Jourdain Lavergne
ANDREIA Fernandes, ang aking mahal na kaibigan. Ngunit bago kami naging malapit sa isa't isa, umabot ako sa puntong gusto ko na siyang paslangin sa pagiging lapastangan niya. Ibabahagi ko kung paano ko unang nakilala si Andreia.
"Ikaw pala si Jourdain Lavergne. Hindi ka naman pala ka-gwapuhan. Bakit ka ba nila pinagkakaguluhan?" sabi ng isang babae na lumapit sa akin.
She has a pretty face with sun-kissed skin. Marami na ako nakilala na magandang babae dito sa Paris, pero kakaiba ang babaeng ito. She spells love and danger combined.
"At sino ka naman?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Andreia Fernandes. Medical student din ako tulad mo. Come on, don't be shy. Take my hand," sabi niya habang inaabot ang kamay sa akin para sa isang handshake.
"I am not interested."
Hindi ko pinansin ang magandang babae sa aking harapan at tumalikod ako sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang inis sa kanyang mukha. Mukhang ngayon lang nakatanggap ng rejection ang babaeng ito.
"Hey wait!" sigaw niya sabay hawak sa braso ko.
"Anong problema mo?" tanong ko sabay tingin sa kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"Pwede ba kitang maging friend?" tanong niya sa akin, but this time, she sounds desperate which makes me more interested.
"No," maikli kong sagot at naglakad ako palayo sa kanya.
Madalas ay friendly at charming ako sa mga kababaihan, pero may kakaiba kay Andreia na hindi ko maipaliwanag.
"Jourdain, wait!" sigaw ni Andreia, pero mabilis akong lumakad palayo sa kanya.
"Jourdain Lavergne!" sigaw uli niya sa akin habang nagpupumilit na humahabol sa akin.
I can hear her screaming my name at the top of her lungs, and yet I pretended that I am not hearing anything. I walked away from her as fast as I can.
"Jourdain Lavergne! You are such a cantankerous lad! Pwede bang hintayin mo!"
This time, tumigil ako sa mabilis kong paglakad, pero hindi ko siya tinatapunan ng kahit isang tingin. I know that she will be able to catch up to me the moment I stop from walking.
I never thought that a hard-to-get demeanor can be fully satisfying. I should try this more often.
"Ano ba ang gusto mo, Andreia Fernandes?" tanong ko sa kanya nang maramdaman ko na malapit na siya sa akin.
"I want you to stop being a player, cease from breaking the hearts of numerous girls! Ayan ang gusto kong gawin mo simula ngayon!"
"H-ha? Are you fucking serious? Ako? Inuutusan mo?" galit na tanong ko sa kanya.
This girl has the nerve to confront the mighty Jourdain Lavergne.
"Narinig mo ko, loverboy. Alam ko na meron kang tatlong girlfriends ngayon. The duke's daughter, the portrait model and the daughter of the viscount. You are having an affair with them all at the same time. Ano kaya ang mararamdaman nila kapag nalaman nila na niloloko mo lang sila?"
Tinignan ko si Andreia at mukhang seryoso siya sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa tatlong nobya ko, pero maingat ako. Sigurado ako na pinag-aralan niyang mabuti ang mga kilos ko kaya niya nalaman ang tungkol dito.
The woman is stalker with a mission.
"Eh ano naman ang gagawin mo? Sasabihin mo ba sa kanila na sabay sabay ko silang nobya? Andreia, huli ka na sa balita. These women know that I will dispose them any time as soon as I lose my interest in them. Alam nila na walang permanente na girlfriend ang isang Jourdain Lavergne," nakangiti ko na sagot sa kanya at naglakad muli palayo sa kanya.
Andreia is damn attractive, but she is beginning to annoy me.
"I will ruin you if you don't agree to my terms, Jourdain!"
I shook my head in disappointment. Mukhang nababaliw na ang babaeng si Andreia Fernandes.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...