CHAPTER 64 - TWISTED

1.4K 74 2
                                    

Raphael Lancaster


HINDI maitago ni Jade ang mga namumuo na luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung dahil sa alaala ng namayapa niyang magulang o dahil naaalala niya kung paano ko dinurog ang puso niya.

"So ikaw Raphael Lancaster ang sinasabi nilang Vessel ng Immortal Blood?" tanong ni Jade sa akin.

"At ikaw, Jade Cardwell ang ika-apat na Protector."

"Pwede ba ko tumanggi na maging Protector mo? I mean, mukhang ako pa ang magiging pabigat sa'yo. Hindi yata kita kayang protektahan."

"You'll be fine. Alam naman namin na nagtraining ka ng martial arts during your college days. Come on, I will show you something."

Hindi ko na hinintay sumagot si Jade at kinuha ko ang kamay niya paakyat sa second floor ng bahay namin patungo sa aking kwarto. She looks hesitant, but she has no choice but to follow me. Pagbukas ko ng pinto, she immediately froze as if my room is one of the most forbidden places on earth.

"Jade Cardwell, I am not a vampire. Walang coffin sa loob ng kwarto ko. Why do you look so scared? Get inside," sabi ko sa kanya habang hinihila ang kamay niya papasok dito.

"Bakit ba tayo nandito, Raphael?"

"You know why we are here," sabi ko sa kanya sabay sarado ng pinto.

In a swift move, I pulled her waist closer to mine and I wrapped my arms around her. She looks petrified as I cupped her face and kissed her.

"I don't know why the hell I am doing this to you, but all I want right is remove the fucking sadness in your face," I whispered to her without releasing her lips.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Gusto mo ba talaga na nahihirapan ako?" mahinang tanong niya habang tumutulo ang kanyang luha.

"Ayoko na makita kang umiiyak," I said while cupping her face and removing her tears using my thumb.

"If you don't want to see me crying, then leave me alone, Raphael. Stay out of my life!"

"Don't ask me to leave you, love. I can't do that."

"Raphael, nagawa mo na noon, pwede mo uli gawin ngayon."

"It is different now, love. I am here to stay. I won't leave you and you can't leave me. It is your destiny to protect me."

"But it is not my destiny to make you happy."

"You already made me happy," sabi ko kay Jade sabay yakap sa kanya.

Alam ko na kanina pa niya gustong umiyak. I want to be alone with her so she can release her tears. For minutes, she kept crying and I just hugged her to soothe her pain. Isa ako sa dahilan ng pag-iyak ni Jade at alam ko na hindi ito ang huling pag-iyak niya.

Our twisted fate will hurt her more.

"From now on, I want you to tell me if you are hurting. Let me know what you truly feel. That is an order," sabi ko sa kanya pagkatapos ng kanyang pag-iyak.

"Raphael Lancaster, you are the Vessel of the Immortal Blood. Hindi ka isang hari para bigyan ako ng utos," sagot niya sa akin, but this time, she is smiling while wiping her tears.

"I was an ass and I know that, Jade Cardwell. I know that I hurt you, but this time, it will be different. I will not hurt you anymore. I will not allow anyone or anything to hurt you."

"Raphael, ako ang Protector mo. I should be keeping you away from harm. It is not the other way around."

"You can protect me using your alluring body and your tender kisses," biro ko sa kanya at isang matalim na irap lang ang sinagot niya sa akin,

"Not funny, Raphael. Huwag mo ko gamitan ng pang-aakit mo!" inis na sagot niya sa akin.

"Huwag ka na magalit. Bati na tayo, Jade Cardwell."


Lumabas kami ng kwarto ni Jade at dinala ko siya sa second floor veranda. Though katatapos niya lang umiyak, she looks relieved. Siguro this is the first time we had a talk about our break-up.

