CHAPTER 88 - HEARTBEAT

1.2K 81 11
                                    

Raphael Lancaster


JADE CARDWELL. The fourth protector and the only woman I have ever loved. Her death is an excruciating incident that I have to face, but my whole being cannot simply accept that she is gone.

For weeks, I mourned for her death. Para sa akin, hindi namatay si Jade. Ako ang tila unti unting pinapatay sa pagkawala niya. There are times that I feel like I am losing my touch with reality.

Sa loob ng ilang araw, namalagi ako sa kwarto ko. Hindi ko matanggap na iniwan niya ako dahil nangako siya na hihintayin ako. Minabuti ko na isipin ang masasayang sandali namin ni Jade. Ang mga araw na buong akala ko ay hindi na magwawakas.

I created a fantasy in my mind wherein she is alive. A world where the two of us are still together. I need this illusion as I cannot bear the pain of reality.

It is said that there are five stages of grief and loss. Magsisimula ito sa denial at isolation. Mauuwi sa anger, bargaining at depression. Ang huli naman nito ay acceptance.

In my case, I am stuck in phase one. My mind, my soul and my whole being is in denial with her death.

One day, it seems that my mind suddenly snapped. I woke up with no recollection of any pain, any misery and any heartbreak. I am not sure if the Immortal Blood is trying to heal the void in my heart.

Ginamit ko ang pagkakataon na ito para lumabas ng bahay at magbakasyon. Parang lumalabo ang alaala ni Jade sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit tila unti unti ko nakalimutan ang tungkol sa kamatayan niya.

For days, I drowned myself in alcohol. My two companions, Brittany and Carley are also willing to erase the emptiness in me using their alluring bodies.

Naglaho ng tuluyan ang sakit na nararamdaman ko. Wala ng pait at wala ng pighati. Parang naging manhid ang buo kong pagkatao sa kahit anong pakiramdam at ang kapalit nito ay ang pagkawalang gana na mabuhay.

I rather chose the misery caused by Jade's death than to live like a walking corpse. I may be suffering with all kinds of torture, but I know what love and heartbreak feels like.

Sinubukan ko na maghamon ng away sa tatlong turista dito sa Hawaii. I deliberately disrespected them and I get what I deserve. A throbbing punch and an aching lesion on my face. I want them to hurt me so I can wake up from this dream, but Eleazar was there to save me. Inalalayan niya ako at dinala sa aking kwarto.

"Eleazar, what are you doing here in Hawaii? Bakit kasama mo si Addie? Are you all following me?" tanong ko sa kanya habang hawak ang masakit kong panga.

"We care for you, Raphael. We are just here to observe---"

Biglang tumigil si Eleazar sa pagsasalita habang nakatingin sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang damit ko at mukhang papatamaan ako ng isang pang suntok.

"What have you done, Raphael?" galit na tanong niya habang pinipigilan ang galit.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Bitiwan mo ko, Eleazar!"

"What have you done to Jade! Answer me!" sigaw ni Eleazar sa akin.

Akala ko ay isang sapak na naman ang matitikman ko mula sa kamao ni Eleazar pero dumating si Addie para pigilan siya. Hindi ko alam kung bakit biglang nagalit si Eleazar. Isang misteryo kung bakit bigla siyang binalot ng galit.

"Eleazar, ano bang problema? Bakit mo sinasaktan si Raphael?" nag-aalala na tanong ni Addie.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo!"

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon