CHAPTER 105 - BEACH

1.1K 84 6
                                    

Jade Cardwell


Nagpaalam ako kay Addie at naglakad sa tabing dagat. Sabi ni Eleazar ay mahigit isang oras pa daw kami bago makaalis, pero duda ako na pupunta pa kami ng Indonesia.

Sigurado ako na wala na doon ang black storm. Wala na doon ang Endorian Witch na si Eleonore. Wala na din doon ang Prime Guardian na si Amadeus.

Sinubukan ko ngumiti sa mga pangyayari. Tapos na misyon namin na mga Protectors. Sabi nga ni Amadeus, ang mga Shadow Spirits na tulad ni Ahaziah at Alvienna ay mahina na dahil kinuha na ng mga Endorian witches ang kanilang Karan.

Kahit gusto ko ngumiti, hindi ko alam kung bakit unti unting tumutulo ang luha ko na parang napakabigat ng dibdib ko.

Dahil ba alam ko na wala na si Amadeus? Dahil alam ko na hindi na kami magkikita muli?

Amadeus took care of me. He became a friend, someone who truly cares for me. Someone who wants me to be happy even if he will be hurt in the process. He may have kidnapped Jaden Jasper, but I am certain that he took good care of him as if Jaden is his son.

He died like an unknown hero. No one will know that he simply saved this world from these wicked Endorian Witches. And I was not able to fully thank him for everything that he did for me. For his sacrifices.

I don't have a place in your life right now, Jade Cardwell. But if I will be given another life by the Creator, I promise to find you. And I can assure you, my heart will always find you. But if I die in the end, I just want you to know that I will still love you... even after death...

"Promise to find me, my ass!" inis na sabi ko sabay sipa sa itim buhangin.

With the blinding light at the end of my vision, I am sure that Amadeus was obliterated into nothing, just like what happened during the Forging Of Light.

"He is happy, do you know that? He is more than happy that he died saving you."

Paglingon ko sa aking likuran ay nandoon na si Jaden Jasper. Hindi ko namalayan ang kanyang presensya. Hindi ko nga naramdaman ang kanyang Vasi.

"Jaden Jasper?"

"In the flesh. Come on, mom. Give me a hug. You look sad as if you are going to cry."

Tumakbo ako papalapit kay Jaden at niyakap siya ng mahigpit. Ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang anak ko. Hindi ko lang akalain na isa na siyang teenager. Naghahalo ang tuwa ko dahil nandito na siya, pero binabalot pa rin ako ng lungkot dahil sa pagkawala ni Amadeus.

"Don't be sad, mom. I am sure the Prime Guardian is watching over us somewhere in the vast universe."

"You are so fond of him. You even called him Father."

"He is nice. Not bad for a Shadow Spirit. At saka mahal ka niya. Kung sino man nilalang na mahal ang nanay ko, siyempre mahal ko na din 'yon," sabi ni Jaden Jasper na biglang tumawa ng malakas.

Mukhang totoo nga ang lukso ng dugo dahil nararamdaman ko na mahal ko na agad ang batang ito kahit ngayon lang kami nagkita ng personal.

All I want is to take care of him and to make him happy. It is like my world suddenly revolves around this stranger.

"Kasasabi ko lang na huwag ka malungkot, umiyak ka naman," sabi ni Jaden sabay pahid sa luha lko.

"Hindi ko man lang naranasan na kargahin ka. Big boy ka agad."

"The Prime Guardian personally took care of me. I was a baby for a month and I became this asshole after a few weeks. He did not like me when I was a baby. He said that I poop so much," natatawa na sagot ni Jaden sabay hawak sa kamay ko.

Mabilis na ipinakita sa akin ni Jaden Jasper kung paano siya inalagaan ni Amadeus noong sanggol pa lamang siya. Sa isang mabilis na pangitain, nakita ko na katabi ni Amadeus ang baby na si Jaden Jasper sa pagtulog. Siya ang personal na nagpapaligo dito, ang nagpapalit ng diaper at nagtitimpla ng gatas. Pamilyar sa akin ang lugar na ito. Marahil ay nasa Amethyst silang dalawa kaya hindi din namin mahanap.

"Kahit na, mas gusto ko pa rin na maalagaan ka na bata ka. Hindi pa siguro matigas ang ulo mo noon."

"Being stubborn is the signature trait of the Vessels of the Immortal Blood. I would suggest a baby sister, but unfortunately, There Can Be Only One."

Naalala ko tuloy ang famous motto sa TV series na Highlander - There Can Be Only One. Sabi din ni Eleazar noon, isa lang ang palaging Vessel ng Immortal Blood.

"Jaden, are you going to live with me from now on? I mean, hindi ka na ba aalis? Hindi mo na ba kami iiwan ni Raphael?" tanong ko sabay hawak sa pisngi ni Jaden.

"Yes mom. Kasama mo na ko simula sa ngayon. I will be living with the Protectors. I wonder kung paano mo ko ipapakilala kay Ninong George at Uncle Angelo."

"How about the younger brother of Raphael Lancaster?"

"That will do. Come on. I want to finally meet my stubborn father Raphael and my sexy aunt Addie. My good looking Uncle Chase and the old man himself, Eleazar Lancaster," sabi ni Jasper Jaden na ikinawit ang braso sa akin.

Bumalik kami ni Jaden Jasper sa maliit airport strip kung saan nakahinto ang private plane ni Eleazar. Ipinakilala ko siya sa mga Protectors at bibong bibo naman ito na nag-kwento kung ano ang nangyari sa sa loob ng Tambora Volcano sa Indonesia. Isinalaysay niya ang mismong nangyari sa aking pangitain.

He did not exactly explain why the Endorian Witches are there, but we all have a feeling that those volcanoes are tunnels to hell. These witches are possibly planning to invade hell, to harness the Karan concentrated in hell.

"How did you learn to wield those humongous swords?" tanong ni Chase sa kanya habang nasa loob kami ng private plane ni Eleazar.

"I just watched some anime stuff and boom, I already master the art of two-sword fighting," proud na sagot ni Jaden Jasper.

"At saan ka naman kumuha ng dambuhalang espada?" dagdag na tanong ni Addie sa kanya.

"The Prime Guardian forged it. His scientists have a huge Vasi reserve in his ship and they use it to create those swords."

"Where are those ice-like swords now?" tanong naman ni Raphael.

"It was shattered after I used it. I guess for one-time use only." nakangiti na sagot niya.

Inulan siya ng mga tanong ng mga Protectors at tuwang tuwa naman ito na sumagot sa kanila. Marami kami gustong malaman kay Jaden lalo na at nawalay siya sa amin ng ilang buwan. Willing na willing naman itong sumagot sa aming mga tanong. Kahit nasa katawan si Jaden Jasper ng isang teenager, bakas pa rin ang pagka-isip bata nito.

"No more black storms, no more Endorian Witches. Saan tayo pupunta? Sa Saint Malo, France?" tanong ni Jasper Jaden sa amin.

"Yeah, to Saint Malo, France. You are on time to attend your parent's wedding," sagot ni Raphael na umakbay sa kanya.

"Dad, after the wedding, I hope you can prepare a grand birthday celebration for me. Gusto ko 'yong may cake at may party hats. Sana may clowns din. Alam mo na, marami ako na missed na birthday party."

"Of course, son. You are still our Baby Jaden."

"What? Baby Jaden? Big boy na ko!"

"Baby ka pa din! Baby Jay Jay ka namin!"

Napuno ng tawanan ang private plane ni Eleazar. Mukhang magbabago ang buhay namin dahil sa pagdating niya. Magiging ganap na kaming isang tunay na pamilya.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon