CHAPTER 2 - FORDBRIDGE

4.8K 186 1
                                    

Jade Cardwell


FORDBRIDGE HIGH. One of the most elite international schools na malapit sa Portland, Oregon. Isang exclusive school na tumatanggap lamang ng mga students with brains and wealth. One must pass the comprehensive entrance exams and interview done by the world class team of professors.

Unfortunately, walang exams tungkol sa attitude at manners. Karamihan ng mga estudyante dito ay narcissistic to the highest level at mga arrogante as if pag-aari nila ang mundo. Palibhasa, mga anak mayaman lahat ng estudyante dito.

Naputol lang ang pag-uusap namin ni Cara at Sheldon nang dumating ang class adviser namin. She is a powerful looking dark woman, parang isang corporate lawyer. She reminds me of Jessica Pearson from Suits TV series.


"Class, please settle down!" sigaw ni Ms. Adelaida Towers.

Siya ang Advanced Chemistry professor namin at ang aming homeroom teacher.

"I want you to meet your new classmate. He will be joining your class starting today. Please, let us all welcome, Raphael Lancaster. Make him feel at home."


Biglang tumahimik ang lahat nang pumasok ang aming bagong classmate. I am already expecting na rich ang new classmate namin, dahil pang mayaman ang school namin. Ang hindi ko inaasahan ay kakaibang dagundong ng puso ko nang makita ko si Raphael Lancaster. Bigla akong kinabahan sa 'di ko malaman na dahilan. Sa sobrang kaba ko, tila sumisikip ang dibdib ko.

Ano ba ang nangyayari? Sino ang lalaking ito?

Raphael has this air of nobility in him like he is an aristocrat that makes every person in the room feel small. Kahit ang mga maaangas kong classmate ay parang natameme sa pagkakita kay Raphael.

"Mr. Lancaster, you can take the empty seat at the back beside Ms. Cardwell. Jade, why don't you tour him around the school after your class."

Tumango lang ako kay Professor Towers. Hindi nakaligtas sa akin ang mga penetrating glares na mula sa mga vicious bitches ng cheerleading team. Siguro inggit sila dahil ako ang makakasama ni Raphael kaysa sa kanila.

"Pleasure to meet you, bro," sabi ni Geoff Barwicke sabay bigay ng kamay kay Raphael for a handshake.

"Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. I am the man that you can count on. Call me Geoff," dagdag ni Geoff.

Geoff Barwicke. Ang chief ruler ng confederation of bullies dito sa school. Ang ama niya ay isang senador, samantalang ang ina naman niya ay CEO ng isang famous skin care product manufacturer.

Kahit matalino si Geoff, nangingibabaw pa din ang kanyang masamang ugali lalo na ang kanyang walang kamatayan na pambu-bully sa ibang estudyante.

"Are you sure you are not the Prince of Wales?" tanong ni Stephen.

Mukhang hindi lang mga babae ang nahumaling kay Raphael, kahit kabarkada ni Geoff na si Stephen ay mukhang na starstruck din sa kanya.

"Dude, what's wrong with you? You are making Raphael uncomfortable. Wag mo siya titigan na parang ngayon ka lang nakakita ng gwapo," bulong ni Geoff kay Stephen.

Nagsimula na ang lessons si Professor Adelaida Towers tungkol sa Thermodynamics, pero hindi ako mapakali dahil sa presence ng aming bagong classmate. He is tall, lean and muscular. His angelic face is carved perfectly and yet his looks can spell menace at the same time.

Pagtapos ng class, biglang lumapit sa akin si Geoff at umakbay sa balikat ko. Gusto ko sana tanggalin ang kamay niya, pero ayokong makabangga ang leader ng evil cult dito sa school.

"Hey Braces. I will take in charge of Raphael. Leave him to me."

Geoff usually calls me this petname obviously because of my braces. He may be a bully, pero nakapagtataka na nice siya sa isang nerd na tulad ko. Tumango lang ako sa kanya at hindi na nakipagtalo pa.

Sa ilang taon ko dito sa school, natutunan ko na din iwasan ang mga bullies at ang mga spoiled brats. Gusto ko na matapos ang high school para makatungtong na ako sa college.

Sabi ng iba, masaya ang highschool life. I can't believe that high school can be a real pain in the ass.

Days passed and Raphael became my constant seatmate. Talented pala si Raphael dahil naging known tennis player at champion swimmer agad siya sa buong school. He also excelled in academics at kahit ang mga bullies ay nirerespeto siya.

Kaliwa at kanan ang mga babae na nagpapapansin kay Raphael, pero dedma lang sila dito. Palagi kasing seryoso si Raphael at nagbabasa lang siya ng libro na parang isang nerd, except he is too damn hot for a nerd.

Madalas ko sinusulyapan si Raphael mula sa malayo at kumpleto ang araw ko kapag nasilayan ko na ang kanyang magandang mata at mapang-akit na labi. Ilan beses na din niya ko nahuli na nakatingin sa kanya, pero isa din ako sa mga biktima ng dedma attitude niya.


For an almost perfect guy like him, I guess he will not even spend two seconds of his time smiling at me.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon