Kinagabihan, naglalakbay ang pangkat ni Dominick patungo sa lupain ng Cadet upang tignan ang kanilang kalagayan doon. Sila kasi ang bukod-tanging lahi na nakahilera malapit sa pook ng mga kalaban, kaya lubos na nag-aalala sina Mia para sa kanilang seguridad. Ang kanilang paglalakad ay tinatanglawan ng kanilang mga puting salamangka, nang kanilang matanglawan ang pangkat ng mga itim na sorcerer. Malaki-laki ang pangkat na ito, na tila ba sasabak sa isang labanan o' kung anumang kalagiman na maaaring idulot nila para sa mga nananahan sa Sorceria.
"Tama ba ang aking natatanaw roon sa hindi kalayuan? Mga itim na sorcerer?" Paniniguro nito. "Ano naman kaya ang kanilang binabalak?"
"Tila nagbabalak nanaman silang gumawa ng lagim sa Sorceria, pinuno?" Sagot ng isang puting sorcerer.
"Kung ganoon, ay magbalik ka sa palasyo. Iulat mo sa kanila roon ang ating mga nasaksihan dito," utos ni Dominick.
Ibinaba ng mga puting sorcerer ang kanilang saglip upang maglaho ang kanilang mga tanglaw. Paraan na rin nila ito upang hindi mapansin ng mga itim na sorcerer na naroroon sila, lalo na higit na makapangyarihan ang itim na salamangka kapag gabi.
Samantala, sa kabilang panig naman, ay napahinto panandalian si Cissy at napatingin sa bandang kaliwa nito. Pagtapos, ay inutusan nito ang lima sa hukbo nito na halughugin ang parteng yaon ng kagubatan.
"Parang may nakita akong tanglaw roon sa bandang iyon na biglaan na lamang nagsipatayan," ulat nito sa kanila.
Isa-isang inilabas ng mga itim na sorcerer sa kaniyang pangkat ang kani-kanilang saglip, at naghanda kung mga puting sorcerer ang namataan di-umano ng kanilang pinunong hukbo. Agad na sinenyasan ni Cissy ang kaniyang hukbo na pumwesto, upang ihanda ang kanilang mga sarili.
Sa kaharian naman ng mga puting sorcerer, ay naglalakad si Hadley kasama ang kaniyang kasintahan, nang kanilang makita si Noah sa kaparehong pasilyong dinaraanan nila at patungo sa kanilang landas.
"Nakalimutan ko, kailangan pala nating magtungo sa trono!" Sabi nito.
"Ngunit ang akala ko ba ay sa hardin ang ating tungo?" Pagtataka ni Maxim.
"Hindi na," mabilis na tugon ni Hadley.
Mabilis nitong hinila si Maxim patungo sa kaliwang lagusan kung saan naroroon ang trono. Napahinto naman saglit si Noah, at napabuntong-hininga panandalian. Pagtapos din naman, ay naglakad na rin ito at hindi na sila pinansin.
Doon naman sa trono, ay huminto sina Hadley sa bukana at kaagad na umupo sa isang upuan. Wala sina Mia nang sila ay dumating, kaya naman mabilis silang makapasok doon kahit walang pagpupulong.
"Ano ang nangyayari? Bakit tayo nandirito?" Pagtataka ni Maxim.
"Wala pala rito si pinuno, haha! Kung gayon, ay magtungo na tayo sa hardin. Tayo na," sagot ni Hadley.
Napakamot na lamang ng ulo si Maxim, lalo na at hindi nito maintindihan ang ikinikilos ng kaniyang kasintahan ngayon. Ngayon niya lamang din kasi napagtanto ang ganito niyang pagkikilos.
Bumalik naman ang mga itim na sorcerer na inatasan ni Cissy, at wala ang mga itong natagpuan na nilalang. Marahil ay namamalikmata lamang ito, subalit nagpumilit ang pinunong ng hukbo, at iginiit lamang na mayroon talaga siyang nakita roon. Hindi rin naman tumagal, at nagpatuloy na sila sa paglalakbay. Hindi kasi nila nais na maabutan ng liwanag sa paglalakbay, lalo na at may misyon pa silang dapat gampanan.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
