CHAPTER 98 - BLACK

1.1K 74 11
                                    

Jade Cardwell


Pagpasok namin sa loob, isang malaking kweba ang tumambad sa amin. Ang ceiling ng kweba at ang mga pader ay tila gawa sa pinaka maitim na bato. Ang tanging liwanag namin ay nagmumula sa dulo ng kweba.

"Wala akong maramdaman na Karan o Vasi sa lugar na ito. May nararamdaman ba kayo?" tanong ko sa kanila at umiling lang si Addie at si Chase sa akin.

Naglakad kaming lima papunta sa dulo ng cave tunnel kung saan naroon ang maliwanag butas. Nang marating namin ang dulo, biglang nagbago ang hitsura ng kweba. Ang buong lugar ay tila napapalibutan ng makapal na yelo.

A sparkling bluish ice cave...

"Para tayong nasa loob ng isang ice cave na may crystal-like stalactites and stalagmites---"

Napatigil ang pagkamangha ko nang mapansin ko na hindi gumagalaw si Raphael. Kahit si Addie, si Chase at si Eleazar ay parang mga frozen statues. Kahit ang water droplets na nagmula sa taas ng ice cave ay suspended sa air na parang huminto ang oras.

Inikot ko ang paningin ko at sa bandang dulo ng ice cave ay may nakatayo na dalawang lalaki. Sigurado ako na si Amadeus ito kahit nakatalikod. Ang lalaking kasama niya ay ang batang si Jaden Jasper. Naglakad ako papalapit sa kanila, pero nakatingin lang sila sa tapat ng isang dambuhalang crystalline ice wall.

"I am glad you have found us. Don't worry about the other Protectors, they are safe and sound," Amadeus said without looking at me.

"You deliberately led me here? Ikaw ba ang may gawa ng visions na nakita ko?"

"That would be me, mom!" proud na sagot ng lalaking katabi ni Amadeus.

Lumingon ito sa akin at ngumiti. Posible nga na anak nga namin ni Raphael ang batang ito. His gorgeous eyes and lovely face bear a resemblance to Raphael. His arrogant look is definitely from my Uncle Angelo Cardwell.

"Amadeus, is he---"

"Yes, he is your son. The Vessel of the Immortal Blood."

Lumapit sa akin ang batang lalaki at biglang yumakap sa akin. Hindi ako makapaniwala na anak ko ang lalaking ito dahil mukha na siyang teenager.

"Mom, I would love to detail how I end up like this, but I believe we are running out of time," sabi ni Jaden Jasper.

"M-mom?"

"You need to get used to it. Would you prefer me to call you, Jade Cardwell?"

"Uhmmm. Hindi naman sa ganun---"

Kinuha ni Jaden Jasper ang kamay ko at niyaya na lumapit sa harapan ng ice wall kung saan nakaharap pa rin si Amadeus. Hinawakan niya ang glassy ice wall na parang may hinahanap.

"Amadeus, may balak ka ba magpaliwanag sa akin kung bakit mo kinuha ang anak ko ng walang paalam?"

"I don't have the time to explain everything to you."

"Bakit hindi mo sinabi na kukunin mo siya sa akin?"

"Would you give me your son even if I beg you to?"

"You said it yourself, Amadeus! Anak ko siya! Hindi mo siya anak! Wala kang karapatan na ilayo siya sa akin---"

"We had an agreement, Jade Cardwell. I had a precise offer. You are free to leave after a year. I don't remember saying that you are free to leave together with your son."

"So you are after my son all along? Siya pala ang target mo sa simula pa lang?"

"I am also after you, but I will not force you to love me if your heart still belongs to someone else," sagot niya at biglang tumingin sa akin.

Hindi tulad ng kadalasan na nakikita ko sa mata ni Amadeus na puno ng lungkot, ngayon ay tila may saya sa kanyang mga mata. Kahit hindi siya nakangiti, pero alam ko na masaya siya.

Dahil ba ito kay Jaden Jasper? Naging masaya ba si Amadeus sa piling ng aking anak?

"I won't force you to love me if your heart still belongs to someone else? Oh come on, Father! How cheesy can you get?" sabi ni Jaden Jasper habang nakaharap pa din sa ice wall.

Humalakhak lang si Amadeus sa sinabi nito. It seems that both Amadeus and Jaden Jasper had developed a father and son attachment to each other. Tulad ng naramdaman ko noon kay Amadeus, marahil ay panatag si Jaden kapag kasama niya ang Prime Guardian.

"Ano ba kasi ang ginagawa niyo dito?"

"The Endorian Witches are busy harnessing Karan from the wickedness of the world. Your son will help me channel these concealed Karan from the other Shadow Spirits."

"Shadow Spirits?"

"During the Forging of Light, most of the Shadow Spirits were obliterated into nothing. Some mediocre ones were trapped here in this cave."

"Bubuhayin mo sila?"

"Nope, these Shadow Spirits are neither alive nor dead. Technically they are all gone now, but the remnants of their Karan are still trapped here," sabi ni Amadeus sabay turo sa ice wall kung saan nakaharap si Jaden Jasper.

"Balak mo pa rin ba ituloy ang plano mo? Ang paggawa ng ultimate weapon na papatay sa'yo?"

"Yes, Jaden will extract the colossal amount of Karan here and convert them into Vasi. He already sucked up the huge Karan reserve in my laboratory. Once he is powerful enough, he can just simply end my life."

"At okay lang sa'yo na mamatay ka?"

"Your son has no issues killing me. Why do you look concerned, Jade Cardwell? Why are you wavering? You are a Protector and you are destined to kill a Shadow Spirit like me. Let me guess? Hidden desire?" biro ni Amadeus na nagpatawa din kay Jaden.

Isang malalim na buntong hininga lang ang sinagot ko sa kanya. It seems that I am no longer facing the ancient and all-serious Amadeus. He looks cheerful and full of life, probably because of Jaden.

Or probably because he knows that his life will soon come to an end...

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon