CHAPTER 76 - BARROW

1.3K 80 5
                                    

Jade Cardwell


WHAT if Chase is right? What if these storms are bait to lure us out? What if the Shadow Spirits want us to be separated from each other?

Katatapos ko pa lang makipag-usap kay Raphael nang makarinig ako ng footsteps sa 'di kalayuan. Lumiwanag ang Lumine Sword at lumabas muli si Aesther.

"Prepare yourself, Protector," sabi sa akin ni Aesther.

Biglang bumakas ang pintuan ng opisina at pumasok ang tatlong lalaki na may itim na mata. Hindi ko alam kung paano nila ako nasundan dito, pero may pakiramdam ako na alam na ng mga Shadow Spirits ang location ko.

Sumugod sa akin ang tatlong demons. Si Aesther naman ay sumanib sa Lumine Sword at binalot ito ng nakakabulag na liwanag. Dahil mga ordinary demons lang ang kaharap ko, madali ko silang natalo gamit ang Lumine Swords.

"Aesther, nahanap na nila tayo."

"Nahanap nila tayo dahil mahina ang concealment na ginamit natin. The Shadow Spirit here in Alaska is extremely powerful compare to us."

Dahan dahan kaming lumabas ng office terminal papunta sa tarmac. Kailangan na makalayo kami ni Aesther dito dahil hindi namin kakayanin ang Prime Guardian kung ako lang mag-isa ang nandito.

Pagbukas ng sliding door, may dalawang lalaki na naghihintay sa akin. Ang una ay si Alarcus na una kong nakita sa Mansforth mansion at ang pangalawa ay ang lalaki sa waiting shed. Sigurado ako na dalawang Shadow Spirit ang kaharap ko, pero tingin ko, hindi sila ang sinasabi ni Aesther na Prime Guardian.

"We have met again, Jade Cardwell. My name is Ahaziah. Please come with me. I am not going to hurt you," sabi ng lalaki na nakita ko sa waiting shed.

Ahaziah. Ito siguro ang pangalawang Shadow Spirit sa France. Ito din siguro ang Shadow Spirit na pumatay kay Jourdain Lavergne sa Rue De Sommerard.

Iniisip ko pa lang kung ano ang pakay nila sa akin, pero biglang sumugod sa akin si Alarcus. He jumped towards me with his sword above him and tried to slice me in two.

"You should die, Protector!" Alarcus said as he gritted his teeth.

Mukhang tinulungan ako ni Aesther dahil mabilis na gumalaw ang kamay ako at na-deflect ko ang sword ni Alarcus gamit ang Lumine Sword. Alarcus waved his hand and I stumbled a few meters to the runway. Masyadong malaki ang difference ng kapangyarihan naming dalawa.

"Alarcus, our brother will not be delighted if you kill her," sabi ni Ahaziah.

"Who told you that I will follow what he said?"

"Alarcus. You are playing a dangerous game. This is not part of the plan---"

"I will kill this Protector and extract the blood inside her for myself!"

Alarcus wants to kill me in agonizing manner, but Ahaziah wants to save me as ordered by his so-called brother. I presume na ang tinutukoy niya ay ang Prime Guardian. Mukhang may internal conflict din ang mga Shadow Spirits.

Habang nag-uusap si Alarcus at Ahaziah, I used my lightning speed to attack Alarcus, pero mabilis niyang nahawakan ang leeg ko. I kicked him with all my might and stepped on his chest as I made a somersault to release his hand from my neck.

Tulad ng turo ni Chase, I gathered a huge amount of Vasi and propeled it to him. Mas nagalit si Alarcus nang muntik na siyang matumba sa ginawa ko.

"Alarcus, heed my warning. Spare this one," sabi ni Ahaziah na biglang naglaho.

Kasabay ng pagkawala ni Ahaziah ay ang paglabas ng mga malalaking torn-like black icy crystals mula sa tarmac ground. Wala akong nagawa kundi tumalon palayo sa mga ito.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon