CHAPTER 85 - REPLICATE

1.3K 81 9
                                    

Jade Cardwell


ANG kamay ni Amadeus sa aking mukha ang nagpabalik na naman sa akin sa realidad. Hinawakan niya ang aking kamay at dinala sa isang laboratory na malapit sa medical wing ng barko.

"Visions again?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Yep," maikling sagot ko sa kanya.

"Since you are blushing, it is reasonable to assume that you have glimpsed another sultry vision."

"To be specific, sa gitna ng batis at sa ilalim ng maliwanag na buwan."

Humalakhak lang si Amadeus dahil sa sinabi ko. Hindi ako makapaniwala na marunong palang tumawa ang makalumang nilalang na ito. Pumasok kami sa isang laboratory kung saan niya ipinakita sa akin ang mga cylinders na may laman na Karan essence na nakuha niya sa mga black storms.

"Saan mo gagamitin ang mga Karan essence na ito?"

"I am planning to convert this to Vasi," sabi ni Amadeus habang nakatingin sa mga glass cylinders.

"You want to convert these powerful Karan to Vasi? Is that even possible? Magkaiba sa lahat ng levels ang kapangyarihan ng Karan at Vasi. One from the good side, while the other one is from the dark side."

"Jade Amethyst Cardwell, I want to ask your permission for us to extract your Vasi for this experiment."

"Ha? Eh wala naman akong Vasi dito sa barko mo ah? Doon lang sa glass cube."

"I can let you access your Vasi again and I will extract it for my personal use."

"Why are you asking for my permission? Alam mo na hindi ako papayag 'di ba? I don't fully trust you, Amadeus. Hindi ko pa din sigurado kung may masama kang balak sa akin," pagsisinungaling ko sa kanya.

Ayoko sabihin sa kanya na naniniwala ako sa lahat ng sinabi niya. Ayoko aminin sa kanya na ipinagkakatiwala ko na ang buhay ko sa kanya.

"I need your Vasi to convert these Karan to a huge amount of Vasi. I will create an ultimate weapon."

"Pero Amadeus, isa kang Shadow Spirit. Paano mo gagamitin ang isang weapon na gawa sa Vasi?"

"I am not going to use it. You will use it, Jade Amethyst Cardwell."

"For what? Para matalo ang mga Endorian Witches?"

"No. You will use this weapon to kill me once I have defeated them."

Napatingin ako bigla kay Amadeus. It is like he is trying to replicate what happened during the Forging of Light. He wants this enormous amount of Vasi to obliterate him.

"The Protectors cannot defeat the Endorian Witches. The Karan that they have right now is too overwhelming. The only way to defeat them is for me to use my Karan powers as the Prime Guardian. I want you to kill me afterwards as I will be an absolute creature of darkness."

"Seryoso ka ba? You are asking me to kill you?"

Tumango lang si Amadeus sa akin. He looks serious about killing himself. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya nag-rebelde noon sa Caelum. Amadeus looks like a man of reason. I don't think someone like Alarcus can easily convince him.

"I don't want to die, Jade Amethyst Cardwell. But if I will die in your hands, I will gladly accept my demise," sabi ni Amadeus at sa loob ng maikling sandali ay nasa harapan ko na siya.

Hinawakan niya ang mukha ko at hindi ko inaasahan na dadampi ang mga labi niya sa akin.

A light kiss that is assuring me that everything will be alright.

Saglit lang niya inangkin ang aking mga labi, pero bago ko pa siya maitulak ay lumayo na agad siya sa akin.

Amadeus is a complete gentleman. Kung tutuusin, isa siyang napaka makapangyarihan na nilalang. Kaya niya akong paikutin sa mga kamay niya at utusan ako na gawin ang mga bagay na labag sa kalooban ko, pero hindi niya ginawa ang mga 'yon.

Tama si Amadeus. I am not a prisoner in this ship, I am indeed a queen. Ang pinagkaiba lang ay wala akong kakayahan na kausapin si Raphael at iba pang Protectors. I don't think Amadeus will kill me, but contacting them is a violation of our agreement. Ayoko din na magtrigger ito para mag-transform siya sa pagiging isang nilalang na nababalot ng pambihirang Karan.

