Jourdain Lavergne
LUMIPAS ang araw at hindi na ako ginagambala ni Andreia. Nagkikita pa rin kami sa university, pero hindi niya ako pinapansin o kinakausap.
Did she finally give up? Or is she plotting another dramatic way to wreck me?
Patapos na ang school year at madalas ay ipinapaskil sa bulletin board ang resulta ng mga pagsusulit. Hindi ko na madalas ito sinisilip dahil madalas ang pangalan ko ang palaging una sa listahan, pero nakapagtataka na maraming estudyante ang nakaharap sa bulletin board ngayon na parang may kakaibang nagaganap.
As I approached the board, some students gave way to me like I am the king of England. The crowd parted like the Red Sea. I frowned when I saw my name on the number two slot. Nagulat na lang ako nang makita ko kung sino ang top student ngayong taon, si Andreia Micaela Fernandes.
I silently gritted my teeth as I can hear murmurs from the other students on how a transfer student beat me. Tumalikod ako sa bulletin board at naglakad palayo. Dinala ako ng mga paa ko patungo sa pinagmumulan ng aking galit. Natagpuan ko siya na nakaupo sa hagdanan malapit sa university chapel, ang kanyang paboritong tambayan.
"Are you willing to be my friend now?" tanong niya habang kumain ng kanyang sandwiches.
Maganda si Andreia, tanga lang ang lalaking hindi makakapansin sa angkin niyang kagandahan, pero mas matindi ang poot na nararamdaman ko sa kanya.
"Sit, Jourdain Lavergne. Mahaba haba ang usapan natin. Siguro naman ay gusto mo ng maging kaibigan ko," sabi niya sabay turo sa tabi niya.
"Ano bang gusto mong mangyari, Andreia?" tanong ko sa kanya at umupo ko sa tabi niya.
God knows I want to kill this woman beside me. I am known for my extreme good looks, filthy rich money care of my parents and my intelligence, yet this woman ruined my reputation.
"Ako mismo ang gumawa ng mga sandwiches na ito. Alam ko na paborito mo ang Bacon Cheese sandwich," sabi niya sabay bigay ng isang container na may laman ng mga tinapay.
"Ano pa ang alam mo tungkol sa akin?"
"I know everything about you.
"Everything? Big word, Andreia."
"I know where you secretly stash your savings, Jourdain Lavergne."
"Oh? And where that might be?" I dubiously asked her.
Ang mga magulang ko ay isa sa MGA pinakamayaman na tao sa France at hindi issue sa kanila ang pera. Natutunan ko magtabi ng limpak limpak na pera gamit ang ibang pangalan na hindi alam ng mga magulang ko.
"Nasa Florence, Italy ang pera mo sa pangalan ni Alessandro Pisano," confident na sagot niya sabay pasak ng sandwhich sa bibig ko. "Eat! Pinagpaguran ko gawin 'yan, wag mong titigan. Kainin mo!"
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa secret bank account ko sa Italy. Isa lang ang alam ko, this woman is not only crazy, but dangerous. I need to agree with her terms for me to investigate her more.
"It seems like you know me better than I know myself. Panalo ka na. Ano ba talaga ang gusto mo sa akin, Andreia Micaella Fernandes?"
"Tulad ng sabi ko, gusto kitang maging kaibigan. We can start by meeting here after classes."
Alam ko na may tinatago na kakaiba si Andreia. Sabi nga nila, keep your friends close, but your enemies closer. Mukhang ito ang kailangan ko gawin sa mga susunod na araw para malaman ko kung anong pakay ng babaeng ito.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...