CHAPTER 18 - VENICE

2K 95 1
                                    

Jade Cardwell


NAGISING na lang ako dahil sa tawag ni Raphael sa mobile phone ko. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ang kalokohan ko kagabi.

"Good afternoon. Kamusta ang tulog mo?" natatawa na tanong niya sa phone.

"What do you want?" inis kong tanong din sa kanya.

"Meet me in the Clocktower on the Piazza San Marco. Dapat nandito ka na within twenty minutes. I sent the details to your phone."

"Eh kung ayaw ko pumunta diyan?"

"Twenty minutes, love," maikling sagot ni Raphael sabay disconnect ng line.

Tignan mo itong lalaking ito! Binabaan ako ng phone!

Mabilis ako nag-shower at pumunta sa Piazza San Marco. My expert eyes spotted him right away kahit nasa gitna siya ng napakaraming tao. He is wearing a fitted shirt and he looks dashing with his sunglasses on.

Napansin ko na may ibang mga babae na tumitingin kay Raphael. Hindi ko naman sila masisisi, Raphael is really good looking.

"Hi, love," bati ni Raphael sa akin paglapit ko sa kanya.

"Hi ka diyan!"

"Sabi ko twenty five minutes, hindi forty five minutes. Gutom ka na ba?"

"Alas dos na ng hapon, malamang gutom na ko," masungit kong sagot sa kanya.

"Galit ka ba?"

"Hindi ko galit, ang saya ko nga eh!" I said in a sarcastic tone.

"I like it when you are savage, love. Let us go," sagot niya sabay hila sa akin papunta sa grupo ng mga tao.

"Saan ba tayo pupunta? Wala ko sa mood kumain. Wala din ako sa mood mamasyal. Pwede bumalik na tayo sa hotel---"

Naputol ang sasabihin ko nang lumapit kami sa maraming tao. Narinig ko ang isang lalaki na nag di-discuss tungkol sa pagsakay sa gondola. Mukhang isa siyang tour guide para sa gondola ride.

"Anong sabi mo? Gusto mo na bumalik sa hotel?" nakangiti na tanong niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot at mabilis ko siyang niyakap at hinalikan sa cheeks. Wala akong pakialam kahit makita ko ng ibang tao.

"Thank you, Raphael!" bulong ko sa kanya habang nakayakap sa braso niya.

"Thank you ka diyan, may bayad 'yan."

"Kahit ano, willing naman ako magbayad."

"Mamaya na natin pag-usapan ang bayad mo sa akin. Let's go."

Kasama ng ibang mga tourists, we walked towards the magnificent Rialto Bridge. Part din ng tour ang pag visit sa ibang mga churches. Ang pinaka huli namin na activity at ang most awaited gondola ride.

We glided along the Grand Canal and cruised past the majestic buildings via narrow canals. This is like a romantic date with Raphael.

"Bakit nagbago ang isip mo? Akala ko ba the answer is no?" tanong ko sa kanya habang nakasakay kami ng gondola.

"I did not change my mind. Part talaga ito ng trip natin. Gusto lang kita asarin," sagot niya sabay halik sa kamay ko.

"Alam mo ba na ito dapat ang graduation gift ng parents ko sa akin. It is my childhood dream to ride the gondolas."

"You are here now, love. Consider this as my early graduation gift to you."

With my two hands, I cupped his face and kissed his lips. I can't contain my happiness dahil nandito ako ngayon sa Venice Canal, pero alam ko na mas masaya ako dahil si Raphael ang kasama ko.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon