Jade Cardwell
NARAMDAMAN ko ang dahan dahan na pagbagsak ng katawan ko, pero sinalo ako ni Raphael bago pa ko tuluyang mawalan ng malay. Kasabay ng pagkahilo ko ay ang mga pangitain na hindi ko inaasahan.
"Hey, love. Are you alright?" tanong ni Raphael habang nakayakap sa akin.
Nandito pa rin kami sa isolated part ng garden ng Durham mansion. Tingin ko ay nawalan ako ng malay, pero mga ilang minuto lang ang lumipas.
"Raphael, nakita ko si Addie sa vision. Nasaan ba si Addie?" nag-aalala ko na tanong ko sa kanya at napansin ko na kasama na namin si Chase at si Eleazar.
"Hindi namin siya mahanap. Ano ang nakita mo?"
"Pagkatapos magdilim ng paningin ko, nakita ko si Addie na nakatali sa isang upuan na parang nasa gitna ng isang intense interrogation. Marami siyang sugat sa braso at sa binti na hindi gumagaling. Someone is hurting her with a glowing black rope which is burning her skin."
"Saan niyo huli nakita si Andreia?" tanong ni Eleazar.
"Malapit sa fountain. May kasama siyang ilang mga businessman dahil nag-uusap sila tungkol sa expansion ng Addison Cafe. I will try to find her," sagot ni Chase bago tuluyan na umalis.
Maingat kaming umikot sa Durham mansion, pero hindi namin mahanap si Addie. Wala rin kaming nararamdaman na kahit anong presence ng Karan sa buong lugar kaya hindi namin alam kung Shadow Spirit ba ang may gawa nito.
"I made a quick sweep around the area using the Gladium. There is nothing out of place. I can even feel Addie as of now as if she is here. Someone powerful must have duplicated her Vasi to make us think that she is still here," sabi ni Chase sa amin pagkatapos ng ilang sandali.
"Kung tama ang sinabi mo, we are facing a dangerous kind of Karan if we are unable to feel them and if they can easily conceal their presence. Kailangan na natin umalis. Nasa panganib si Andreia. Kung sino man ang may pakana nito, hindi niya na-consider ang vision ni Jade," dagdag ni Eleazar.
Nagpaalam si Eleazar sa mga magulang ni Sam na kailangan na niyang umalis dahil may family emergency. Kahit kami ni Chase at ni Raphael ay hindi na din nakapagpaalam kay Sam sa sobrang pagmamadali. Naunang umalis si Eleazar gamit ang kanyang sasakyan. Bakas sa kanya ang pag-aalala kay Addie.
"Jade, absorbing visions can only happen once there is a physical connection between two people, but your case is different," sabi ni Chase habang nasa loob kami ng sasakyan ni Raphael.
"Nag-evolve na ba ang visions ko?"
"I think Addie is in danger. She is asking for our help and your visions greatly evolved because of this. Subukan mo muling balikan ang vision na nakita mo. Gamitin mo ang iyong Vasi at mag-focus ka kay Addie. Baka magkaroon tayo ng clues kung nasaan siya ngayon."
Ginawa ko ang sinabi ni Chase. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at nag-focus kay Addie. Buong akala ko ay magkakaroon ako uli ng pangitain, pero mukhang nagtravel ang kaluluwa ko sa lugar kung nasaan si Addie.
Nakatali pa din si Addie sa upuan at kapansinpansin ang napakarami niyang sugat sa katawan na parang nilatigo siya ng daan na beses.
Her once elegant dress is now tattered and soaked in blood. She is almost naked and only a few pieces of her dress was left.
Sinubukan ko siyang hawakan, pero tumagos lang ako sa katawan niya. Alam ko sa mga oras na ito na maraming nawala na dugo sa kanya dahil hindi gumagaling ang sugat niya.
Imbes na magpanic, umikot ako sa bahay para makakuha ng clues kung nasaan si Addie. Tulad ng Lancaster mansion, malaki ang bahay na ito. Malaki ang chance na nasa loob pa rin kami ng subdivision nila Raphael.
Habang umiikot ako, napansin ko ang dalawang lalaki na may hawak na glowing black rope. Hindi ko marinig ang kanilang sinasabi, pero parang may hinihingi silang impormasyon tungkol kay Addie. I think they are asking where they can find the Vessel of the Immortal Blood.
Mukhang hindi ako naramdaman ng dalawang lalaki kaya sinubukan kong lumabas sa front porch at sa garden. Lumabas din ako sa gate at nakita ko ang pangalan na Mansforth na malapit sa gate. Kung tama ako, malapit ang bahay na ito sa Durham mansion at nadadaanan namin ito tuwing uuwi kami sa Lancaster mansion.
Buong lakas ko na binuksan ang aking mata at pagkadilat ko ay nasa loob pa rin ako ng sasakyan ni Raphael. Ibinahagi ko kay Chase at Raphael kung anong nakita ko. Mabilis nilang tinawagan si Eleazar para puntahan namin ang Mansforth mansion.
"Are you sure this is the correct house? Matagal ng walang naninirahan sa Mansforth mansion," sabi ni Chase nang makarating kami sa harap ng bahay.
"Sigurado ako. Sa visions ko, nasa living room si Addie."
Alam ko na trespassing ang gagawin namin, pero kung tama ang vision ko, nandito si Addie. Pumasok kaming apat sa loob ng Mansforth mansion at tulad nga ng sabi ni Chase, walang tao dito. Umikot si Chase at Eleazar sa buong bahay, samantalang kami naman ni Raphael ay pumunta sa living room.
Nagulat kami ni Raphael nang makita na nakatali sa isang wooden chair ang walang malay na si Addie, pero wala siyang kahit anong sugat.
"Addie, nandito na kami," bulong ko sa kanya, pero mukhang nawalan siya ng malay.
Tinanggal ko ang mga ropes na nakatali sa likuran niya, pero bigla akong napaso at tila nasunog ng bahagya ang aking mga kamay.
"Fuck! Bakit nakakasunog ng balat ang mga ropes na 'yan?" tanong ko sabay tingin sa mga daliri ko na may sugat.
"Hey watch your words, love. And please don't touch it, it is tainted."
"Thanks for the heads up ha? Tainted with Karan?"
"Matatagalan bago maghilom ang sugat sa kamay mo. Sigurado ako na may kinalaman ang isa sa mga Shadow Spirits dito."
Ginamit ni Raphael ang Gladium at tinanggal ang mga glowing black ropes na nakatali sa kamay ni Addie. Pansin ko agad ang itim na sugat sa wrist ni Addie gawa ng mga tainted black ropes.
Binuhat ni Raphael si Addie, pero bago kami makalabas ng bahay ay nakasalubong namin ang isang lalaki na may itim na mata. Sigurado ako na isa itong demon. Ito din ang lalaking nakita ko sa vision ko na lumalatigo kay Addie.
"Protectors saving their follow Protector?" sabi ng lalaki sabay labas ng kanyang glowing black whip.
Without warning, he raised his whip and it quickly reached Raphael's face creating a wound on his face. He tried to use it again, but with a swift move, I caught the whip in my hands, which painfully sliced my palm.
"Raphael, ako na bahala dito---"
"I won't leave you, love."
"Raphael, kailangan mo ng umalis dahil nasa panganib si Addie. Susunod agad ako, huwag kang mag-alala."
Alam ko na ayaw niya akong iwan, pero mas nasa delikadong posisyon si Addie. Hindi namin alam kung gaano katagal na nagkaroon siya ng Karan sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...