Ang Taksil sa Palasyo

289 15 1
                                        

Kinagabihan sa lupain ng Sorceria, ay agad na ipinatawag ni Arthana ang mga itim na sorcerer na lingid sa pagbabantay sa mga bihag; kabilang na si Brianna. Hangad nitong malaman ang bagong kinaroroonan ng kanilang mga bihag. Subalit sa halip na ituro, ay nag-ilingan ang mga ito ng pawang walang nakaaalam sa mga naganap.

"Ano't ganiyan ang mga reaksyon ninyo?" Pagtataka nito. "Brianna, nasaan ang mga bihag natin? Saan mo sila dinala?"

"Ewan," mabilis nitong sinagot. "Hindi ko batid kung nasaan ang mga bihag."

"Anong ewan?!" Tanong muli ni Arthana. "Nilagyan ko ng enkantasyon ang mga kadena roon kaya hindi sila makakatakas kung hindi isa sainyo ang nagpatakas— huwag n'yong sabihin na may nagtataksil sa aking palasyo rito?"

Agad nitong inilabas ang kaniyang saglip, at nagpatama ng malakas ng puwersa ng itim na salamangka sa kisame ng trono. Lumikha ito ng pagsabog, na ikinagulat ng lahat.

Muli itong nagpatama ng isa pang hagupit ng itim na salamangka sa kisame, at lumikha ito ng mahinang pagyanig sa paligid. 

"Kung ganoon— ay walang sasagot sa aking mga katanungan? Na para akong nagsasalita sa hangin?" Inis pang sabi ni Arthana, habang matalas itong nakatitig kay Brianna.

"Mag-imbestiga ang ilang itim na sorcerer sa hukbo kung ganoon," pagsingit ni Fredo. "Upang malaman natin ang tunay na mga kaganapan dito sa loob ng palasyo kanina."

"Hindi!" Pagtutol ni Brianna. "Uhm— ako na lamang— ang— ang— a-ang— uhm— hahalughog sa kanila— upang— daglian kong maparusahan si Hadley kapag nagkita kami."

"Mainam— inaasahan ko ang mabilis mong pagkilos," pang sang-ayon ni Arthana rito. "At tiyakin mong maghihirap ang iyong kakambal sa mga kamay mo."

"Kung gayon ay lilisan na ako upang tuntunin ang mga nakatakas na bihag," pahabol pa ni Brianna, habang bakas ang pangangatog nito.

At umalis na nga ito sa trono, at tanging ang pinuno lamang at ang ilang mga alagad nito ang natira roon. May namuo namang pagdududa kay Arthana ukol sa kaniya, subalit ipinag walang bahala niya na lamang ito. Mas naniniwala itong mananaig pa rin ang galit ni Brianna sa kakambal nito, kaya hindi niya magagawang pakawalan silang dalawa ni Maxim.

"Ano't parang may kakaiba kay Brianna?" Pagtataka ni Fredo. "Kalimitan ay matapang ang asta ng batang ito— pero iba siya ngayon."

"Ang lahat ay maaaring magbago Fredo kung nanaisin nila,"

"Sabi ko nga,"

Lumitaw naman sina Mia sa loob ng trono ng palasyong puti, dala ang malungkot na balitang hindi nila natagpuan si Hadley. Agad itong umupo sa kaniyang trono at napaisip sa kung saan nga ba maaaring itinago ng mga itim na sorcerer ang kanilang bihag.

"Nakatitiyak ba kayo na nasuyod na ninyo ang lahat ng silid at piitan ng palasyo nila?" Pag-uusisa ni Cielo sa kanila. "Maraming pinid na piitan ang palasyong iyan— mukhang malaki ang mismong palasyo subalit mas malawak pa pala ang ilalim— na ang sabi pa ng ilan ay umaabot daw hanggang sa ilalim ng Cadet ang ilalim na bahagi ng palasyong iyan."

"Ginawa na namin ang lahat— subalit nabigo kaming hanapin siya," sagot ni Noah sa pag-uusisa nito. "Hanggang pinaka-kailaliman ay walang Hadley o' kaniyang kasintahan kaming natagpuan."

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon