CHAPTER 53 - NEW ORLEANS

1.5K 85 1
                                    

Raphael Azarian


NAGING magkaibigan kami ni Johann. Marami na akong naibahagi na kwento tungkol sa akin at tungkol sa pamilya ko, excluding the part that I am the vessel of Immortal Blood.

Alam niya na may tinatago ako, pero hindi na ako pinipilit pa ni Johann sa mga bagay na hindi pa ako handang sabihin. Lumipas ang taon at natapos ang World War II. Wala na akong pamilya kaya si Johann mismo ang umampon sa akin.

Johann decided to become a local doctor in England offering free medical services. Siguro dahil binabangungot pa rin siya sa mga inhumane experiements na ginawa niya noon. Imbes na magmukmok, ibinuhos ni Johann ang oras para tumulong sa kapwa.

Pinag-aral din ako ni Johann sa England. Kapag wala akong pasok sa paaralan ay tinutulungan ko siya sa kanyang clinic. Sa loob ng ilang taon, tahimik kami na namumuhay ni Johann sa England, pero napapansin niya na hindi ako tumatanda. Ang mukha ko noong una akong dinala sa concentration camp ay ganun pa rin pagkatapos ng napaka habang taon.


In early fifties, Johann and I moved to the French Quarter district in New Orleans. Ayaw rin niya maghinala ang mga tao sa England tungkol sa akin, kaya nanirahan kami sa ibang lugar.

Maraming mga supernatural stories sa New Orleans. Johann thinks that these are just stories to attract visitors, but this can be a good way to camouflage, to blend. A story about an immortal man in New Orleans can be easily considered a part of the New Orlean's magic, a fiction to attract tourists.

Ipinagpatuloy ni Johann ang pagiging doctor at ako naman ay nag-aaral at nagtatrabaho din para makatulong sa kanya. Naging maayos ang pamumuhay namin dito hanggang makilala ko ang isang babae na nagngangalan na Sapphire.

"Excuse me! Alam mo ba kung saan ang daan papunta sa Rue Bourbon?" tanong ng isang babae sa akin habang naglalakad ako pauwi mula sa French Market.

Medyo may pagdududa na agad ako sa kanya dahil hindi siya mukhang naliligaw. In fact, mukhang inaabangan niya ako para makausap.

Bourbon Street is just a few blocks away from where we were standing. Siguro ay isang turista ang babaeng ito at nahihiya na magtanong sa ibang tao.

Nagmagandang loob ako sa kanya at sinamahan sa mismong Bourbon Street. I must admit, this girl is pretty with angelic face.

"Would there be anything else that I can help you with?" tanong ko sa kanya.

"Would you like to join me for a drink? Kanina ko pa gusto magtanong, pero karamihan ng mga tao dito sa New Orleans ay mukhang suplado. Ikaw lang ang mukhang mabait," nakangiti na sabi niya sa akin.

It is not every day that I will meet an attractive tourist like her with an irresistible offer. I eventually agreed to her and took her to the nearest pub.

"Ako nga pala si Sapphire Prescott. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin habang nasa loob kami ng pub.

Sapphire has this beautiful long black hair. She looks like a middle eastern princess. And yet, her last name Prescott sounds American.

"I am Raphael Eisenbach. Nice meeting you, Ms. Prescott."

I gave my hand to her for a handshake and I tried to absorb some visions from her, but she was empty.

Isa sa mga kakaibang kakayahan ng Vessel ay ang pag absorb ng vision mula sa isang tao. It can be the past or present experiences of a person. We can easily determine if a person is lying by means of visions. It is like taking a glimpse on their life history.

We also have an extra ordinary talent to be invisible, but this is only applicable to one person. Hindi ko nagamit ito nang umatake ang maraming mga Nazi soldiers sa aming village noon.

"Eisenbach? Hindi ba taga Germany ang mga Eisenbach?"

"Nanirahan ako sa Germany ng ilang taon. Ang father ko ay half German, half British. I guess I am a quarter German."

"Ako naman ay ipinanganak sa Louisiana, pero sa New York ako lumaki. I recently moved here to New Orleans to find my ex-boyfriend."

"Ex-boyfriend? Huwag mong sabihin na balak mo maghiganti sa ex mo?"

"No, I just found out that he had already passed away," she said casually as if she was not affected by his death.

"I am sorry. I don't mean to pry on the subject."

"We all have to face death eventually," she said as shrugged her shoulders. "His death means nothing to me anymore. Tulad nga ng sabi ko, he is my ex-boyfriend."

For hours, we shared stories about ourselves. It was already past midnight when I took her home. May ilang beses ko din hinawakan ang kanyang kamay pero wala akong makita na kahit isang vision mula sa kanya.

"Raphael, nag-enjoy talaga ko na kasama ka. Sana maulit natin uli ito," sabi niya nang makarating kami sa tapat ng pinto ng bahay niya.

"Malapit lang ang bahay namin dito. Pwede kitang bisitahin kapag wala akong trabaho."

"Gusto mo bang pumasok sa loob? Ilang araw na din akong malungkot," sabi ni Sapphire na biglang nilagay ang kanyang mga kamay sa batok ko.

Hindi ko alam kung inaakit niya ako dahil marami na din ang kanyang nainom.

"Medyo late na din. Kailangan ko na umuwi---"

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap at hinagkan. I am just a man and I cannot seem to resist her seductions. Everything happened quickly and we found ourselves sharing the same bed for the whole steamy night.

Ang isang gabi na pinagsamahan namin ay naulit pa ng ilang beses. Unti unti ko nagustuhan si Sapphire dahil maaalalahanin siya sa akin. However, she eventually transformed into an obsessive and overprotective girlfriend.

Lumipas ang araw at nakilala ko si Sapphire. Doon ko nadiskubre na masyado siyang gahaman at makitid ang utak. Sarili lang niya ang kadalasan na iniisip niya. There is something about her that I can't pinpoint, but my guts are telling me that she is dangerous and unstable. Hindi ko na nakayanan ang mga nakakasakal na sandali sa piling ni Sapphire kaya minabuti ko na tapusin ang lahat.

"Raphael, huwag mo naman akong iwan. Alam mo na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

"I am sorry, Sapphire. This is not working. You are even jealous of the time I spent with my father. Hindi tama na pati ang tatay ko ay pinagseselosan mo."

"Raphael, mahal kita at alam ko na mahal mo din ako. Matanda na ang tatay mo. Mamamatay din siya at iiwan ka. Ako ang nandito para sa'yo."

I frowned at her. It is like I am facing a different woman now or maybe, this is her real self that she has been hiding from me for months.

"Sapphire, gusto kita pero hindi kita mahal."

"Hindi ako naniniwala sa'yo! Alam ko na mahal mo ko! Alam ko na wala ka ng ibang iibigin bukod sa akin! Even your father does not deserve your love! Your attention and affection should only be mine! Only mine!"

"Nababaliw ka na ba? Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Raphael, subukan mo umalis at iwan ako! I will surely bring hell to your next woman! Kung kailangan na patayin ko lahat ng babae na lalapit sa'yo, gagawin ko!"

"Are you threatening me? Do you think I will be shattered if you leave me? You are crazy! You are damaged beyond repair!" I shouted at her.

Napuno ako ng galit sa mga oras na ito. Siguro dala ng poot at takot sa kanyang pagbabanta. Hindi ko rin nagustuhan ang mga salitang binitawan niya tungkol kay Johann. Wala sa matinong kaisipan ang isang babae na pinagseselosan ang aking sariling ama.

"Kapag iniwan mo ko, magpapakamatay ako! Subukan mo lang, Raphael! Magpapakamatay talaga ako!" sigaw niya sa akin nang tumalikod ako sa kanya.

I shook my head and left her right away. Sapphire is a proud and attention-seeking woman. With her arrogant self, I doubt that she will kill herself. Tingin ko, her suicidal attempts are her ways to manipulate me.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon