CHAPTER 23 - CAPE TOWN

2K 97 1
                                    

Jade Cardwell


ILANG araw bago ang graduation day, hindi ko pa din mahanap si Raphael. I searched every corner of the campus, but he still nowhere to be found.

"I received your text message last night. May problema ba, Ninong George?" tanong ko sa kanya pagpasok ko sa office niya sa school.

"I guess you haven't heard."

"Heard what? May dapat po ba ko malaman?" I asked as I frowned at him.

Nag-text kahapon si Ninong George na dumaan daw ako ngayon sa office niya dahil may importante daw siyang sasabihin sa akin. Mukhang malungkot ang ninong ko. Kung ano man ang sasabihin niya, siguradong hindi ko ito magugustuhan.

"Raphael flew to South Africa due to some urgent family matters. He will not be attending the graduation," mabilis na sabi ni Ninong George.

Bigla ko tuloy nabitawan ang bag ko sa pagkabigla. Raphael did not tell me anything about this, pero alam ko naman na mangyayari ito sooner or later.

"For how long?" tanong ko habang pinipigilan ang mga luha ko.

"For good. I am sorry, anak. Mukhang doon na maninirahan ang mga Lancaster sa Cape Town, South Africa. Hindi ba nasabi sa'yo ni Raphael ang tungkol dito?" malungkot na tanong ni Ninong George.

His eyes are almost filled with tears. Alam niya na masasaktan ko sa pag-alis ni Raphael.

"No, wala siyang sinabi na kahit ano," I answered with my almost broken voice.

"I mean, wala ba siya nasabi noon na balak niyang pumunta sa Cape Town? Tinawagan niya ako para personal na magpaalam sa akin. He even told me to take care of you. I was under the impression that you have talked about this."

"Nope, wala akong alam. Mukhang hindi niya gustong sabihin sa akin na aalis siya. That's fine. Decision niya 'yon. I can't force him to stay."

"I am sorry, anak. Alam ko na mahal na mahal mo si Raphael. Come here, my dear. Let me give you a hug."


Hindi ko na napigilan ang humagulgol nang niyakap ako ni Ninong George. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako saktan ni Raphael ng ganito. Pwede naman niya ko kausapin at magpaalam ng maayos, pero iniwan na lang niya ako na parang wala kaming pinagsamahan.

Tama ang Ninong George dahil hindi ko nakita si Raphael during our graduation ceremony. Sinubukan ko pa rin na tawagan siya, pero lahat ng calls ka ay nagro-route sa kanyang voicemail.

He left me alone and he did not even bother to say goodbye. Daig ko pa ang pinagtaksilan sa ginawa niya dahil iniwan niya ko sa ere. No explanations or whatsoever as to why he left me.

Sabagay, hindi naman niya sinabi kahit minsan na mahal niya ako. I am just probably a fling, isang short-term relationship, isang pampalipas oras.


The thought shattered my whole being...


Lumipas ang ilang linggo, pero palagi pa rin akong umiiyak dahil sa ginawa sa akin ni Raphael. The misery when he left me controlled me for weeks. I am at my worst right now because of him.


Raphael, what have I done for you to ruin me like this? Do I deserve this kind of pain?


Kasabay ng pagkawala ni Raphael, natapos na din ang missing person incident. No additional reports regarding this and everyone in the town felt safe again.

I tried to find some distractions, lahat na ata ginawa ko para makalimutan ko siya, but I am still being haunted by Raphael Lancaster even in my dreams...

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon