Jade Cardwell
PAGKATAPOS namin manood ng movie ni Ethan ay tumuloy kami sa isang burger restaurant. Naging malapit na kaibigan ko na si Ethan at naging open na ako sa kanya ng lahat ng bagay, except sa hindi ko pagka move-on sa lalaking nag ngangalan na Raphael Lancaster.
"Jade, salamat at pumayag ka na makipag-date sa akin ngayon," sabi sa akin ni Ethan using his serious voice.
"Birthday mo bukas, ayoko naman na umiyak ka. Big boys don't cry," biro ko sa kanya dahil ayokong maging awkward kami pagkatapos ng aming kiss sa sinehan.
"Hey, baby, make sure to attend my party tomorrow."
Before I can answer, my eyes were suddenly shifted to the man standing across the street. I can feel that he is dangerously staring at us. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil nakasuot siya ng isang itim na hoodie, pero pansin ko ang shoulder-length hair niya.
"Ethan, kilala mo ba ang lalaking 'yon?" tanong ko kay Ethan sabay turo sa lalaking nasa kabilang daan.
Tumingin si Ethan sa labas ng restaurant at napansin ko na ang lalaking may hoodie ay biglang tumalikod at naglakad palayo sa restaurant. Nagulat na lang ako nang biglang lumingon ng bahagya ang lalaki at tumingin sa akin. My eyes widened when I saw a glimpse of the man's face that looked exactly like Raphael.
"Baby, may problema ba? Wala naman lalaki sa labas ah?" naguguluhan na tanong ni Ethan.
"Ethan, hindi mo ba nakita ang lalaking naka black hoodie? Nakatayo siya kanina dyan sa tapat natin sa kabilang kalsada."
"Is this a prank? Are you scaring me? No one is there, baby," Ethan said in a serious tone.
I looked at the man's direction as he walks away from us. I can see Ethan trying to look at the same direction, but he can't seem to see the invisible hooded man. Mukhang ako lang ang nakakakita ng lalaking ito.
Nababaliw na ba ako at na-iimagine ko na naman si Raphael?
"Mukhang inaantok na ata ako sa dami ng kinain ko at kung ano ano na ang nakikita ko," nakangiti ko na sabi kay Ethan para baguhin ang topic.
"Make sure to attend my party tomorrow. It is a birthday party slash pre graduation party. Masquerade is the theme, make sure to wear any comfortable clothes and a mask."
"Present ako bukas, birthday boy. Alam ko naman na ako ang makaka complete ng gabi mo."
"At least, alam mo."
Sabay lang kami tumawa ni Ethan dahil sa sinabi niya. Kung wala na si Raphael sa puso ko, si Ethan ang mamahalin ko. Pero eto ako na parang isang tanga na umiibig pa rin sa lalaking iniwan ako sa ere, sa isang lalaki na kinalimutan ako agad, sa isang lalaki na binasura lang ako pagkatapos ng pinagsamahan namin.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...