CHAPTER 50 - LAVA

1.7K 87 1
                                    

Jade Cardwell


WALA akong kibo habang binabahagi ni Chase Lancaster at Addie Lancaster ang kwento nila. Si Jourdain Lavergne pala si Doctor Chase Lancaster, samantalang si Andreia Micaella Fernandes pala si Addison Lancaster.

May mga instances na hinawakan nila ang kamay ko para makakita ko ng vision tungkol sa nakaraan nila. They are sharing these flashbacks as if I am watching a movie in HDTV.

Biglang dumating ang isang lalaki sa living room. He still looks young and yet his eyes are so dark, so deep like it has seen the world for thousands of years.

"We have met again, Jade Cardwell. I presume that Addie and Chase have already introduced themselves. My name is Eleazar, the oldest and the first Protector," seryosong pakilala niya sa akin.

"Dad, tinatakot mo naman si Jade. Baka isipin niya ay kakainin mo siya," biro ni Chase sa kanya.

It took me a while before I recovered from his abridge, and yet far fetched introduction. May kakaibang aura si Eleazar Lancaster tulad noong una ko siyang nakita sa Saint Malo. Parang maraming misterio ang bumabalot sa katauhan niya.

"Sir Eleazar, ilang taon na po ba kayo?" I dared to ask him.

"Simula ngayon, tawagin mo akong Eleazar or just simply call me dad. Isa na tayong pamilya ngayon. I am three thousand years old, give or take. I lost counting when my body was trapped inside a smoldering lava flow."

Family na daw kami? Dad daw ang itawag ko sa kanya?

These good looking weirdos are getting stranger every minute.

"As in volcanic lava?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"You heard it right, Jade This old man is invincible. I wonder if he can win over the ancient Tambora volcano," nakangiti na biro ni Chase.

Alam niya siguro na naguguluhan ako sa mga oras na ito, kaya ginagawa niyang biro ang lahat para hindi ako matakot. Dahan dahan na lumapit sa akin si Eleazar at hinawakan niya ang ulo ko gamit ang kanyang kamay.

"Are you still in pain, my child?" tanong ni Eleazar sa akin.

"Naaksidente po kami kanina ni Raphael at sobrang sakit ng buo kong katawan, pero ngayon po ay medyo okay na ko," maikli kong paliwanag sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit wala na akong nararamdaman na sakit kahit tumilapon ako ng malakas kanina.

Habang hawak ni Eleazar ang ulo ko, napansin ko ang kakaibang liwanag na nagmumula sa kamay niya. A warm feeling embraced my head and a glowing light is now spreading from above my head. Nang mawala ang liwanag, hinawakan ko ang sugat ko sa ulo at nakapagtataka na naglaho ito na parang bula.

Even my broken bones suddenly moved as if aligning itself. I guess the oldest Protector is capable of healing magic.

Ilang segundo din akong pinagmamasdan ni Eleazar na parang bang napakalalim ng kanyang iniisip. Maybe because he is a grumpy old man or there is really something serious going on. Nagulat na lang ako nang bigla niyang nilabas ang isang patalim mula sa kanyang likod.

Fuck! Papatayin ba niya ko?

"Dad, what are you doing?" tanong ni Raphael na biglang tumayo sa harapan ko na para bang pinoprotektahan ako kay Eleazar.

"Relax, son. I am not going to slice her in pieces," sagot ni Eleazar sa kanya.

Umupo muli si Raphael sa tabi ko, samantalang lumuhod naman si Eleazar sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon