Jade Cardwell
KUNG hindi pag-aari ni Raphael ang puso ko, mahuhumaling ako sa Prime Guardian na nasa harapan ko. Amadeus is tall and masculine. Tulad ng mga ibang Shadow Spirits, maamo ang kanyang mukha. He looks dangerous as if he can kill me using his majestic blue eyes, and yet the same cold eyes are full of sorrow.
"Or maybe, I am the destined Shadow Spirit that will kill the Fourth Protector," nakangiti na sabi ni Amadeus sa akin.
"Wait lang ha? May agreement tayo, 'di ba? Sabi mo hindi mo ko papatayin ah?"
"For now," sagot niya sabay halakhak.
Pinagmasdan ko si Amadeus at mukhang masaya siya sa bantang pagpatay sa akin. Tingin ko, wala naman siyang balak na patayin ako. Mukhang pinagtitripan lang niya ako sa huling sinabi niya.
"Aside from you, we have two more guests in this ship. Sumama ka sa akin. Ipapakilala kita sa kanila."
Tulad ng madalas na ginagawa ni Raphael, hindi na hinintay ni Amadeus ang sagot ko at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng kwarto niya papunta sa isa pang kwarto. Pagbukas ng pinto ni Amadeus, napansin ko agad ang dalawang nilalang na nakahiga sa malaking kama.
"Is that---"
"Ayokong malungkot ka kaya dinala ko sila dito."
"Paano ka nakapasok sa Lancaster mansion? The house itself is protected by Vasi."
"I asked a human fellow to kidnap your dogs. Should I say dognap instead?" biro niya sa akin.
Naramdaman ni Peanut at ni Butter ang presensya ko at bigla itong bumangon sa kama. Nagmamadali silang lumapit sa akin para salubungin ako. Gusto ko umiyak sa saya habang hinahaplos ang Chocolate Labrador Retriever at ang Golden Retriever ko. Kung mamamalagi ako dito ng isang taon, mababawasan ang lungkot ko dahil kasama ko ang mga aso ko.
"Amadeus, you mentioned that the other Protectors will presume that I am dead. May ninong at uncle ako na mag-aalala sa akin. They will be devastated with my death."
"I already made an arrangement in regard to that matter. Alvienna will handle Angelo Cardwell. Ahaziah will be in charge of George Atkins. I am quite certain that the Protectors will not tell your relatives about your death."
"May balak ka ba talagang pakawalan ako?"
"You are free to go after a year. Kung gusto mo na ihatid pa kita sa Fordbrige kasama ang mga aso mo, gagawin ko. Ang tanong ko lang, may balak ka bang lisanin ang lugar na ito pagkatapos ng isang taon?"
Isang taon. Iyan ang agreement namin ni Amadeus. Hindi ko pa din alam kung bakit kailangan ko mamalagi dito, pero sa ipinapakita niya sa akin, tingin ko ay may mabigat na rason kung bakit ako nandito. Gusto ko din malaman kung sino ba talaga ng killer ghost at sino ba talaga ang pumatay sa mga magulang ko. Malalaman ko lang ang kasagutan sa mga tanong ko kung mananatili ako dito.
"Bakit gusto mo na isipin ng mga Protectors na patay na ako? Pwede naman nila isipin na kinuha mo ko at pinapahirapan sa isang torture chamber?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa din ang mga aso.
"Because it will hurt them more if you will not return to them."
"One year lang ang agreement natin."
"And I don't think you will leave me after a year."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Amadeus. Confident din masyado ang Shadow Spirit na ito tulad ni Raphael.
Naalala ko na naman ang Vessel ng Immortal Blood. Sigurado ako na malulungkot siya sa pagkawala ko. Maraming ng pinagdaanan na sakit si Raphael noon at alam ko na masasaktan siya kapag nalaman niya na patay na ako.
Sana mahintay niya ako sa loob ng isang taon.
Niyaya ako ni Amadeus palabas ng kwarto. Nagpunta kami sa sublevel ng kanyang barko kung saan naroon ang mga testing facilities. Pumasok kami sa isang laboratory room kung saan may apat na dambuhalang cylindrical glass tubes. Kumahol ang dalawang aso habang na nakaharap sa empty cylinders na parang may nakikita sila dito.
"Dito mo ba nilalagay ang mga nadi-discover mo na alien species?" tanong ko sa kanya dahil ang mga cylinders ay connected sa mga tubes sa ceiling.
"You can't see it?" tanong ni Amadeus sa akin.
"Isa kang Prime Guardian. Alam mo na siguro na isa akong dakilang duwag. Baka pwedeng huwag mo na ko takutin. Wala akong nakikita sa loob!"
"Your dogs can feel it."
"Ano bang sinasabi mo? Wala nga akong nakikita---"
Amadeus suddenly touched my forehead using his index finger. Naramdaman ko bigla ang flow ng Vasi sa buo kong katawan. Pagtingin ko sa mga glass cylinders, may laman itong mga itim na usok.
It is moving as if it has a life on its own.
"Amadeus, ano 'yan?"
"My scientists were able to harness the Karan power from the four black storms all over the world."
"Are you telling me na hindi ikaw o hindi ang mga Shadow Spirit ang may gawa ng abnormal storms?"
"I am not as powerful as you think. I am deprived of the essence of Karan."
"I am not following, Amadeus. Ikaw ay isang Prime Guardian. Isa kang Shadow Spirit na nabuhay noong unang panahon. Kahit ang ibang Shadow Spirit ay takot sa'yo."
"Let me put it this way. Imagine me as a carnivorous creature, a lion perhaps. But for over a millenia, I have only been eating vegetables for my diet. This type of drastic change in my diet made me weak. I may have limited powers now, but it does not mean that I can't eat meat if I want to, if I want my powers back."
Hindi ko maintindihan si Amadeus, pero kung tama ang hinala ko, he is not using the Karan essence for him to be powerful. Pero maari niya itong gamitin kung gugustuhin niya.
"Are you trying to repent for your sins? Tulad ng mga Shadow Spirits na naging Divine Spirits?"
"If I will do that, I will be trapped inside my Lumine Sword for the rest of my existence. Hindi ko magagawa ang mga bagay na gusto ko gawin."
"Tulad ng ano?"
"Tulad nito."
Amadeus swiftly cupped my face and kissed my lips. It is a light and tender kiss that is meant to calm me. For seconds, I felt his soft lips touching mine. Naitulak ko lang ng bahagya si Amadeus nang maalala ko si Raphael. Nag-aalala na siguro siya sa mga oras na ito.
"Loving someone who is not meant for you from the beginning is a dangerous game. Are you willing to gamble?" tanong ni Amadeus.
Hindi na ako magtataka kung alam niya na mahal ko si Raphael. I wonder if he will perceive me as a slut for falling in love with the Vessel of the Immortal Blood.
Naputol lang ang katahimikan sa pagitan namin nang biglang kumulo ang tiyan ko. Kaninang umaga pa ako nag almusal at medyo gutom na rin ako.
"I prepared a feast for you. After your fight with Alarcus, you must be hungry by now."
Lumabas si Amadeus sa laboratory at sinundan namin siya ng mga aso. Kung hindi ang mga Shadow Spirits ang may pakana ng black storms, it means that someone else or something else is after the Immortal Blood.
Someone or something more powerful than these ancient beings.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...