CHAPTER 6 - PRINCE

3.2K 155 3
                                    

Jade Cardwell


PAGPASOK ko sa kwarto ko, tinawagan ko agad si Ninong George para mag kwento kung anong nangyari sa amin ni Raphael.

"Ninong, nasaan ka na ba? Bakit si Raphael ang sumundo sa akin sa school? Alam mo naman na nahihiya ako sa kanya," tanong ko kay Ninong George sa phone habang katabi ko si Peanut at saka si Butter.

"I am still stuck here in I-5. Come on, Jade. Wag na tayo maglokohan. Alam ko na nasa cloud nine ka ngayon. It is a dream come true for you!"

Ninong George's destructive laugh echoed on my mobile phone as he teased me. Alam niya na crush ko na si Raphael noong una ko pa lang ito nakita.

"And for your information, my lady, I did not ask him. The Lancaster prince called me a while ago and proactively asked me to pick you up. Bakit ako tatanggi sa offer niya? That kid is gorgeous!"

"Weh? Totoo?"

"Oo nga! Malay mo type ka din pala niya!"

Tumawa na naman si Ninong George ng sobrang lakas na parang isang evil villain. Mukhang na-possess si Ninong George ni Maleficent. Kulang na lang ang horns niya.

"Ninong, imposible naman ata ang sinasabi mo. Hindi ako crush ni Raphael. I am such an ugly duckling."

I am a nerd with braces and dark rimmed eyeglasses. Walang makaka pansin sa akin kundi ang mga bullies sa school. The only thing I am proud of is probably my brain and talents.

"Anak, wag mo sabihin 'yan! You are beautiful, inside and out. Sa tingin ko, nakita din ni Raphael ang mga qualities na 'yon. Anyway, how was it?"

"It was terrible! Ilang beses ako nabulol sa pagsasalita. May idea na siguro siya na may crush ako sa kanya."

"Talk to him, Jade. That kid is often alone. Tingin ko, kailangan niya ng kaibigan."

"Gusto mo ba na ma-bully ako dahil sa kanya? And besides, maraming babae ang lumalapit sa kanya from time to time. Kailangan ko pa ata pumila or mag request ng appointment para makausap siya."

Hindi ako confident na kausapin si Raphael. Feeling ko, mabubulol na naman ako kapag kausap ko siya.

Kinabukasan, napansin ko na nakaupo na naman si Raphael sa kanyang favorite bench hawak ang panibagong libro. He is very old-fashioned as he prefers to read a hardbound book instead of the softcopy or ebook versions on a tablet.

Kahit ayoko siya kausapin, I ended up following Ninong George's advice. I took a deep breath and approached him.


"Hi, Raphael," mahina kong bati sa kanya.


Tumingin sa akin saglit si Raphael na parang nagtataka kung bakit ako lumapit sa kanya. I am waiting for him to say a word, but he quickly stood up and took his bag as fast as he could. Mabilis siyang umalis na para bang may nakakahawa akong sakit.

I was left dumbstruck like someone poured an ice-cold water over me.

Sabagay, sino ang gustong makipag kaibigan sa isang nerd na tulad ko?

Malamang ayaw niya na makita kami ng ibang tao. I can't blame him, he has a reputation that he needs to maintain and someone like me can easily tarnish it.

Naghintay ako ng ilang araw kung kakausapin ako ni Raphael, but he did not bother to approach me. Days quickly passed and everything went back to normal.


I was the same invisible girl na hindi niya tinatapunan ng tingin...

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon