niya ko papatayin kung buntis na ako noong mga panahon na 'yon?"

"Your unborn child does not have much power during that time. If they kill you, it is like hitting two birds with one stone. You, the center of Asharah's wrath will be wiped out from the face of the earth and Raphael will remain the Vessel of the Immortal Blood."

Tumango lang ako sa kanya. Abot langit nga pala ang galit sa akin ni Asharah dahil akala niya ay ako ang umagaw sa pinakamamahal niyang si Ishmael.

"Ano na naman ang plano nila bakit sila nagpapakalat ng mga ganitong meteoroligical anomaly? Sabi sa akin noon ni Eleazar, may mga tao na tila naging possessed ng demons dahil sa mga storms na 'yan."

Tumango lang din sa akin si Amadeus at ipinakita ang iba't ibang videos ng mga tao na tila nasasapian ng demonyo. Pinapatay ng mga ito ang kung sino man tao na nakikita nila.

It is like a worse version of zombie apocalypse is right in front of me.

"This second wave of Karan-made storms were created to lure me out. The Endorian Witches know that I will not idly sit while watching these monstrosities."

"Karan ba ang reason kung bakit nagpapatayan ang mga tao?'

"Yes, that is right. Karan combined by their internal wickedness. The scientists think that this is some sort of infection from an undiscovered bacteria in the brain. They are trying to come up with a cure, but they do not not have any idea that this madness is caused by Karan. This is caused by all the evil intentions hiding in the deepest part of humans."

"Parang mga subconscious evil desires?"

"Let us take Asharah for an example. I am sure you don't like her as she attempted to kill you several times. In your deepest fantasies, you want to kill her as well or probably skin her alive. But do you know what is stopping you?"

"My Vasi?"

"No, Jade Cardwell. Your conscience, your good side, the Creator's side. If that factor is put out of the equation, imagine what will happen to the human world."

Tama si Amadeus. Puno ng galit at kasakiman ang mundo. Walang pagmamahal at puro sakit ang dala sa kapwa. Kung madadagdagan pa ito ng kapangyarihan ng Karan, magpapatayan nga ng tuluyan ang mga tao.

"Amadeus, ano ang plano mo?"

"You, Jade Cardwell is my ultimate plan."

"Mukhang hindi maganda ang ending ng iniisip mo ah? Do you really want to die?"

"Die for you? Why not? But why would I die for you if I can live for you?"

"Amadeus, hindi kita maintindihan. Ang sabi mo, ang ultimate plan mo ay gamitin ako para patayin kita? May Ultimate Plan B ka ba?"

Tumawa ang si Amadeus na parang nag-eenjoy sa confusion ko. Hindi ko alam ang tinutukoy ni Amadeus, pero sa mga oras na ito, nagtitiwala ako sa kanya at gagawin ko ang lahat para tulungan siya.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon