Raphael Azarian
IPINAGTAPAT ko kay Johann ang relasyon namin ni Sapphire at kung bakit ko tinapos sa amin ang lahat.
"Sigurado ka ba sa ginawa mo, Raphael? Baka naman nagseselos lang siya dahil wala ka ng oras sa kanya. Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon?" tanong ni Johann sa akin.
"Sapphire is lunatic when it comes to me, but she is far from ordinary. She is something else. Hindi ko alam pero para siyang kakaibang nilalang tulad ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala akong makuha na kahit anong visions sa kanya. She is like a human without any soul. Madalas ay nakaka absorb ako ng kahit kakarampot na vision sa mga tao kung gugustuhin ko, pero kay Sapphire, wala kahit isa. Sigurado ko, Sapphire is a supernatural creature, a corrupted being."
"Corrupted na parang mga demons? Raphael, I think you are overreacting on this. The woman looks harmless. Ipinakilala mo siya sa akin at mukhang normal naman siya."
"My whole being is telling me that something is putrid within her. I know I sound unreasonable, but I can feel it, Johann."
"Hindi mo kailangan magpaliwanag, Raphael. Hindi ko man siguro naiintindihan ang mga sinasabi mo tungkol kay Sapphire, pero naniniwala ako sa'yo. Kung gusto mo na lumipat tayo sa Texas, bukas mismo ay aalis tayo."
Pumayag si Johann na sa Texas kami manirahan. Dahil isang mortal si Johan, unti unti siyang tumatanda. Samantalang ako, I was stuck as a twenty three year old boy.
Pagkatapos ng ilang taon, lumipat din kami sa California at sa kalapit na bayan. When Johann reached seventy years old, he requested to return to Morpeth before he took his last breath.
Ayokong mawala si Johann sa buhay ko. Naging isa siyang kaibigan at tumayo na isang ama ko. Gusto ko siyang bigyan ng dugo ko para humaba ang kanyang buhay, pero alam ko mas makakasama sa kanya ito.
I remembered that my father warned me that our blood will turn an ordinary human to a monster who will eternally lust for blood, parang isang vampire.
Ipinagtapat ko din kay Johann ang tungkol sa Immortal Blood pagkatapos ng maraming taon. Binibiro ko pa nga siya na gagawin ko siyang imortal tulad ko. Johann laughed at the idea of him becoming an immortal and politely declined my outrageous suggestion.
Before Johann died, he requested to be buried beside his parents crypt. Pagkatapos ng kanyang libing ay pumunta ko sa Kauai, Hawaii. Sabi nila, ang Hawaii daw ay isang healing island. Umaasa ko na mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko sa lugar na ito.
Without Johann, I was broken and irreparable. Losing a parent is terrible, but losing them twice in a lifetime is pretty much like hell to handle.
Surfing became my distraction. Naging isa akong professional surfer at sumali sa iba't ibang tournament. I drowned a couple of times without any attempt to swim for my life. Tulad ng inaasahan ko, I will be magically spawned back to life. Most of the time, I will find myself on a shoreline being washed up by the waves.
How I wish I can end my immortal life...
Isang araw, hindi ko inaasahan na magigising na lang ako sa loob ng isang maliit na kwarto. Pinagmasdan ko ang buong lugar at tila nasa loob ako ng kwarto sa isang luxury yacht. Sigurado ako na may nakakita sa walang buhay kong katawan na palutang lutang sa dagat. Lumabas ako ng kwarto at hindi ko inaasahan na sasalubungin ako ng yakap isang magandang babae.
"Good morning! Pinagluto kita ng masarap na breakfast," masiglang sabi niya sabay hila sa akin papunta sa dining table.
"We are happy that you are finally awake. We have been searching for you for the longest time," sabi naman ng lalaking may blonde na buhok.
Isang lalaki na medyo may edad ang lumapit at yumakap sa akin. Naramdaman ko na lang na humihikbi siya ng tahimik.
"Masaya ako na nandito ka na ngayon," nakangiti na sabi niya sa akin.
"This is our first breakfast together. Grabe ang saya ko! Sobrang dami ba ng niluto ko?" tanong ng babae na inayos pa ang upuan para sa akin.
"Teka lang, I think you got the wrong person. I don't know any of you," sabi ko pero umupo pa rin ako sa upuan dahil nagugutom na ako sa dami ng masasarap na pagkain na nakahain.
"My name is Eleazar Lancaster, the first Protector. I took care of your ancestors, the Vessels before you. This is Andreia Micaella Fernandes and you can call her Addie Lancaster. This is blonde man is Jourdain Lavergne, who is now known as Chase Lancaster," sabi ni Eleazar na umupo na rin sa tabi ko para kumain ng breakfast.
Hindi ko inaasahan na tatlong Protectors ang makakaharap ko. Isa lang ang ibig sabihin nito, the three most powerful Karan are now alive. Palagi sinasabi sa akin ng ama ko na si Eleazar ang kanilang Protector at gagawin niya ang lahat para mahanap ako.
"Eleazar, buong akala namin ay patay ka na. Nang magkaroon ng volcanic eruption sa Greece, hindi ka mahanap ng mga ninuno ko kaya nagpalipat lipat sila ng lugar hanggang makarating sa Armenia," sabi ko sa kanya habang kumakain.
"Akala ko din ay namatay na ako. A volcano made me dormant and trapped me inside a solidified magma. Hindi na mahalaga ang nakaraan. Ang importante, magkakasama na tayo ngayon."
"Paano niyo nalaman na nasa Hawaii ako?"
"Natagpuan ni Addie ang katawan mo na palutang lutang sa dagat habang papunta kami sa Molokai Island. She wasted no time to save you from your so-called death. The moment that she touched you, she was flooded with the visions of your life, including the previous Vessels of the Immortal Blood. You might have unconsciously sent these visions to her. Doon namin nalaman na ikaw ang Vessel na matagal na namin hinahanap," maikling paliwanag ni Raphael.
"Hey man, are you trying to conclude your immortal life? I am telling you, kahit gusto mo magpakamatay, mabubuhay ka muli. Now that we are here, we will not let you kill yourself," nakangiti na sabi ni Chase.
Mukhang may ideya na siya na wala na ko ganang mabuhay. Mukhang alam niya agad sa isang tingin pa lang sa akin na gusto ko ng tapusin ang buhay ko.
"What is your name, child?" tanong ni Eleazar sa akin.
"Raphael Azarian."
"I am sorry, Raphael, for every sorrow that you felt. I tried my best to find you and I am sorry that I was so late. Ngayon nandito na kami, gagawin namin ang lahat para protektahan ka at para mahalin ka bilang isa naming kapamilya."
"Eleazar, I am a failure as a Vessel. I lost hope and faith to the Creator when my biological and adoptive parents died. I am not fitted, I don't deserve to live this indestructible life," pag-amin ko sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang umiyak sa harapan nila. Inamin ko kung paano ko ilang beses na sinubukan na mag-suicide. The grief of Johann's death and my parents demise reverberated within me. Tumigil lang ako sa paghagulgol nang niyakap ako ni Addie.
"Hush now, Master. I can't imagine the misery that you had been through. Huwag kang mag-alala, nandito kaming tatlo para sa'yo. Hindi ka namin iiwan.
"Addie is right. We will not let anyone or anything to hurt you. We will protect you at all cost," Chase said with conviction.
"Raphael, my son. Welcome to the Lancaster family," nakangiti na sabi ni Eleazar habang pinapahiran din ang kanyang luha.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...