Without his so-called weapon that he is developing, we have no means to stop him.

Delubyo ang kalalabasan kapag isang Prime Guardian ang naghasik ng lagim.

Lumipas ang mga araw at ang mga aso ko ang kasama ko. Kapansin pansin na din ang paglaki ng tiyan ko at pagtambok ng pisngi ko. Malamang ay aasarin ako ni Raphael kapag nakita niya ako. Wala na ang voluptous na Jade, nagiging chubby na ako dahil sa pagbubuntis. Naiisip ko pa lang si Raphael ay gusto ko na umiyak, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kailangan manatili ako dito sa barko ni Amadeus para sa proteksyon ng anak ko. Ilan beses na ko binalak patayin ni Asharah, sigurado ako na madali nila matunton si Raphael.

"I am glad that you are keeping your end of the bargain. Buti hindi mo naiisipan na tumakas dito," sabi ni Amadeus habang kumakain kami sa restaurant na madalas na namin naging bonding.

"Umamin ka, nakakabasa ka ba ng isip?" nagtataka ko na tanong ko sa kanya.

"You look happy when you saw the food that I prepared for you, but you instantaneously became sad as if you remembered the Vessel."

"Naiisip ko pa rin siya. Alam mo naman na mahal ko ang lalaking 'yon kahit nagpapakasaya na siya sa piling ng ibang girlets," inis sabi ko habang tinutusok ang chocolate cake sa plato ko.

"Men will always be men. Babalik din naman sa'yo kapag nagsawa na siya sa ibang babae," nakangiti na sagot ni Amadeus.

"Hindi ko siya boyfriend at mas lalong hindi ko siya asawa para bumalik siya sa akin. Saka huwag mo kampihan si Raphael. Kitang kita ko ang lampungan nila ng mga blonde girlets niya sa Hawaii. Nakalimutan na siguro niya ako."

"Vessels of the Immortal Blood are powerful creatures. You won't conceive your child if he doesn't love you."

Napasinghap ako sa huling sinabi ni Amadeus. Hindi ko kahit kailan inaasahan na mahal ako ni Raphael. Siguro nga nararamdaman ko 'yon sa bawat kilos niya, pero hindi ako nag-assume hanggang hindi niya sinasabi sa akin ang mga salitang 'yon.

Hinawakan ni Amadeus ang kamay ko nang hindi ako kumibo. Bakas siguro sa mukha ko ang halo halong emosyon.

Pagkagulat, pagkainis at pagkalungkot.

"You became my ray of hope in my dark and gloomy world. I have waited for hundreds of years for you to arrive. I watched you grow as a beautiful woman, like a forbidden masterpiece I am not allowed to touch. I fell in love with you while observing you from afar. A love that is not written in the stars. An unrequited love. In my case, a tragic kind of love," sabi ni Amadeus habang nakatingin sa akin.

"You sound poetic, Amadeus."

"And romantic, don't you think?"

"May balak ka ba agawin ako kay Raphael?" biro ko sa kanya.

"I must admit, I do have some plans."

Tumawa lang kami pareho ni Amadeus. Naiintindihan ko kung bakit hindi ko pwede kausapin si Raphael. The moment he finds out that I am pregnant, he will go to the edge of the earth to find me. Mawawala ng saysay ang pagtatago namin ni Amadeus para hindi ako matagpuan ng mga Endorian Witches.

Sa ngayon, kailangan ko maghintay. Kailangan ko na maipanganak ng ligtas ang anak ko bago ko puntahan si Raphael. Alam ko na tutulungan ako ni Amadeus. Kahit isa siyang Shadow Spirit, malaki ang tiwala ko sa kanya. Maayos ang pakikitungo niya sa lahat ng tao dito sa barko. Hindi gagawin ito ng isang nilalang na puno ng poot at galit sa tao. 

Kung hindi ko mahal si Raphael, sigurado na mahuhulog ako sa nilalang na ito.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon