CHAPTER 82 - VIDEOS

1.3K 76 5
                                    

Jade Cardwell


HINDI ko pa rin alam kung bakit ako nandito sa loob ng barko ni Amadeus. Dahil walang bintana ang barko, hindi ko alam kung nasaan lupalop kami ng mundo. Ang tangi kong alam, this ship cannot be detected by any satellites or even by any form of Vasi or Karan.

Ilang buwan na rin ako namamalagi dito. Binigyan ako ni Amadeus ng mga pagkakaabalahan tulad ng home entertainment system sa kwarto ko para manood ng movies at mga TV series. Dinalhan din niya ako ng mga libro na swak sa panlasa ko. May indoor swimming pool, gym at restaurant sa upper level ng barko na pwede ko puntahan. Para akong nasa isang vacation trip, pero tuwing naalala ko si Raphael ay parang gusto ko tumakas paalis dito.

"Amadeus, I want to know if my Uncle Angelo and Ninong George is alright. I am worried about them," sabi ko sa kanya habang nasa loob kami ng restaurant ng barko.

Tumingin lang siya sa akin na parang pinag-aaralan ang pakay ko, pero pagkatapos ng ilang sandali ay tumango lang siya para sumang-ayon sa gusto ko.

Dinala niya ako sa isa sa mga lower level laboratories. Mukha itong isang monitoring facility na may napakaraming computers at large format monitors. Pagpasok namin dito ay matamis siyang binati ng mga tao. Karamihan ay mga nakasalamin. Mga technical support siguro sila or mga computer analysts.

Ibinigay ni Amadeus ang pangalan ni Uncle Angelo at Ninong George sa isa kanyang mga tech personnel. Lumitaw ang ilang mga video feeds sa monitors. Sigurado ako na real time videos ito gamit ang mga satellites.

"Run it for the last two weeks," utos ni Amadeus sa kanyang analyst.

Mukhang hindi pa alam ng Ninong George kung nasaan ako at wala siyang balita sa nangyari sa akin. Tama nga si Amadeus, hindi sinabi ni Eleazar sa kanya ang tunay na nangyari. Pumapasok pa rin siya sa Fordbridge University sa loob ng dalawang linggo.

"Wait, is that Ahaziah?" gulat kong tanong kay Amadeus nang makita ko na kumakain sila sa isang restaurant ni Ninong George.

"George Atkins is safe in his hands. He is just a precautionary measure in case the Protectors will advise him of your death. Ahaziah will be his shoulder to cry on."

"You called that precautionary measure? Ahaziah is flirting with him! Kinikilig ang ninong ko sa kanya!"

Unbelievable! Ahaziah is doing this because Amadeus asked him to?

Tulad ni Ninong George, mukhang maayos ang pamumuhay ni Uncle Angelo. Alvienna approached her and posed as an important business client.

"In the event that the Protectors will serve as the bearer of bad news, Ahaziah and Alvienna's responsibility is to remove the pain caused by your fake death."

Tumango lang ako kay Amadeus. This man cares for my loved ones as well. I wonder if he cares for me as well.

"Do you want to see the Vessel of the Immortal Blood?" tanong niya sa akin.

"Kilala mo kung sino ang Vessel?"

Hindi sumagot si Amadeus, pero sinabi niya ang pangalan ni Raphael Lancaster sa kanyang analyst. It seems na aware na sila sa katauhan ni Raphael noon pa lang, pero hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pakay niya at hindi si Raphael.

Nagulat ako nang makita ang current location ni Raphael. Wala siya sa Fordbridge kundi nasa isang beach resort sa Hawaii. May kasama siyang dalawang babae na parang mga super models na kulang na lang ay yumakap sa kanya.

"Ngayon ba ang video na 'yan?" tanong ko sa analyst.

"Yes, Ma'am. Would you like me to run last week's footage?"

"No!"

"Yes!"

Sabay pa ang naging sagot namin ni Amadeus. Mukhang may ayaw siyang ipakita sa akin kaya siya sumagot ng "No".

Ipinakita ng analyst ang iba't ibang videos ni Raphael sa Hawaii. Mukhang nasa isang vacation getaway siya at nagsu-surfing. Kasama niyang dumating dito ang dalawang super model chicks. Kahit naka fast forward ang videos, hindi din nakaligtas sa akin ang ilang mga intimate moments nila ng mga babaeng kasama niya. They were almost making out in the pool area and on the beach. Kaya siguro ayaw ipakita sa akin ni Amadeus ang mga ito dahil alam niya na magagalit ako.

"Humans deal with death differently. I cannot imagine what he had been through when he discovered that you died fighting a Shadow Spirit. He must be devastated," paliwanag ni Amadeus nang mapansin niya na gigil na gigil ako.

"I am not expecting for him to mourn for me for about a year, pero dalawang buwan pa lang simula nang mangyari ang lahat at may chikababes na agad siya? Hindi lang isa, dalawa pa!" inis na sagot ko kay Amadeus.

"This is a classic example of a defense mechanism. The Vessel is protecting his mind from too much pain and trauma. He created this carefree persona for him to deflect the misery."

"Two months, Amadeus. Two months pa lang ako nawawala sa buhay niya!"

Ganoon ba ko kadali kalimutan? Dalawang buwan lang at nagawa niyang humanap agad ng babae na ipapalit sa akin?

Araw araw ko siyang naiisip dito sa barko. Kulang na lang ay lumuha ako ng dugo tuwing naiisip ko siya, pero wala naman pala siyang pakialam sa akin. Nagpapakasaya pala siya sa piling ng mga girlets niya.

I reminded myself that I am not the girlfriend, I am just a Protector. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang relasyon namin. Wala akong karapatan na kahit ano sa kanya. Malaya siya na humanap ng ibang mga babae na ipapalit sa tulad ko.

Again, the thought crushed my whole being.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nauna na akong lumabas ng monitoring facility ni Amadeus. Alam ko na papatak na naman ang luha ko kaya nagmamadali akong umakyat sa upper deck ng barko.

Gusto ko magalit kay Raphael, pero hindi ko rin magawa. Kahit ilang beses niya sinaktan ang puso ko, hindi ko siyang magawang kamuhian. Marahil tama si Amadeus. Nasa grieving phase siguro si Raphael at ito ang kanyang paraan para makalimutan ang sakit.

Naging bahagi din ako ng buhay niya. Naging isang kaibigan at isang co-worker. Hindi naman siguro siya pusong bato para hindi masaktan sa mga nangyari.

I will just try to understand him. There is no use hating him if I am still in love with him. Maglolokohan lang kami ng sarili ko.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon