CHAPTER 14 - SEVILLE

2.3K 106 0
                                    

Jade Cardwell


KAHIT magkasama kami ni Raphael sa isang kwarto, he is a complete gentleman and he always choose a room with two beds. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa kanyang pagiging chivalrous.

May mga times nga na tumatabi ako sa kanya sa pagtulog, pero kapag nakatulog na ko, lumilipat siya ng kama as if being too near me is prohibited.

"I need to ask a favor from you," sabi ni Raphael pagpasok namin sa hotel room.

"Anong favor?" tanong ko sabay higa sa isang white fluffy bed.

Kahit nakakapagod ang European trip namin, fulfilling pa rin dahil sa dami ng pinapasyalan namin. So far, being with this man is the most wonderful moment of my life.

"Pwede ba kita iwan dito sa hotel bukas? May kakausapin lang kasi akong family business associate dito sa Seville."

"Ok lang naman sa akin. Pwede ba ko mamasyal na mag-isa sa city?"

"No," he said firmly sabay higa sa kama katabi ko.

"Anong gusto mo? Prisoner mo lang ako dito sa loob ng hotel room ng buong araw?" tanong ko sabay tingin sa lalaking katabi ko.

"Yes, Jade Cardwell. I want you to wait for me here. Hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto hanggang hindi ako dumarating. Nasa isang foreign country tayo. Angelo and George entrusted you to me. Be a good girl and stay here," sabi niya habang hinahaplos ang ulo ko na parang aso.

"Ok fine, Master. Wala naman akong choice kundi sumunod sa'yo," sabi ko sabay bangon sa kama.

Bago pa ako tuluyan na makatayo, hinila ni Raphael ang braso ko papunta sa kanya. I instantly fell on top his chest. Within seconds, I became a prisoner inside his arms.

"Am I making myself clear?" tanong niya habang hinahaplos ang mukha ko.

We are too close again and I can hear the same raging throbs of my heart. Palagi ako kinakabahan kapag masyado kaming malapit ni Raphael sa isa't isa. Nararamdaman ko na ang init sa pisngi ko. I am sure I am blushing in front of him now. Hindi na ako sumagot kaya tumango na lang ako as I bit my lower lip.

"Don't bite your lips," utos niya sa akin.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

I purposely bite my lower lip again bilang pang-aasar sa kanya. He then caressed my lips with his thumb and I can't help but to close my eyes with this unnamed electricity flowing in my body.

In a split second, I found myself on the other side of the bed. Raphael is now on top of me, but our gazes are still locked. I heard his deep breath before he sank his lips into mine. I savored the taste of his sweet lips and I passionately kissed him back. His kisses are so addictive and I am drowning with every stroke. My whole body shuddered as his lips ran from my lips to my neck.


Isang nakakabaliw na sandali na naman sa piling ni Raphael Lancaster...


Without warning, biglang tumigil si Raphael at nagmamadaling bumangon sa kama. It took me a while to realize that his phone was ringing.

"Excuse me, love. I have to take this," sabi ni Raphael sabay pasok sa bathroom.

Hindi ko alam kung sino ang kausap ni Raphael, pero mukhang galit siya sa kausap niya. Lumalakas ang boses niya na parang may pinag-uutos sa kausap niya. After a few minutes of heated conversation, bumalik siya sa kwarto at umupo sa kama.

"What do you think about Paris?" excited niyang tanong sa akin.


Kanina galit ka sa kausap mo sa phone, ngayon naman excited ka?


"Nakapunta na ko sa Paris noon with my parents. Bakit mo naitanong?"

His facial expression changed. He looks cheerful, but I can feel that he is worried. There is something going on, I can feel it in my guts. Raphael is definitely hiding something from me.

Narinig ko din ang pangalan ko kanina ng ilang beses sa kanyang phone conversation. Alam ko na may kinalaman sa akin ang kausap ni Raphael kanina.

"Raphael, may gusto ka ba sabihin sa akin?"

"Yes, I have something to tell you, love. We need to cut our vacation short in Spain as we need to fly to Paris. I am sorry, but we need to go."

"Kailan tayo pupunta ng Paris?"

"Tonight."

He is not spilling everything to me. I am only getting small pieces of the puzzle. May malalim na dahilan kung bakit kami aalis ng Seville pero ayaw niyang sabihin sa akin.

"May balak ka ba na magpaliwanag kung bakit tayo aalis ng Seville ngayong gabi?"

"Business matters. I hope you understand."

"Business matters again? Hindi na ako naniniwala sa mga palusot mo, Raphael," sagot ko sabay talikod sa kanya para matulog.

Tuwing may itatanong ako sa kanya na ayaw niyang sagutin, palagi niyang sinasabi na confidential or business related. Naramdaman ko na lang na bigla akong niyakap ni Raphael habang nakatalikod ako sa kanya.

"Alam ko galit ka. I can see your nose flaring from here."

"Whatever, Raphael."

"Hey, love. If this is not important, I will not ask you to leave tonight. I know you are tired, but it is pertinent that we travel to France today."

"Raphael, pwede mo naman kasi sabihin sa akin ang totoong reason kung bakit tayo pupunta ng Paris. I narrated my whole life to you. Wala akong itinatago sa'yo, you can trust me. If there is something bothering you and I know there is, you can share it to me."

"Love---"

"Alam ko na hindi related sa business ang reason. Wala ka ba tiwala sa akin? Bakit ka naglilihim?"

"Sa susunod na natin pag-usapan 'yon," sabi ni Raphael as he gently kissed my ear down to my neck.

"Alam ko na ang next na sasabihin mo. I have to wait for the right place and right time. May tinatago ka ba sa akin? Girlfriend mo ko. You should be open to me! You should trust me!"

"Come on, love. Don't be stubborn."

"Do you trust me, Raphael?"

"I do trust you, love. However, there are things I cannot explain right now. All I want is for you to trust me."

"See? May tinatago ka nga sa akin!"

Hindi na sumagot si Raphael. He just pretended that he did not hear anything. Gusto ko pa sana magtanong, pero alam ko na hindi niya din sasabihin sa akin ang sagot.


Trust is an important factor in a relationship, but it seems like we are missing it.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon