CHAPTER 74 - BLACK SKY

1.5K 78 3
                                    

Jade Cardwell


LUMIPAS ang araw pero walang kahit anong traces ng mga demon activities na naganap. Nakapagtataka na wala din mga incident ng demon possession.

"Guys, have you seen the news about the black sky?" tanong ni Shad pagkapasok niya sa loob ng opisina.

"Anong black sky ang pinagsasabi mo? Is this another trending weird news in social media or another conspiracy theory video?" tanong ni Samantha kay Shad.

"Hindi kayo updated, girls. Take a look at this."

Ipinakita sa amin ni Shad ang isang video sa kanyang tablet kung saan makikita ang mga itim na ulap. It looks like a developing huge tornado or brewing storm. Lightning flashes all over the city as if the dark clouds are anticipating to lavish the city alive.

"Totoo ba ito? Parang trailer lang ng apocalyptic movie ah?" tanong ni Sam.

"Shad, saan ito? Real time ba ito?"

"Live video 'yan sa isang northern city sa Hokkaido, Japan. Kahit ang mga scientist ay hindi kayang i-explain ang paglitaw ng malaking black clouds na 'yan. The storm just quickly developed like it materialized out of nowhere. It looks like a doomsday movie from here. Nag-issue na nga ng warning para i-evacuate ang mga residente dito," paliwanag ni Shad.

"Anong theory mo dito, Shad? Alam ko marami kang theories pagdating sa mga ganitong bagay?" tanong ni Sam.

"I never saw anything like this before. Sa movies siguro, pero sa real life, ngayon lang ata nangyari ito. Sabi ng iba baka daw effect ng global warming. Nah, I don't think so. This is sudden and abnormal, pero feeling ko parang artificial storm, parang weather disturbance na ginagamit sa war. Check this second video," sabi ni Shad habang may pinipindot sa tablet niya.

"Shit! Saan naman 'yan?" gulat na tanong ni Samantha nang makita ang pangalawang video.

"Another live video in a small town on the island of Tasmania in Australia. The same dark skies hovering the entire town. Meron din ganito sa Barrow, Alaska at ang isa naman sa isang remote town sa Peru. Mukha itong hurricane, pero parang daw itong blackholes na biglang lumitaw sa langit."

"Biglang lumitaw? As in out of thin air?" tanong uli ni Samantha.

"We are talking about seconds here, Sam. Kahit madilim sa Hokkaido at Tasmania, kitang kita pa rin ang itim na ulap na 'yan. Mas visible ang dark skies na 'yan sa Alaska at sa Peru dahil umaga ngayon sa mga lugar na 'yan."

"Shad, may connection ba ang Hokkaido, Tasmania, Peru at Alaska?" tanong ko sa kanya.

"Wala akong maisip na connections sa apat na lugar na 'yan. These places are continents apart from each other."

"Meron pa bang nangyari na kakaiba bukod sa dark skies?"

"Jade, there is a rumor in the dark web na meron mga demon possessions sa apat na lugar na 'yan. Of course, the officials were denying this, pero ako mismo ang nakakita ng ilang videos kung saan may mga demon possession na naganap. May isang babae sa Japan na kulay itim ang mata. She is violent and out of control like a possessed human in The Exorcist movie. The video was taken down just a few minutes after it was released."

"Do you think gawa ito ng isang government agency? Like a weather modification technique gone wrong?" tanong ko uli kay Shad dahil ayokong ma-focus sa demon possession ang topic namin.

Umiling lang si Shad habang pinagmamasdan ang live videos ng ominous clouds. Sigurado ako na hindi ito gawa ng tao.

Gawa ba ito ng mga Shadow Spirits?

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon