Isang araw na ang lumipas, at mala-aninong lumitaw sina Arthana sa kaniyang kaharian, agad din nitong ipinatawag si Fredo upang humingi ng balita. Laking gulat nito sa mga rebelasyong iniulat sa kaniya, lalo na at hindi niya akalaing may iba pa pala maliban sa kanila ang kayang magtaksil sa sarili niya pang kalahi.
"Kung ganon ay mas mainam yaon," wika ni Arthana.
"At bakit?" Pagtataka ni Fredo.
"Nasa antas tayo ng tigil-digmaan... at may iba silang atensyon... makakapaghanda ang ating puwersa habang pinagkaka-abalahan nila ang taksil na vigilante,"
"Makatwiran," sabi ni Fredo. "Subalit sino ang isang ito?"
Napalingon ito sa kasama ni Arthana, at nagtaka. Bagong mukha itong kaniyang kasama, at tila wala pang kasanayan sa pamumuhay rito sa Sorceria.
Biglang nakaramdam ng takot at kaba si Brianna sa pagmumukha ni Fredo; mula sa balbas nitong mala-noodle ang hitsura, hanggang sa payat na pangangatawan, at sa itim nitong balabal na kasuotan ay sadya ngang nakakatakot siya kung tutuusin.
"Siya si Brianna," ika nito. "Ang sinasabi kong mag-aahon sa ating kaharian... kaya mas mainam nang nagtaksil si Sweetie Pop para hindi mabaling sa atin ang kanilang atensyon habang pinaghahandaan natin ang pakikidigma sa kanila sa ating muling paglusob."
"Teka," pagputol ni Brianna. "Digmaan? Paglusob? Hindi ko kayo maunawaan."
Hindi kasi kagaya sa mundong kinalakihan ni Brianna, ay maraming kaganapan dito sa Sorceria na kakaiba kaysa sa daigdig ng mga mortal. Digmaan, pakikipaglaban. Kapag sinabing labanan ay kasama rin dito ang agawan ng kapangyarihan; katulad nang sa Reluvious. Digmaan. Mga patayan, na dahil sa digmaang walang katapusan. Digmaan. Mayroon ding kalakalan parang sa mundo ng mga mortal. Digmaan, at digmaan ulit.
"May mga bagay na mahirap unawain... aking sinta... subalit kailangang mangyari lalo na at binabawi lamang natin ang ipinagkait sa'ting kapangyarihan," paliwanag muli ni Arthana.
"Kaya mapapatunayan mong tapat ka nga sa mga itim na sorcerer... at ikaw nga ang itinakda... kapag sasali ka sa digmaang ito," dagdag pa ni Fredo.
Biglang nakaramdam ng kaba si Brianna. Kahit na sanay ito sa mga away, ay hindi pa ito nakararanas ng aktuwal na digmaan. Subalit sa kabilang banda, ay magagamit nito ang mga itim na sorcerer upang makalamang sa kaniyang kakambal.
Digmaan pa lamang na kaniyang nasasaksihan sa mga telebisyon at balita ay sadyang nakakakaba na, papaano pa kaya ang digmaan na kaniyang tunay na mararanasan?
"Hindi ba't may kapangyarihan din ako?" Tanong nito sa kanila. "Kung ganon ay maaari kong gawarang maging akin ang puso ng isang lalaki kung aking nanaisin?"
"Mangyayari 'yan... subalit hindi pa sa ngayon lalo na at hindi ka pa bihasa sa paghawak ng kapangyarihan," sagot ni Arthana sa kaniyang katanungan. "Kailangan mo munang sanayin ang kapangyarihan mo upang magawa iyan, at digmaan ang magiging pinaka mabilis mong pagsasanay. Kapag ikaw ay nakapatay na ng maraming puting sorcerer."
"Kung ganon... ay humanda ka Hadley pagkat sa bandang huli... ay mapapasaakin pa rin si Maxim," mahina nitong sabi.
"Sa ngayon... ay ihahatid ka muna ng mga bantay natin sa iyong magiging silid dito sa palasyo,"
Lumapit ang mga bantay sa paligid, at kanilang inihatid ang panauhin sa kaniyang silid. Tanging sina Arthana at Fredo na lamang ang naiwanan sa pook na yaon ng palasyo.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasiaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
