CHAPTER 103 - TSUNAMI

1K 66 7
                                    

Jade Cardwell


Pagmulat ng mga mata ko, wala ako sa ilalim ng tubig kundi nasa loob ng tila itim na kweba. Wala na din si Addie sa tabi ko. Pakiramdam ko ay nasa isa na naman ako na pangitain. Ganito din ang naramdaman ko nang kinidnap ni Alarcus si Addie papunta sa Mansforth mansion.

"One more witch to go and I am ready to kill you, Father."

Sigurado ako na boses ni Jaden Jasper ang naririnig ko. Sigurado din ako na si Amadeus ang kausap niya dahil tinawag na niya ito na Father noon pa.

"Aurorah said that your mother is destined to kill me. I did not know that it was the Fourth Protector's son who would be destined to end my life. I think I should kill you first for being so cocky."

"You can try, Father. But you know that I have an outstanding amount of Vasi in my hands right now. I am reserving this so you can die in my hands."

"Wow, I can't believe that the new Vessel of the Immortal Blood is a maniacal psychopath."

Tumawa na naman silang pareho na parang nakakatuwa para sa kanila ang biro tungkol sa patayan. Hindi ko alam kung nasaan sila pareho, pero malaki ang chance na nasa Indonesia na sila. Sinundan ko lang sila sa paglalakad at napatakip ako sa bibig nang tumambad sa akin ang napakalaking underground cavity. Higit na malaki ito Hang Son Doong cave sa Vietnam, ang world's largest cave.

Meron din underground river at falls, pero hindi tubig ang laman nito kundi magma. Hindi na ako magtataka kung nasa loob ng sila ng Tambora Volcano.

"There she is. The last one standing," sabi ni Jaden Jasper sabay turo sa babae na nasa gitna ng maliit na lawa na puno ng molten rocks.

Napaatras ako nang maaninag ko ang mukha ng babae. Sigurado ako na hindi ito ang sinasabi ni Eleazar na guardian na si Eleonore, dahil ang babaeng ito ay walang iba kundi si Asharah, ang first love ni Ishmael. Ang naging ex ni Raphael sa New Orleans na si Sapphire.

"Eleonore, I can't believe that I will see you here," nakangiti na bati ni Amadeus.

Eleonore? Si Eleonore at si Asharah at si Sapphire ay iisa?

"Oh come on, Amadeus. The Creator sent you here to specifically kill me. I should have known it from the beginning. Why would a loyal Prime Guardian betray his Master? Of course, unless He asked you to."

"I don't know what you are talking about. I was surprised as well to see you in your deteriorating human body vessel."

Ang huling pagkakita ko kay Asharah ay noong pinagtangkaan niya ako na patayin habang nasa kotse kami ni Raphael. Hindi ko alam na mas nakakatakot ngayon ang hitsura niya. Mahaba ang buhok at nanlilisik ang mga pulang mata. Kahit ang katawan niya ay tila maagnas.

"But you are not a Shadow Spirit, Eleonore. You are a guardian. A creature designed for Vasi. And yet, you immersed yourself with this dark power."

"And whose fault is that? It was the first Protector's fault! He took away Ishmael from me! I have trained myself with Karan, to be powerful enough to destroy this world. This rotten world that the Protectors are trying so hard to protect!" sigaw ni Eleonore sabay halakhak ng malakas.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, si Asharah mismo ay ang guardian na si Eleonore na nagkatawang tao. Nagmahal ng isang tagalupa na si Ishmael at nang makaranas ng pagkabigo ay naghiganti sa sangkatauhan.

"Do not underestimate me, Prime Guardian! I have collated an immense amount of Karan from this world. I even took the Karan from the sleeping Shadow Spirits!"

"I am not underestimating you, Eleonore. I know that you are already a powerful guardian in Caelum."

"Then, you should know that you will go berserk if you try to defeat me. You will be my replacement! You will end this world instead of me!"

"That's why he's here. This kid will kill me right after I kill you."

Napatingin si Asharah kay Jaden Jasper. Bakas siguro sa mukha nito ang pagkakahawig niya kay Raphael. Sa nakita ko noon sa pangitain, kamukha ni Ishmael si Raphael na parang pinagbiyak na bunga."

"The Prime Guardian is in connivance with the descendant of Ishmael?" naguguluhan na tanong ni Eleonore habang nakatingin pa rin kay Jaden Jasper.

"Yep! That would be me! The Prime Guardian killer!" proud na sagot ni Jaden Jasper.

"Then, I guess you should be the first to die!"

Biglang binalot ng maitim na aura sa Eleonore. Napalibutan siya ng itim na ulap na unti unting umiikot sa kanyang katawan. Ang usok na ito ay umabot sa napakataas na ceiling ng cave. Nang mawala ang usok, isang dambuhalang halimaw ang lumitaw. Para itong isang itim na dragon na may pulang mata.

"Dragon? Are you fucking kidding me?" tanong ni Jasper Jaden kay Amadeus.

Amadeus just shrugged his shoulder as if saying he does not have any idea about this transformation. Kahit ata isa akong immortal Protector, wala ata akong laban sa isang dragon. Hindi ko na alam ang mga nangyayari, pero sigurado ako na ang laban na ito ay higit sa kakayanan ko.

Kung alam ko lang na makakaharap ko ang isang dambuhalang dragon, sana ay nilamon na lang ako kanina ng tsunami.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon