CHAPTER 56 - CAVE

1.5K 75 1
                                    

Eleazar Lancaster


MY name is Eleazar, son of Levi. I am an immortal who has been roaming on earth for over three millennia.

Bago ko maging isang Protector, isa akong taga pastol ng tupa sa aming bayan. Isang hapon habang pauwi na ako sa aming tahanan ay nakasalubong ako ng mga uwak. Hindi ako madalas makakita ng uwak sa aming lugar kaya nakapagtataka na napakarami nilang naka-dapo sa isang puno.

Pagtingin ko sa mata ng isang uwak ay napansin ko ang kakaiba nitong kulay. Parang mga mata ito na puno ng dugo sa sobrang pula. Biglang lumipad uwak palayo sa akin, at sa hindi ko malaman na dahilan, ako ay sumunod dito. Para akong na-hipnotismo dahil sinusundan ng mga paa ko ang kakaibang uwak na ito. Ang paa ko ay tila may sariling kaisipan ay sumusunod ng kusa sa uwak.

Napansin ko na patungo ako sa isang malaking kweba sa gitna ng kagubatan. Mahigpit na ipinagbabawal ng aking mga ninuno ang pumunta sa lugar na ito. Maraming kababalaghan ang bumabalot sa kwebang ito at walang nagtangka na alamin ang misteryo nito. Mukhang ako pa lang ang unang susubok na pumasok dito. Ayoko sana gawin ito, pero parang may kakaibang pwersa ang humihigop sa akin na pumasok sa kweba.

Habang naglalakad ako sa loob ng madilim na yungib, naririnig ko ang mga kakaibang boses na tumatawag sa pangalan ko. Gusto kong tumigil at tumakbo palayo, ngunit ang mga paa ko ay patuloy na gumagalaw papasok sa loob ng kweba.

Naramdaman ko ang kakaibang pagod dahil alam ko na ilang oras na rin akong naglalakad. Nahihilo na ko sa pagod at dahil na rin sa dilim ng buong lugar. Sinubukan ko humawak sa gilid ng kweba para kumuha ng lakas, pero biglang na hiwa ng isang matulis na bato ang aking palad. Dumanak ang napakaraming dugo mula sa akin kamay.

Kasabay ng pagkasugat ng aking kamay ay ang pagkawala ng mapang-akit na kapangyarihan ng kweba. Nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari, nagmamadali akong tumakbo palabas ng yungib. Kahit naghahabol na ako ng hininga, hindi ako huminto hanggang hindi ko nakikita ang liwanag sa labas.


Palubog na ang araw nang makarating ako sa aming tahanan. Mukhang inabot ako ng ilang oras sa loob ng mahiwagang kweba. Pagdating ng gabi, dinalaw ako sa panaginip ng mga kakaibang nilalang. Mga itim na nilalang na parang mga anino na lumulutang sa ere. Wala silang hugis, pero para silang mga kaluluwa ng mga tao na gawa sa napaka itim na usok. Binalot ako ng takot, katulad ng takot na naramdaman ko noong ako ay nasa loob ng kweba.

Alam ko na hindi nagkataon lang ang lahat, ang uwak na may pulang mata at ang mga itim na nilalang sa panaginip ko. Alam ko na masamang palatandaan ang mga ito, isang mapanganib na pangitain.

Humingi ako ng tulong sa aking ama na si Levi, ang pinuno ng aming angkan. Binalaan niya ako na huwag kong babanggitin ang nangyari sa akin sa kahit sino man.

Ngunit hindi nagtapos sa panaginip ang mga nangyari. Gabi gabi ay dinadalaw ako ng mga nilalang na parang isang malagim na bangungot. Kadalasan ay natatagpuan ko ang sarili ko sa ng kagubatan sa gitna ng gabi na walang kahit anong memorya kung paano ko napadpad doon.

Alam ko na may mali na sa akin dahil tila nawawalan na ako ng memorya sa realidad, wala na akong maalala sa nangyayari sa kasalukuyan. Ang tangi ko na lang naalala ay ang mga itim na nilalang na tila nilusob na aking pag-iisip.

Hindi ko na nakayanan ang mga pangyayari at sinabi ko ito sa aking ina na si Mariah.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon