Patuloy ang sinasapit na paghihirap ng nasadlak na pinuno ng mga puting sorcerer. Minu-minuto at bawat sandali, pahirap ang hatid ng pagkakabihag sa kaniya; sa kabilang banda, ay hindi pa rin ito napanghihinaan ng loob, at waring kahit sumusuko na ang kaniyang katawang sorsera, ay nais pa rin nitong lumaban para sa mayapayapang kinabukasan ng Sorceria laban sa mga mapamuksang itim na sorcerer.
Nagwakas na ang dalawang libong hagupit ng latigo, at bakas ang pagod sa dalawang itim na sorserong nagsagawa nito. Bakas na rin ang lalong panghihina sa mukha ni Mia. Dumating si Arthana upang siyasatin ang mga tinamo ng kaniyang bihag, at tama nga: dalawang libong bakas ng latigo ang lumatay sa katawan nito.
"Ano, Mia? Susuko ka na ba?"
"Bigyan mo'ko ng magandang rason para sumuko sa mga kagaya n'yo,"
"Lapastangan ka,"
Dinukot nito ang kaniyang saglip, at saka mabilis na itinutok sa kaniya. Hindi naman nabakas sa mukha ni Mia ang takot, at sa halip ay nginisian na lamang nito si Arthana. Tila ba sa mga sandaling ito, ay sanay na sanay na ito sa mga hirap at pagpapahirap na kaniyang tinamo.
"Vorliamente,"
Zap! Mabilis na nagpakawala ng kuryente ang saglip nito patungo sa kaniya. Sa katwiran pa nga, sa sobrang lakas nito, ay maging si Arthana ay napaatras.
"Aaaaaahhhhhhh!!"
"Mwahaha! Damhin mo ngayon ang kapangyarihan ko,"
"Tama na!"
"Magpasalamat ka at may silbi ka pa rito sa Sorceria, sapagkat kung wala na... ay tinitiyak ko sa'yong matagal ka nang namatay,"
"Bakit hindi kita hamunin... paslangin mo na lamang ako!"
"Tumahimik ka!"
Ibinaba na nito ang kaniyang saglip, at sa halip, ay sinampal na lamang nito ang bihag, at nahimatay na ito. Dagliang tumingin si Arthana sa mga bantay nito, at saka ito umalis. Sa titig nito ay batid na ng mga itim na sorcerer sa piitan ang ipinapahiwatig noon. Pahirapan pa lalo si Mia. Isang napakasamang senyas at kautusan kung tutuusin.
Sa labas ng piitan, ay tinungo ni Fredo si Arthana. Kung saan nagbilin ito sa kaniya na pangalagaan ang palasyo, pagkat may tutunguhin lamang siyang mahalaga. Kung ano man iyon, ay walang nakakaalam liban din sa kaniya.
"At saan ka naman patutungo ngayon? Hindi ka maaaring basta-basta aalis lalo na at nasa bingit tayo ng pakiki-digma,"
"Naniniwala naman akong kaya ninyong lumaban kahit pa sa Reluvious... kung iingatan n'yo ang ating bihag na 'wag mapasakamay muli ng mga puting sorcerer at hihigpitan n'yo ang pagbabantay sa palasyo,"
Napatungo na lamang si Fredo, at muling napatitig sa kaniya nang may halong pagtataka. Subalit sa loob-loob nito, ay tinatanong na niya ang kaniyang sarili kung kaya nga ba ng kanilang pwersa ang labanan ang kapangyarihan ng Reluvious kung sakaling lumusob ang mga kalaban gamit ito.
"Saan ka nga pala patutungo? At bakit masyado itong madali?"
"May mga katanungang hindi na dapat sagutin... at may mga katanungang dapat na lamang manatiling kasagutan,"
Bago pa man muling magtanong si Fredo, ay ginamit na ni Arthana ang itim na usok upang maglaho. Mabilis pa sa bulang naglaho si Arthana, kaya naiwanan nitong nagtataka sa kung saan patutungo ang kaniyang katiwalang sorsero. Lubha ba itong mahalaga kaya ayaw niyang ipaalam? O' wala siyang tiwala sa kaniya? Wala na siyang magagawa kung pipilitin niya pa iyong uusisain at aalamin kaya bumalik na lamang ito sa loob ng piitan, upang bantayan ang mga kaganapan doon.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasiIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
