Ang lupain ng Sorceria ay tunay na ngang nabalot ng kapayapaan at katahimikan sa sandaling pagwawakas ng digmaan. Ang pakikipag-kalakalan ng mga pangkaraniwang sorcerer ay muling nabuhay, kasabay ng hindi na mapantayang pag-unlad ng kahariang puti. Ano at tunay na nga ang paghahari ng kapayapaan at pagkakaisa sa minamahal nilang lupain, lingid sa pagwawakas ng kasamaan at kabaluktutan sa Sorceria.
Ang palasyo ng mga puting sorcerer ay nagmistulang mga alitaptap sa puno kung gabi dahil sa kinang, at mala kuliglig naman sa ingay kung umaga. Tila ba ito ay naging sentro na ng pag-unlad sa buong Sorceria. Ang nalupig namang palasyo ng mga itim na sorcerer ay naging tila ba sadlakan na ng katahimikan, at doon ay nabaon na ang mapait na nakaraan ng digmaan.
Kasalanan din naman ng mga itim na sorcerer kung papaano humiwalay ang mabait na tadhana sa kanila, nang dahil sa pagiging ganid nila ay tuluyan nang nagwakas ang kabanata nila bilang isa sana sa pinaka maunlad na lahi sa lupain. Hinangad nilang angkinin ang kapangyarihan na dapat ay para sa lahat, at sa makatuwid ay hindi ito sinang-ayunan ng lahat na nagpa-udyok sa nagdaang digmaan.
Samantala, ang kambal naman na anak ng namayapang si Portia ay napadpad sa mundo ng mga tao. Isang mataong daigdig at puno ng mga kakatwang teknolohiya, kabilang na ang mga umaandar na bagay na tinatawag nilang kotse. Marami ring gusaling matatanaw roon sa Maynila na wala sa Sorceria, sa katunayan nga ay mga kaharian lamang ang tanging gusaling matatanaw sa malawak nilang lupain.
Inilayo ng itim na salamangka ni Portia ang kaniyang mga anak mula sa kapahamakan sa kamay ng mga tumutugis na puting sorcerer, dahilan upang sila ay dalhin nito palabas ng lagusan para mariing dalhin sa kabilang mundo ng mga tao. Nilalamig at tanging lampin lamang ang dala sa paglisan, bahala na kung anong tadhana ang kahinatnan nila sa bagong mundo.
Batid na ni Portia ang kahihinatnan ng nagdaang digmaan. Wala nang ititirang buhay ang mga puting sorcerer, kaya ginawa na nito ang sa tingin niya ay nararapat na gawin. Inilayo na nito ang kaniyang mga anak sa kapahamakan, kahit na sarili nitong buhay ang magiging kapalit. Ngayon, sila na lamang dalawa ang mga nalalabing itim na sorcerer sa kasalukuyan.
Tila mabait din naman ang tadhana nila sa mundo ng mga tao, sila kasi ay natagpuan ng isang mag-asawa sa bingit ng mga basura sa kalye ng masulasok na daanan. Napulot sila nina Erlinda at Gil Santillan, kung saan ay itinuring sila ng dalawa bilang mga natatanging biyaya. Hindi kasi maaaring magka-anak si Erlinda dahil sa isang diprensya. Sa wakas ay may maituturing na sila na kanila ngayon.
"Arthana? Alunsina? Ito ang kanilang ngalan?" Pagtatakang basa ni Erlinda, habang matalas itong nakatitig sa kambal na bitbit ng kaniyang kabiyak ngayon.
"Iyon na nga marahil ang pangalan nila," tugon ni Gil sa kaniyang kabiyak. "Mukha namang may kaya ang magulang ng kambal. Sino kaya ang nagtapon sa kanila rito? Malamig pa naman ang paligid ngayon. Wala ring bituin sa langit ngayon, baka abutan sila ng ulan dito."
"Hindi ko rin alam kung sino ang nag-iwan," mahinang sabi ni Erlinda. "Ibalik na natin sila sa bahay at tama ka nga. Baka mamaya ay umulan pa at ikamatay ito ng mga sanggol."
Ang mga tila pangalan na naka patse at naka-habi sa kanilang kasuotan na rin ang ipinangalan ni Erlinda sa kambal. Sina Arthana at Alunsina, iyan na ang tinawag ng dalawa sa kambal mula noon. Subalit ang mga ngalan na yaon ay masyadong makaluma. Sa katwiran, ay hindi na nga nila ito naririnig na ipinapangalan sa isang sanggol ngayon.
Naging dahilan ito upang ipilit ni Gil sa kaniyang kabiyak na palitan ang ngalan nito ng mas bago at nauuso sa panahon ngayon. Halimbawa na lamang ay Faith at Hope, dahil sila ay mga pag-asang biyaya na dumating sa kanila. Subalit ito ay tumanggi lamang sa mungkahi nito, kaya wala na rin siyang nagawa. Isa pa ay ginagalang ng dalawa ang pasya ng nag-iwan sa kambal doon, gayong kung yaon ang nais nitong ipangalan sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
Viễn tưởngIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