I want to tell her more details about the killer ghost, pero kilala ko si Jade. Mapupuyat lang siya sa takot. I can't let her know that the ghost that looks like Asharah or Sapphire had been following her since our high school days, pero hindi ko na din kaya magtago sa kanya. I want to be honest with her moving forward.

Binigyan ko si Jade ng buod kung paano ko una nakita ang killer ghost. Hinawakan ko ang kamay niya habang ako ay nagsasalaysay dahil alam ko na duwag ang babaeng ito.



Una ko napansin ang nasabing multo noong nasa senior year na kami ni Jade. Madalas ko na ito na makita na nakatingin sa direksyon namin, pero hindi kami ginagambala. Kapansin pansin na kamukhang kamukha niya si Sapphire, pero makaluma ang kanyang kasuotan.

Isang araw habang nasa parking lot kami ni Jade ay biglang lumapit ito kay Jade. Hinawakan niya ang balikat ni Jade, pero bigla itong naglaho bago ko pa ito napigilan.

Kinabukasan, lumapit na naman sa amin ang multo habang kami ay nasa loob ng cafeteria ni Jade. Ang mga estudyante ay mukhang hindi napapansin na papalapit ito sa amin. Mukhang hindi din ako nakikita nito dahil si Jade lang ang sentro ng kanyang atensyon.

Tulad ng nangyari kahapon, hinawakan ng multo ang balikat ni Jade bago ito tuluyang maglaho. This time, Jade flinched when the ghostly being tried to touch her. Mukhang naramdaman niya ang presensiya nito.

"Hey, love. Are you okay? What happened?" tanong ko sa kanya.

"Raphael, parang may humawak sa balikat ko, pero wala naman tao dito sa likod ko."

"Guni guni mo lang 'yon."

"Para kasing pakiramdam ko may nakatingin sa akin. It feels so weird."

"Walang magkakamali na tumingin sa'yo, ako lang."

"Dahil panget ako?"

"You're beautiful, Jade Cardwell. You are the most beautiful woman in my eyes."

"Bolero ka sa girlfriend mo, Lancaster. Huwag ako, hindi ako nadadala ng matamis na dila mo," she answered while blushing.

Sa loob ng ilang araw, paulit ulit na lumalapit ang multo kay Jade. Alam ko na nararamdaman niya ito kaya ako mismo ang gumagawa ng paraan para hindi niya mapansin ang kakaibang nilalang na lumalapit sa kanya.

Hindi na nagustuhan ni Eleazar ang mga pangyayari kaya niyaya ko si Jade sa isang European tour. This is to test the capacity of this ghost. Surprisingly, the specter can still follow us everywhere. However, the ghost was unable to enter the city of Saint Malo in France.

Eleazar had a theory that I am the one who is putting Jade in peril as the ghost reckons that I am Ishmael.

Ilang araw akong hindi nagpakita kay Jade sa school, pero pinagmamasdan ko siya sa malayo. Mukhang tama si Eleazar dahil hindi lumalapit sa kanya ang multo kapag wala ako.

Gusto ko na sanang lumayo ng tuluyan kay Jade para protektahan siya, pero isang pangitain ang nagpabago ng lahat. Pangitain kung saan pinagtatangkaan ng multo na patayin si Jade sa loob ng bahay nila. Ganito din ang pangitain noon ni Ishmael nang pinagtangkaan ni Asharah patayin si Betheena.

Hindi ko na nahintay si Eleazar at nagmadali akong pumunta sa bahay nila Jade. Doon ko natagpuan ang multo na kamukha ni Sapphire at hawak niya si Jade sa leeg. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaroon ng physical manifestation sa mundong ito, pero ang tanging alam ko ay gusto niyang paslangin si Jade.

Pagkatapos ng mga nangyari, napagdesisyunan namin ni Eleazar na lumayo sa Fordbridge at pumunta sa Cape Town, South Africa.

Gusto ko magpaalam kay Jade noon, pero natatakot ako na hindi ko siya kayang iwan kapag kinausap ko siyang muli.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon