CHAPTER 75 - THE CALL

1.3K 78 1
                                    

Jade Cardwell


THE same night, the three Protectors including Raphael left Fordbridge. As soon as there is daylight, I took a flight from Fordbridge to Anchorage, Alaska.

Lahat ng flights papuntang Barrow, Alaska ay kanselado dahil sa black storm, pero gumawa na ng mga arrangements si Eleazar para sunduin ako ng isang military helicopter na magdadala sa akin sa Barrow.

Tanghali na nang marating ko ang abandoned city, pero tila gabi na dito dahil sa mga maiitim na ulap. Pagdating ko sa Barrow, tinawagan ko agad si Eleazar para bigyan siya ng update.

"Eleazar, nandito na po ako sa Barrow, Alaska. Kamusta po kayo diyan sa Japan ni Raphael?"

"Okay naman kami. Mag-ingat ka, Jade. Tulad ng sabi ko, you are just there to observe and to locate any possible victims of demon possession. Locate the center of the storm as this is probably where the Karan is originating. Dala mo ba ang Lumine Sword ni Aesther?"

"Opo. Umikot na kami dito sa city, pero wala kaming nakita na tao na may demon possession. Wala din kami naramdaman na presence ng demons or ng Shadow Spirits. Ano po ang balita diyan?

"Maraming mga tao ang na-possess ng demons dito. I already cleansed them of any Karan essence and they do not remember what happened. They can only recall the hatred that inside them."

"May balita po ba kay Chase at kay Addie?"

"Nasa byahe pa din silang dalawa kanina dahil nagkaroon ng problema ang transportation papunta sa Peru at sa Australia."

"Kamusta po si Raphael?"

"The stubborn Vessel is still angry at me for agreeing with your decision. If I don't know both of you better, I might say you were back together."

Bigla akong tumahimik sa sinabi ni Eleazar. Hindi naman kami nagkabalikan ni Raphael, pero para kaming may relasyon without the official label.

"Take care of him, Eleazar. Iikot uli kami ni Aesther. Makikipag coordinate din ako sa mga ibang scientists dito for further updates."

"Pagkatapos namin dito ni Raphael, derecho agad kami sa Alaska para puntahan ka."

Umikot uli ako sa ciudad habang hawak ang Lumine Sword. Ginamit ko ang aking Vasi para itago ang presence ko sa kahit anong demons at Shadow Spirits. Nakapagtataka na wala akong maramdaman na kahit anong kakaibang presensya, except sa Karan essence na nasa loob mismo ng black clouds.

"Jade Cardwell, nararamdaman ko na sila," sabi ni Aesther na biglang nag-materialize sa tabi ko.

"Sila? Sino pong sila?"

"Be careful, their power is too immense."

"Aesther, sino ang tinutukoy mo?" naguguluhan kong tanong habang tumatalon mula sa isang building patungo sa isa pa gamit ang aking superhuman speed. Si Aesther naman ay sumusunod sa akin na parang isang ghost apparition.

"The Shadow Spirits. They are here," sabi ni Aesther na biglang tumingin sa mga maitim na ulap.

Bigla akong napatigil sa sinabi ni Aesther. Lungkot ang nasa mata niya habang nakatingin sa langit.

"Aesther, ilang Shadow Spirits ang tinutukoy mo?"

"I am not certain about their numbers. All I can feel is that the Shadow Spirit here are tremendously powerful. I am guessing Alarcus and the Prime Guardian."

"P-prime G-guardian? Bakit hindi ko sila naramdaman?"

"They are also masking their presence just like you. They are too overwhelming for you to detect them. Be careful. They must not know that you are here."

Tulad ng sabi Aesther, nag doble ingat ako at itinago ng mabuti ang presence ko gamit ang aking Vasi. Pumunta ako sa isang local airport kung saan naroon ang sentro ng bagyo or ang eye of the storm. Ang sabi ni Eleazar, dito maraming demon possessions, pero wala ng airport personnels or customers dito. Mukhang nakalikas na sila kahapon pa. Ang airstrip naman ay puno ng mist at malabong may eroplano na mag-land sa lugar na ito. Pumasok ako sa loob ng isang empty office room para tawagan uli si Eleazar.

"Aesther can detect a Shadow Spirit here in the area. Simula nang pumasok kami dito sa airport, biglang nagliwanag ang Lumine Sword. Sabi ni Aesther, nagtatago din sila tulad ko," sabi ko kay Eleazar sa phone.

"Successful ang relocation dito sa Japan. Walang kahit anong signs ng Shadow Spirit. Wala na rin demon-possessed humans dito. Everything is under control. Mas mabuting lisanin mo muna ang airport area. Papunta na kami ni Raphael diyan."

"Pwede ko po ba makausap si Raphael?"

"Sure, hang on."

Hindi ko alam kung ito na ang huling araw ko sa mundo. Hindi ko sinabi kay Eleazar na higit sa isa ang Shadow Spirit na naramdaman ni Aesther. Hindi ko rin binanggit sa kanya na ang mismong Prime Guardian ay nandito sa Barrow, Alaska.

"Hey, love," sabi ni Raphael sa phone na biglang nagpakaba sa puso.

"Raphael, I hope hindi ka galit sa akin. I am sorry if I pushed you away. Eleazar can protect you better than me," mahinang sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang pag-iyak.

"Okay ka lang ba?"

"Natatakot ako, pero strong naman ako 'di ba? Nakaharap ko na si Alarcus noon. I think may chance ako kung magkakaharap ulit kami," sabi ko sa kanya pero duda ako na malalampasan ko ang pagtatagpo namin ni Alarcus.

"Of course, love. You are the strongest woman that I know. Listen, I want you to be careful and promise me one thing."

"Ano 'yon?"

"Stay alive. We will be there in no time. Just hang on."

"I will, Raphael. Take care of yourself too. Call me once you landed here in Barrow."

"Jade Cardwell, may ipagtatapat ako sa'yo kapag nagkita tayo muli."

"Ano 'yon? Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?"

"Surprise ko 'yon sa'yo. Pupuntahan kita. Hahanapin kita. Basta hintayin mo lang ako."

"I will wait for you. And Raphael..."

"Hmmmm?"

"I love you."

I disconnected the line before Raphael can respond. Mas mabuting ang mga salitang ito ang huling marinig niya sa akin kung mawawala man ako sa mundong ibabaw.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon