Jade Cardwell
Mount Kilauea is located in the southernmost part of the Big Island in Hawaii. It seems that one Endorian Witch dared to go inside this active volcano for unknown reasons.
"Kung alam ko lang na mangyayari ito sa atin, I should have taken up a Geology or Earth Science related course," sabi ni Raphael sa amin.
"Raphael, even Eleazar has no match to a lava. Anong klase ba na mga nilalang ang mga Endorian Witches? As far as I know, they are humans with Karan," dagdag ni Chase.
"Bro, I think they were able to harness enough Karan from this world to be invincible. I guess there are only two Endorian Witches left after the Prime Guardian killed most of them. Unfortunately, these remaining two Endorian Witches were able to absorb their comrade's powers. What do you think?" tanong ni Raphael kay Chase.
"It makes sense, bro. The concentrated power of Karan is now dwelling inside these two Endorian Witches. Sadly, the twelve Endorian witches were all fooled by Eleonore. She probably knows that the Prime Guardian will kill each and everyone of them. She took all of their Karan for herself."
"Sooner or later, Eleonore will be the sole owner of the Karan from this wickedness of this world."
Tumango lang si Chase kay Raphael bilang pagsang-ayon. Mukhang nakagawa na sila ng sarili ng conclusion sa mga Endorian Witches.
"Old man, are we going inside the volcano? Did you miss being trapped inside a molten lava?" nakangisi na tanong ni Raphael kay Eleazar.
"I don't think we need to do that and I don't even know if we have means to do that. Look at these videos. The next day, two unidentified men entered the volcano crater area. The authorities are unable to identify them from this distance, but I am quite sure that these two men are the Prime Guardian and the Vessel."
"Kailan po 'yan nangyari?" tanong ko kay Eleazar.
"Two days ago. The black storm also disappeared around that time. Once we landed in Hawaii, proceed with the Vasi healing right away. I want to go straight to Tambora."
Kung wala na ang black storm dito, marahil ay napatay na ni Amadeus ang Endorian Witch na nandito. Parang gusto ko matakot sa sinabi ni Raphael at ni Chase kanina. Kung tama sila, it means na kay Eleonore na ang full Karan powers ng mga nasawing Endorian Witches."
In just a few minutes, we landed on the island of Hawaii. Everytime we heal those people possessed by Karan, our Vasi is being depleted. For days, we do not have much sleep as Eleazar wants to follow Amadeus as soon as we can.
"Bakit po kaya sila pumasok sa volcano? Sa pagkakaalam ko ay magma ang laman ng volcano. May kakaiba po bang mundo sa loob nito? Parang sa story na Journey To The Center of The Earth?" naguguluhan ko na tanong kay Eleazar at Addie habang naglalakad kami sa tabing dagat.
Katatapos lang namin pagalingin ang mga tao na affected ng Karan at minabuti namin na mamasyal sa isang beach na may kulay itim na buhangin. Si Raphael at Chase naman ay nasa loob na ng private plane at natutulog. Kailangan namin maghintay ng ilang oras dahil nagkaroon ng mechanical failure ang plane ni Eleazar.
"Jade, when I was in Paris, I read stories about heaven and hell. There were ancient stories which stated that hell can be found deep within the earth. Of course, these stories were written when people still believe that the earth is flat and is the center of the solar system," sabi ni Addie sa akin.
"I already asked the Divine Spirits. Wala din silang idea kung nasaan ang ang sinasabing hell. Aerand mentioned a rumor wherein there was a guardian who was not part of the rebellion, but this guardian decided to live here on earth," sabi naman ni Eleazar.
"Si Eleonore po kaya 'yon?"
"We can only confirm once we meet her."
"Pero ano kayang gagawin ni Amadeus at Jaden Jasper sa loob ng isang volcano? Are they on their journey to hell?"
"Honestly, I have no idea. Iiwan ko muna kayo dito at babalik ako sa plane. We have approximately two hours before take off," sabi ni Eleazar na nagpaalam sa amin ni Addie.
Umupo kami ni Addie pareho sa malaking itim na bato. Purong itim ang kulay ng buhangin at bato dito sa beach dahil nagmula daw ito mismo sa Kilauea Volcano.
"Jade, how does it feel when you find out that my Master loves you too? Sobrang saya ba? Total bliss? Ganoon ba ang pakiramdam kapag nalaman mo na mahal ka rin ng taong mahal mo?" tanong ni Addie habang nakatingin sa dagat.
"Bakit mo naitanong? Dahil ba kay Eleazar?"
"W-what? No! Wala kaming past ni Eleazar---"
"Raphael told me everything. Sinabi niya sa akin na si Eleazar ang mahal mo noon pa. The old man loves you too, but he has different priorities."
"Am I too obvious?"
Tumango lang ako kay Addie. Kahit wala akong nakita na visions sa past ni Addie at ni Eleazar, obvious sa kanya na mahal niya ang matandang Protector. Minsan nga ay sinasadya na asarin ito para makuha lang ang atensyon ni Eleazar.
"Master, already proposed to you?" tanong ni Addie sabay nguso sa singsing na suot ko.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Paglapag namin sa Hawaii ay ginamit na agad namin ang aming Vasi para pagalingin ang mga tila demon-possessed na tao. Habang nasa kalagitnaan kami ng aming misyon ay kinawayan ko si Raphael at ipinakita sa kanya ang suot ko na singsing.
"Kaya pala bigla siyang tumakbo papalapit sa'yo at niyakap ka. Kahit kami ay naguguluhan kung bakit niya ginawa 'yon. Agaw eksena din kayo noh?" biro na sagot ni Addie na mukhang masaya din sa engagement namin ni Raphael.
"Noon hanggang ngayon, si Raphael lang ang lalaking minahal ko. Pagbalik natin sa Fordbridge, saka ko na sasabihin kay Uncle Angelo at Ninong George ang kasal namin. Gusto ni Raphael na sa Saint Malo, France ganapin ang kasal namin---"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko sa dagat ang tila tsunami na papalapit sa amin. Napakalaki ng tsunami na ito at kahit mabilis kami tumakbo ni Addie ay aabutan nito agad kami.
Paglingon ko kay Addie ay nakatingin lang ito at nakangiti sa akin. Para siyang estatwa na nakaupo sa bato. Kahit ang ilang tao na naglalakad sa beach ay tila huminto. Parang tumigil ang oras at tanging ang tsunami lang ang gumagalaw.
Humarap ako sa palapit na tsunami. Kahit ata tumakbo ako para puntahan si Raphael ay hindi ako makakaligtas dito. Ipinikit ko na lang ang mata ko bago ako lamunin ng dambuhalang tubig na nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...