CHAPTER 86 - HAND

1.3K 72 7
                                    

Eleazar Lancaster


WHEN Jade called me, I knew it right away that she was in grave danger. I used all my connections to use a military plane going to Barrow, Alaska. Tinawagan namin paulit-ulit si Jade, pero hindi niya sinasagot ang aming tawag.

"Eleazar, I don't feel good about this. Bakit hindi sinasagot ni Jade ang phone niya?" tanong ni Raphael sa akin habang palabas kami ng military plane.

"I checked the location of her phone. She is still in the airport tarmac area. She is possibly hiding or resting," sagot ko kay Raphael dahil kanina pa siya balisa.

Mabilis namin pinuntahan ang location ng phone ni Jade. We can't feel any Shadow Spirits. Kahit ang itim na ulap ay naglaho na at maaliwalas na ang panahon dito sa Barrow, Alaska.

Raphael abruptly stopped when he saw the Lumine Sword on the tarmac floor. Napansin ko agad ang phone ni Jade, pero walang kahit anong bakas ni Jade sa lugar na ito. We summoned Aesther right away from the Lumine Sword and interrogated her about what happened.

The Divine Spirit detailed the combat between the Fourth Protector and Alarcus. It almost took three agonizing hours before the battle came to an end.

"What happened to her? Where is she? There are no signs of Jade Cardwell!" sigaw ni Raphael kay Aesther.

"I am regretful to tell you that both of them were obliterated to nothing."

"No! I don't believe you! Hihintayin ako ni Jade! Ang sabi niya, hihintayin niya ako dito!"

"She died fighting for you, protecting you, Vessel."

"No, no, no! She is not allowed to die! Where did you last see her?"

"Near the beach shore," sagot ni Aesther at tinuro nito ang direksyon kung saan niya huling nakita na nakikipaglaban si Jade kay Alarcus.

Nagmamadaling tumakbo si Raphael papunta sa pampang ng dagat. Kapansin-pansin ang mga itim na tipak ng yelo na nagkalat sa buhangin. Kumikinang ito na parang may bakas ng Karan.

"She is not here, Eleazar. Buhay pa si Jade. Hindi niya ako iiwan," sabi ni Raphael sa akin.

"Aesther saw her die---"

"No! She is still alive! I know that she is still alive! She won't leave me! Mahal niya ko, Eleazar. Alam mo 'yan. Hindi ako iiwan ni Jade!"

This time, Raphael is smiling. He is crying and smiling at the same time. I wonder if the Vessel is already losing her mind. He is convincing himself that Jade is alive even if Aesther already advised us that she is gone.

Nakita namin ang ilang mga bloke ng yelo na kulay itim sa 'di kalayuan at tinawag ako ni Raphael para puntahan ito. Ginamit niya ang kanyang lakas para buhatin ang mga itim na yelo. Umaasa siyang matatagpuan niya si Jade na nasa ilalim ng mga ito.

Tinulungan ko si Raphael para buhatin ang malalaking mga tipak ng yelo, pero walang kahit anong senyales na nandito si Jade.

"I saw it with my own eyes. The Fourth Protector died. Her remains were scattered in the air like a pulverized gemstone. A beautiful and yet gloomy imagery," sabi ni Aesther na lumitaw sa tabi ko.

"What happened to Alarcus?"

"He suffered the same fate. Both of them were trapped inside a gigantic black sheet of ice. Both of them were disintegrated into infinitesimal pieces."

Habang patuloy na naghahanap si Raphael kay Jade ay napansin ko na may kumikinang sa dagat. Parang isang tipak ng itim na yelo na may bahagyang liwanag. Dahil malapit lang ito sa pampang, lumapit ako para pulutin ito pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ko kung ano ang nasa loob ng yelo. Pinulot ko ito at lumapit kay Raphael para ipakita ito.

"Eleazar, baka nasa ilalim ng buhangin si Jade. Natakasan mo ang isang volcanic lava. Sigurado ako na kaya ni Jade lampasan si Alarcus. She is immortal," sabi ni Raphael na patuloy pa din sa pagbubungkal ng yelo.

"You have to see this, son."

Humarap sa akin si Raphael at ibinigay ko sa kanya ang isang bloke ng itim na yelo. Laman nito ang isang putol na kamay. Alam namin pareho kung sino ang nagmamay-ari nito dahil sa dog charm bracelet na nakakabit dito.

"Her hand was cut post mortem. This means, she is already dead when---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang humalakhak si Raphael. Para siyang nasisiraan ng bait at hindi ko magawang maarok kung ano ang nararamdaman niya.

"Eleazar, Jade is a freaking immortal Protector. She is not yet dead!" natatawa na sagot niya sa akin habang tumutulo ang luha niya.

Biglang napaluhod si Raphael sa buhangin habang hawak ang yelo na may laman na kamay ni Jade. Patuloy pa din siyang humahalakhak na parang isang nakakatawa na bagay ang pagkamatay ni Jade, pero napansin ko na ang luha niya ay nagiging kulay pula.

His tears are turning into blood.

"Let us get out of here. I will ask some of my men to look for her. It is dangerous here," sabi ko habang inaalalayan na tumayo si Raphael.

"Hahanapin natin si Jade? Kailan, Eleazar? Baka kailangan niya ng tulong natin. She's missing a hand---"

"I will call my men now. They will handle this. Let me get you to safety. We are out here in the open."

Inalalayan ko tumayo si Raphael. Kasabay ng pagluha niya ay ang pagluha ko din sa pagkawala ni Jade. Masakit sa akin na nawala ang ika-apat na Protector, pero mas masakit na makita ko na ganito si Raphael. Bilang ama niya, parang binibiyak ang puso ko sa unti unting pagbitaw niya sa realidad dahil sa kamatayan ni Jade.

Lumuluha siya ng dugo dahil sa sakit na nararamdaman, pero tumatawa na parang isang baliw habang kinakausap ang putol na kamay ni Jade.

Love indeed can drive someone insane.

I have been a Protector of the Vessel for thousands of year, but I never seen anything like this. Ngayon ko lang din nakita na lumuha ng dugo ang isang Vessel.

Bumalik kami agad ni Raphael sa Fordbridge gamit ang military plane. Kapansin-pansin na kinakausap niya ang bloke ng yelo na hawak niya. Raphael is surely going crazy with the death of the Fourth Protector.

Sa hindi malaman na dahilan, may mga armadong kalalakihan ang nanloob sa aming bahay. It was a usual burglary, pero nakapagtataka na ang pakay ng mga magnanakaw ay ang dalawang aso. Kumuha sila ng ilang mga mamahalin na gamit sa aming bahay at tinangay ang dalawang aso ni Jade.

Dahil sa lumalala na kalagayan ni Raphael, hiniling ko kay Chase na bigyan ng sedative si Raphael dahil hindi maganda ang kanyang lagay. Natatakot ako sa maaring mangyari kay Raphael.

"You are right. The severed hand was cut post mortem. But this is not possible, Old Man. Tama si Raphael. Imortal si Jade. She can't die right away," sabi ni Chase nang makabalik kami sa Fordbridge.

"She was dealing with Alarcus. Too much Karan has no match with Vasi. She can die. How is the Vessel?"

"He is not good. Raphael has symptoms of---"

"Insanity?"

"In Layman's Terms, yes. Alam niya na wala na si Jade at hindi niya ito matanggap. Raphael may be immortal, but he is human like us. The Immortal Blood may physically heal us, but I doubt it can soothe our psychological distress. Just like the Vessel, I am still hoping that Jade is alive out there."

"Take care of the Vessel for me. Babalik ako sa Alaska para mag-imbestiga."

Nagluluksa kami ngayon sa pagkamatay ni Jade, pero mas higit kaming nasasaktan sa dahan dahan na pagkabaliw ni Raphael na maaring maging sanhi din ng kanyang kamatayan.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon