Bukas na ang simula ng kolehiyo ng kambal, at ngayong gabi na ang huling gabi upang maghanda. Abala ang pamilya Williams sa kanilang pagkain, at doon, ay kanila silang tinanong ni Adrien ukol sa mga bagay-bagay. Hindi na rin naman kasi nito gaanong nakukumusta ang mga anak nito, lalo na at naging mas abala ito ngayon sa trabaho. Nakangiti naman itong sinagot ni Brianna, na tila ba kahit na hindi nito nakuha ang minimithing kurso ay baliwala lamang ito sa kaniya.
"Bukas na ang simula ng aming klase, itay!"
"Ganun ba? Eh... ano nga ulit ang kurso na kinuha n'yo?"
Panandaliang natahimik ang kambal, at nagkatinginan. Hindi nito mawari ang kanilang isasagot, lalo na at hindi nila nais magsinungaling sa kanilang ama; subalit nariyan si Beatrix sa kanilang tabi. Tiyak sila na mabubunton nanaman sa kanila ang galit nito kapag nagkataon, at tiyak na magtataka naman sa kanila si Adrien kapag sinabi nila ang totoo.
"Sila ay nagpa-enroll sa kursong ukol sa pag-nenegosyo," sabat ni Beatrix. "Akin silang sinamahan kanina,"
"Negosyo?" Sagot ni Adrien. "Hindi ba at hindi naman ukol sa ganoon ang strand nila noong senior high school?"
"Aba!" Sabat pa ni Beatrix. "Hindi ka ba natutuwa na may puwang silang manahin ang kompanya?"
"Ikaw ba ang nagpumilit sa kanila para kuhanin ang kursong yaon?" Pagtataka ni Adrien. "Sa pagkakaalam ko ay wala naman sa kanilang dalawa ang gustong sumunod sa yapak natin."
"Ako nanaman?!" Sumbat nito sa kaniya. "Bakit hindi sila ang tanungin mo?!"
"Kakaiba ang kutob ko sainyo ngayon," sagot ni Adrien. "Masisisi mo ba ako kung naghihinala ako ngayon?"
"Aba kung ayaw mong maniwala sa'kin ay sa kanila ka magtanong!" Hamon ni Beatrix sa kaniya. "Ikaw mismo ang umalam sa kanila."
"Brianna? Hadley?" Buntong ni Adrien. "Ano ba talaga ang nagaganap?"
Tinitigan ng masama ni Beatrix si Hadley, upang magkaroon ito ng pangamba sa kaniyang damdamin, at hindi na sabihin sa kaniyang ama ang katotohanan. Batid kasi nito na mas mahina ang loob nito, kaya marapat lamang na ito ang kaniyang unang padaanin sa baluktot nitong mga hangarin sa kanila.
"Ginusto naman namin ito ama,"
Tumayo si Brianna, at binalikan nito ng masamang titig si Beatrix. Pagtapos, ay saka nito ibinaling ang kaniyang paningin kay Adrien na tila ba may labis sa mga pagtingin nito.
"Binantaan kami ni ina na palalayasin niya kami rito, kapag hindi kami kumuha ng kursong pang negosyo. Kahit na labag ito sa kalooban namin,"
Natahimik si Beatrix at hindi na naka-imik pa. Hindi rin ito makapaniwala na ilalaglag siya ng sarili niyang anak sa harapan pa mismo ng kaniyang kabiyak. Higit pa sa hindi na rin nito alam ang idadahilan nito sa kaniya ngayon, pagkat nariyan na at nabuking na ang kaniyang mga gawain. Parang isang aso kapag nakagagawa ng kasalanan. Natatahimik na lamang. At waring hindi na umiimik.
Sa kabilang banda naman, ay tumayo si Adrien at sinampal nito si Beatrix. Sa sobrang lakas ng sampal nito ay nalaglag siya mula sa kaniyang kinauupuan. Subalit, sa halip na tulungan, ay tinitigan pa niya ito ng masama. Napakasamang titig. Parang nais na nga nitong ibalik sa kaniya ang mga pagbabanta nito sa kaniyang mga anak. Ang palayasin.
"Walanghiya ka!" Sabi nito. "Wala kang karapatan sa pamumuhay ng mga anak natin! Hayaan mo silang magpasya sa mga sarili nila."
"Iniisip ko lang ang kapakanan ng kompanya-,"
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...