Hangganan ng Kapangyarihan

253 7 1
                                    

Nakarating na sina Hadley sa trono ng mga puting sorcerer, kung saan ay natagpuan nila roon sina Cielo na abala sa pagpupulong patungkol sa krisis na kinahaharap ng kanilang kaharian ngayon. Agad namang naantala ang nasabing pagpupulong sa kanilang pagdating, lalo na at kakatwang kasama na nito si Brianna.

"Nagising ka na pala? Kailan pa?" Gulat na sabi ni Cielo, habang mabagal itong tumatayo mula sa pagkakaupo sa trono ng palasyo.

"Kanina lamang," sagot ni Brianna. "Sa tulong ng mahal na Locasta."

"Kaya maaari na nating buweltahan ang mga kalaban ngayon na kumpleto na ang mga itinakda," suhestiyon ni Ysa. "Nangangahulugan itong malapit nang maging isa ang itim at puting kapangyarihan."

"Manahimik ka!" Paghadlang sa kaniya ni Cielo. "Hindi natin ilalagay sa peligro ang buhay ng mga itinakda lalo na at lumalapit na ang ating panahon sa isa nanamang digmaan."

"Digmaan na mahihirapan tayong ipanalo— kulang ang ating pwersa," pangamba ni Dominick, habang nakatitig sa mga kasapi ng konseho.

"Nariyan ang mga itinakda, maaari natin silang asahan!" Sabi ni Ysa, habang nakatitig naman sa kanila.

"Hindi natin palaging maaaring asahan ang mga itinakda. Kailangan din nating tumayo sa sarili nating mga paa. Kaya magtungo ka Dominick sa Cerulean at Cadet upang himukin silang makiisa sa'tin kung sakali mang may maganap ngang digmaan," utos ni Cielo. "Mas maigi nang maging handa tayo sa mga paparating pang pag-atake ni Arthana laban sa ating lahat."

"Ngayon din ay patutungo ako sa lupain ng dalawang mandarayo," tugon ni Dominick, habang sinesenyasan nito ang kaniyang hukbo sa paglalakbay.

"Sasama kami," pagkukusa ni Hadley. "Tutulong kami ni Brianna na himukin sila."

"Hindi na. Ikaw na lamang ang sumama," sagot ni Brianna. "Mas mahihimok mo sila higit sa akin."

"Bakit naman? Ito na panahon natin na makalamang sa mga itim na sorcerer na nagtaksil sa'yo," panghihimok ni Hadley, kasabay ng paghawak nito sa kamay ng kaniyang kakambal.

"Sa tingin ko ay mas kakailanganin ako rito sa palasyo," sagot ni Brianna. "Kung sakali mang lumusob sina Arthana rito ay magiging dagdag ang kapangyarihan ko sa pananggalang."

"O' siya, sige. Ako na lamang ang sasama," 

"Mag-iingat ka,"

"Pangako,"

Umalis na ito kasama ang kaniyang pinunong hukbo, upang gampanan ang mga ipinag-uutos sa kanila ni Cielo. Kailangan na rin kasi nilang magmadali, lalo na at walang inaaksayang panahon ang mga itim na sorcerer upang pabagsakin sila at paluhurin ang iba pa sa Sorceria.

"Brianna, bakit hindi mo sinamahan ang iyong kakambal?" Pagtataka ni Ysa, habang tinitignan nito ang kaniyang saglip.

"Dahil may eksperimento akong gagawin na baka makatulong sa digmaan," 

"Anong eksperimento ang iyong gagawin?" 

"Itim na mahika pa rin ang taglay ko kahit na humiwalay na ako sa kanilang pangkat, at isa sa katangian ng itim na salamangka ang bumuhay ng patay. Nais ko sanang subukan kung kakayanin na ng kapangyarihan ko iyon dahil malaki ang maitutulong nito 'pag nagkataon," 

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon