CHAPTER 36 - BOSS

2K 91 0
                                    

Jade Cardwell


DAYS passed and I felt that my world is getting smaller. Hindi naman ako kinakausap or nilalapitan ni Raphael, which is favorable on my part. Dapat ay hindi na ako affected sa kanya, pero para akong isang teenage girl na nagnanakaw ng tingin sa kanya tuwing may pagkakataon.

Sa bawat sulyap ko sa kanya, parang tumatalon ang puso ko tuwing nakikita ko na ngumingiti siya. Kapag nasa malapit lang si Raphael, para akong nanghihina at nawawalan ng lakas.

I must admit, his kisses and his touch are still vividly embedded in my mind. I miss him so much, but I tried to avoid him as much as I could.

"Jade, you are being summoned by our king," sabi ni Sam habang nag-aalmusal ako sa loob ng opisina.

"W-what?" I snapped at her.

Ever since maging department head namin si Raphael, para akong naging volatile as if sasabog ako anytime. Hindi ako masyado makapag focus sa trabaho lalo na tuwing nakikita ko or naririnig ko siya.

"His Majesty saw me awhile ago. Pinapapunta ka daw niya sa opisina niya," mapang-asar na sabi ni Sam.

Teka, bakit niya ko ipapatawag? May ginawa ba akong mali?

"As in now na?" nauutal ko na tanong sa kanya.

Tumawa lang si Sam dahil obvious ang pagka kaba ko sa mga oras na ito. Siguro obvious pa rin sa kanya na hindi pa rin ako nakaka get over kay Raphael.

Mabilis akong lumabas ng opisina namin at naglakad sa corridor. Ang office kasi ni Raphael ay nasa dulo ng hallway. Kung mag-uusap kami, I want this to be as formal and civil as much as possible.

My heart is already beating fast the moment I approached his open door. I knocked on the door and the man with a black rimmed eyeglasses motioned his hand for me to enter.

"Take a seat," utos niya sa akin.

He looks almost perfect with his glasses!

Kahit medyo mayabang ang dating niya sa akin, I cannot change the fact that he still looks extremely stunning with his shoulder-length jet black hair that complements his fair skin. Parang hindi nga siya tumanda. Ang tanging nagbago lang ay ang kanyang buhok at ang kanyang body built. Mukhang maraming gym sa Cape Town at naging hobby niya ang bumisita dito.

Kahit nakaupo si Raphael, sadyang matangkad talaga siya. Sa loob ng ilang minuto, pinag-aralan ko mabuti ang features ng lalaking pinapangarap ko makita sa loob ng ilang taon.

The same man who caught my heart and broke it into pieces.

Sigurado ako na ang lalaking naka-hoodie noon at ang lalaking naka mask sa birthday ni Ethan ay si Raphael Lancaster.

Nang mag-angat siya ng paningin, napansin agad niya na nakatingin ako sa kanya. I almost gasped in embarrassment when he plastered his well practiced smile that can easily make any girl kiss his feet.


Sigurado ako na gusto ko na siya yakapin sa mga oras na ito. I miss him so much, but then I realize that we are no longer together. Magmumukha lang akong pathetic girl na humahabol sa kanya kung yayakapin ko siya.

I am grown up now and stronger. I am not the girl he used to know.

"Mr. Lancaster, may problema ba sa computer mo?" formal kong tanong sa kanya.

"You changed your hair. I like it," he said while intently looking at me as if I am a puzzle he wants to solve.

"May maitutulong ba ko sa'yo? Marami kasi kong pending na trabaho. Kung wala, aalis na ko."


I thank God as I did not end up stammering this time.


For a few agonizing seconds, nakatitig lang sa akin si Raphael. Binasag lang niya ang staring contest namin nang may binigay siya na isang teal-coloured velvet box with silver ribbon na may naka-print na Tiffany&Co.

Ayoko sana kunin ang box na nasa harapan ko, but my curiosity prevails. Inside the box is a white gold bracelet with small diamonds crafted on the dog charms.

"Happy birthday, love," sabi ni Raphael gamit ang kanyang seductive smile.

Tinawag na naman niya akong "love" at hindi maiwasan ng puso ko ang umasa muli sa kanya.

Nawala sa isip ko na birthday ko nga pala ngayon. Sigurado ako na may plano si Samantha at si Shad para sa birthday celebration ko.

Teka, bakit niya ko bibigyan ng extravagant birthday gift? He did not bother to contact me for more than five years. Akala ba niya ay mabubura ng mamahalin na regalo ang lahat ng ginawa niya sa akin?

"Thank you, Mr. Lancaster, pero hindi ko matatanggap ito. This is too much and this bracelet probably cost a fortune," nakangiti ko na sagot sa kanya sabay balik sa kanya ng box.

"I am not asking you to take it, it is already yours," he said in cold

Kinuha niya ang kamay ko at binuksan ang velvet box para pwersahan na isuot sa akin ang bracelet. Parang tumalon ata ang puso ko nang muling magdikit ang aming kamay. I can't even breathe by the mere touch of his hand.

How can this person made me react this way again? It has been five years. And still, he has the same effect on me.

"Wear this and don't be stubborn," sabi niya pagkatapos niya ikabit ang bracelet sa wrist ko.

"Salamat, Mr. Lancaster. Meron pa ba ko maitutulong sa'yo?"

Hindi siya sumagot, pero nanatiling nakatitig pa rin sa akin. Bigla akong tumayo sa pagkakaupo dahil hindi ko na ata kayang tagalan pa ang mga titig ni Raphael.

Mas mabuting lumayo na ako sa kanya dahil ayoko na ng ganitong laro.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon