CHAPTER 45 - ANDREIA

1.8K 70 0
                                    

Andreia Fernandes


Karan. An ancient name which means Shadow Spirit.

When a Karan finally seized a human body as its host, a human protector is conceived. A protector is created on the same time and almost at the same place where the shadow spirit is resurfaced.

The Protectors are the counterpart of these creatures of darkness to balance the good and evil in this world. When a protector reached the right age, consuming the Immortal Blood can fully transform them to an immortal capable of enhanced human powers.

The protector's vital duty is to preserve the Immortal Blood and to ensure that the Vessel will not fall on the hands of the Shadow Spirits. Their vow is to defeat the Shadow Spirits and to save humanity from their evil demons.



Ipinanganak ako sa isang maliit na bayan ng Primavera sa Brazil noong 1325. Isang sunog ang kumitil sa buhay ng aking mga magulang noong bata pa ako. Si Eleazar, ang may-ari ng pinakamalaking hacienda na tinatawag na Hacienda De Ezperanza ang umampon sa akin.

Ang sabi ni Eleazar, mahigit isang daan taon na niya ko hinahanap. Panata niya ang hanapin ang mga tulad ko, ang mga taga-pagtanggol o ang mga sinasabing Protectors.

Naging sentro ng interest niya ang Brazil nang mabalitaan niya ang mga sunod sunod na pagpatay sa isang lugar dito. Walang kahit sinong makapagturo kung sino ang salarin. Ang tanging alam niya, ang karumal dumal na pagpatay ay nagsimula sa isang bayan at umabot sa ciudad. Ang mga biktima ay pareparehong nauubos ang dugo na parang hinigop ng isang nilalang na umiinom ng dugo. Kahit ang mga ulo ng mga biktima ay sadyang tinanggal din para hindi walang pagkakakilanlan.

Isa lang ang alam niya sa mga oras na ito. Ang isa sa mga sinasabing Shadow Spirits ay nakahanap na ng katawan na kanilang gagamitin.


Sabi ni Eleazar, nakatanggap siya ng isang mahiwagang regalo noon na mula sa isang kaibigan. Tinatawag itong Lux Ex Orbis or Compass of Light. Isa itong silver compass kung saan itinuturo nito ang mga kasalukuyan na lokasyon ng mga sinasabing Protector.

This ancient device pointed towards the town of Primavera, Brazil. This is the first time that the compass operated ever since Eleazar became a protector.

Naglakbay si Eleazar patungo sa aming bayan. Naging kaibigan niya ang mga naninirahan dito maging ang aking mga magulang. Umayon lahat sa kanyang plano at napagdesisyunan niya na dito na manirahan lalo na ng ako ay ipinanganak na.

Hindi niya lang inaasahan ang pag atake ng mga kampon ng kasamaan sa Primavera. Demons under the command of a Shadow Spirit attacked Primavera. These demons set the multiple houses on fire. Isang malawakang sunog ang naganap na lumamon sa buong bayan ng Primavera. Kung hindi pa dumating si Eleazar, malamang kasama na ako sa mga nasawi.

Kasama ang mga magulang ko sa mga naging biktima ng sunog sa Primavera. Kinupkop ako ni Eleazar at itinuring na isang anak. Hindi naging madali para sa amin ni Eleazar ang mamuhay ng normal. Kailangan namin lumipat sa iba't ibang lugar para hindi masundan ng mga alagad ng Karan.


Nanirahan kami sa iba't ibang ciudad sa South America. Hindi rin ako nakapasok ng regular school tulad ng mga pangkaraniwang bata. Eleazar hired excellent tutors and trainers for my education.

During weekdays, different instructors will visit me for my academic studies. During weekends, I was trained in all kinds of sports and defensive martial arts. Hindi na ako nagtanong pa. Malaki ang tiwala ko kay Eleazar. Kahit buhay ko ay kaya ko ibigay sa kanya.

Pagdating ng aking ika-labindalawang kaarawan, ipinagtapat sa akin ni Eleazar na isa siyang imortal. He told me that he is timeless being who cannot die until he achieved his vow.



"Para sa'yo ito, Andreia. Maligayang kaarawan. Palagi mo itong isusuot dahil ito ang magsisilbi mong proteksyon. This necklace is blessed with Vasi and this will conceal your presence from the Shadow Spirits," sabi ni Eleazar sabay bigay sa akin ng isang kwintas.

"Ano po ang Vasi? Proteksyon po saan?"

"Protection from evil. May mga nilalang na tinatawag na Karan na magtatangka sa ating buhay. Sila din mismo ang nagtangka sa buhay mo noong sanggol ka palang. Kailangan natin maging handa sa lahat ng oras, Andreia."

"Nasa panganib po ba tayo?"

Tumango lang sa akin si Eleazar at ikinabit ang kwintas sa leeg ko. Hindi siguro niya magawang ipaliwanag sa akin ang lahat noon dahil bata pa lang ako.

"Andreia, you are chosen by the Creator to be a Protector. Promise me that you will wear this necklace at all times."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi noon ni Eleazar kaya tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Sa una, naguguluhan ako sa mga pangyayari, pero unti unti akong naliwanagan. Lumaki ako at naging dalaga pero si Eleazar ay tila hindi tumatanda kahit pagkatapos ng ilang dekada.

Lumipas ang taon at nagpalipat-lipat kami ng tirahan ni Eleazar na parang may tinataguan o parang may hinahanap. Naisip ko na din noon na isang kriminal si Eleazar, pero wala akong bahid ng kasamaan ang taong ito.


He has an immaculate heart capable of unselfish love.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon