Jade Cardwell
PAGBABA namin sa condominium unit ni Rose, niyaya ako ni Christian papunta sa bahay ng kaibigan niya. Dahil tinulungan naman nila ko ni Aunt Rose, pumayag na din ako sa alok niya. Hindi ko alam ang nangyari, pero tila nabunutan ako ng tinik.
"Jade, kailan mo nga pala balak bumalik ng Fordbridge?" tanong ni Christian sa akin habang naglalakad kami.
"Sa weekends baka bumalik na ko. Ikaw? Kailan mo balak?"
"Dito muna ko sa Seattle ng dalawang linggo. I am going to miss my mom kapag bumalik na naman ako sa Fordbridge."
"Ako naman madalas namamasyal sa iba't ibang lugar pag weekdays, pero bumabalik ako sa Fordbridge kapag weekend. Alam mo naman na inaasahan ako ng mga aso ko. I don't want them to miss me."
"Dog person huh? Alam mo ba na malakas ang mga senses ng mga aso? Alam na alam nila kapag hindi ka naliligo or naghuhugas ng---"
"Ng ano? Never mind, huwag mo na sagutin," sagot ko kay Christian sabay irap sa kanya dahil alam ko na bastos ang iniisip niya.
Tumigil kami sa tapat ng isang gigantic grayish building. Mukhang isang sophisticated condominium unit.
"I have three humongous German shepherds. Sanay na sila sa amoy kahit ilang araw ako hindi maligo. Halika na, nandito na tayo," sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ko papunta sa elevator.
"Sino ba pupuntahan natin dito? Girlfriend mo? In fairness, ang ganda dito. I bet a unit here is worth millions."
"Girlfriend? Girlfriends! Why stick to one when you can stick to many? Kung hindi ka nga lang off-limits, liligawan kita."
"Seriously? Christian Almonde, marunong ka manligaw ng babae? Sa gwapo mong 'yan, akala ko sila ang humahabol sa'yo?" sarcastic kong tanong sa kanya.
"Alam mo, Jade, kailangan mo din ipadama sa kanila na teeny weeny special sila para makuha mo ang tiwala ng mga chikababes. Papaikutin mo sila gamit ang matamis mong salita."
"Teeny weeny? Ang gwapo mo talaga noh?" natatawa ko na sagot sa kanya.
Tumigil ang elevator sa highest floor. Kumatok si Christian sa isang unit at isang blonde na babae ang nagbukas ng pinto. She is probably in her early twenties. She has these sea green eyes that are perfectly stunning.
"Chris, it is so good to see you!" bati na babae kay Christian, pero ang mga mata niya ay nakatingin sa akin.
"Elle Marie, it is good to see you too."
"Girlfriend mo ba ang kasama mo? Come in, darling," sabi niya sabay ngiti sa akin as if she is done inspecting me.
She smiled tenderly as if I passed her standards. Kung alam lang niya na mukhang akong isang nerd noong high school, baka taasan pa niya ko ng kilay.
Nang iniwan ako ni Raphael, naging determined ako na baguhin ang looks ko. From a nerdy girl with ponytail and braces, I transformed into a woman. Tinulungan ako ni Ninong George para daw tuluyan ako maka-move on kay Raphael. Tinanggal ko na din ang braces ko at natuto na din ako light mag make-up. Kung dati ay meron akong perfect black shoulder-length hair, ngayon ay kulay light brown na ang buhok ko.
Hindi na rin ako nagsusuot ng eyeglasses dahil gumagamit na ko ng contact lens. From my snickers and rubber shoes, natuto din ako magsuot ng high-heeled shoes and sandals. Kahit ang clothing style ko, binago ko na din.
Sa totoo lang, masaya ko dahil parang nag-transform ang hitsura ko. I feel confident and I feel good about myself. Almost everything about me changed except for one thing, my feelings for Raphael.
"Jade, this beautiful enchantress is Elle Marie. Elle, this is my friend, Jade.
"Nice to meet you, darling. Wait, your name is Jade? Ikaw din ba ang Jade na---"
"Yeah yeah siya nga."
I frowned at Christian dahil parang may tinatago sila ni Elle Marie tungkol sa akin. Parang kilala ako ni Elle Marie kahit ngayon pa lang kami nagkita.
"Ethan! Chris is here! With Jade!" Elle Marie emphasized my name as she shouted.
"Ethan? Si Ethan Matthew Brelsford ba ang sinasabi mo na friend mo na pupuntahan natin?" bulong ko kay Christian.
Nabanggit na ni Christian na stalker ko ang kanyang womanizer friend na si Ethan Brelsford. Mas lalo tuloy ako kinabahan dahil hindi ko alam kung paano magre-react sa harapan niya.
"Uhmm nakalimutan ko ba sabihin na si Ethan ang pupuntahan natin dito? Oh shoot! My bad!" he said sarcastically as he grinned at me.
"You are setting me up with him. Umamin ka red-haired man?"
"Ipapakilala lang naman kita kay Ethan, no big deal," bulong niya sa akin.
Habang nakaupo kami sa malawak na living room, biglang lumabas si Ethan Brelsford. He is wearing a fitted white shirt that looks good on him. Basa din ang kanyang buhok na parang kagagaling lang a shower room.
"Brother, it is good to see you here in Seattle," masaya na bati ni Ethan, pero napatigil siya nang makita niya ako na kasama ni Christian.
"Jade," maikli na bati niya sa akin.
Is this for real? Ethan Brelsford is blushing? Marunong na pala mag-blush ngayon ang mga Greek gods.
Mukhang binalot ng hiya si Ethan dahil sa presence ko. Malayo ito sa Ethan na kilala ko bilang playboy ng university.
"Hey bro, huwag mo naman titigan si Jade ng ganyan. Baka umuwi siya ng wala sa oras!" natatawa na biro ni Christian.
"Nagulat lang ako. Hindi ko alam na may kasama ka pala."
"Balak sana namin mag-lunch ni Jade. Baka gusto niyo sumama sa amin ni Elle Marie?"
"Lunch? I am in. Let's go!" excited na sabi ni Elle Marie bago pa nakasagot si Ethan.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...