~𝕬𝖓𝖌 𝕻𝖆𝖌𝖇𝖆𝖑𝖎𝖐 𝖓𝖌 𝕷𝖎𝖜𝖆𝖓𝖆𝖌~

269 11 2
                                        

Ilang buwan na ang lumipas matapos ang huling sagupaan ng kapangyarihan sa Sorceria, at ang mga itim na sorcerer ay tuluyan nang nanahimik sa panggugulo. Subalit batid ng bawat isa sa kanila roon na hindi magtatagal at muling kikilos ang mga kalaban, upang muling manakot ang manggulo sa kapayapaan. Subalit ang matagal-tagal na paglalaho panandalian ng kasamaan ay naging puwang sa mga puting sorcerer upang muli nilang maibangon sa katayugan ang nabawi nilang palasyo. Muling bumalik ang sentro ng liwanag sa kanilang pagbabalik sa sariling tahanan, malayong-malayo sa kanilang pamumuhay roon sa kubol.

Ang mga taga-Cerulean naman ay muli nang nagbalik sa kanilang isla roon sa tabing-dagat. Nananabik ang lahat na muling maligo sa malamig at malinis na dagat ng Sorceria, habang ang ilan ay mas piniling mangisda na lamang upang ilatag sa kanilang pagbubunyi patungo sa unang hakbang ng kanilang tagumpay.

At sa huli, ang mga taga-Prussian, sila ang grupo ng mga mandarayo na pinaka napinsala ng mga itim na sorcerer. Mapait nilang binalikan ang kanilang lupain sa itaas ng kabundukan ng Zenata, kung saan kanilang itinalaga na si Lemery bilang ang kanilang bagong pinuno.

"Umasa kayo, na higit pang bubuti ang pamumuhay ng ating tribo rito sa piling ng kabundukang ito. Simula na ng ating pagbangon. At kailanman ay hindi na tayo magpapasilaw pa sa kapangyarihan ng mga kalaban," sabi nito.

"Mabuhay si pinunong Lemery!" Hiyaw ng isang taga-Prussian.

Nagbunyi ang lahat doon sa bundok ng Zenata, at sila ay nag-inuman ng serbesang gawa sa puno ng sefchese. Ito ay isang puno na sa kabundukan lamang ng Zenata matatagpuan, habang ang maliliit at bilugan nitong mga bunga ang siyang ginagamit sa paggawa ng serbesa. At ang tradisyon na yaon ay kanilang ginagawa, tanda ng kanilang pagtanggap sa bago nilang pinuno.

Samantala, nakarating naman na sa trono ng palasyo ng mga itim na sorcerer ang mga sorsero at mga sorserang may matataas na katungkulan; kabilang na ang mga punong hukbo, at mga punong alipin. Sadya silang ipinatawag ni Arthana upang pulungin, lalo na at tapos na ang panandaliang kapayapaang ibinigay nila matapos ang naganap na pagbawi nang nakaraan.

"Kung ganoon, ay muli tayong makikipag-sapalaran sa isa nanamang digmaan?" Pag-uusisa ni Fredo.

"Oo. At sa pagkakataong ito ay mas pagtutuunan na nating talaga ang Reluvious. Tapos na ang pakikipag-laro natin sa mga puting sorcerer," sagot ni Arthana.

"Mas magiging makatwiran sana ang susunod nating pagsalakay kung gagamitin natin ang kanilang kahinaan laban sa kanila," suhestiyon naman ni Cissy.

Napatingin na lamang si Arthana sa kaniya, at saka nito piniling umupo sa kaniyang trono na tila ba nagustuhan nito ang kaniyang naging pahayag.

"Tama! Subalit ano ba ang kahinaan ng mga puting sorcerer na maaari nating maging pain laban sa kanila?" Tanong nito sa kanila.

"Mahirap tukuyin pagkat magkakaiba panigurado ang kani-kanilang mga kalakasan at kahinaan," sagot ni Fredo.

"Ngunit ang kahinaan ni Hadley ay maaari nating gamitin sa kanila," tugon din ni Brianna.

"Tama! Ang iyong kakambal. Maaari natin siyang gamitin upang pabagsakin ang kanilang sentro kaya sabihin mo sa'kin ang kaniyang kahinaan?" Tanong muli ni Arthana.

"Dalawa lamang ang kaniyang kahinaan, ang aming ama at si Maxim. Pero hindi natin magagamit si Maxim dahil nasa palasyo ito ng mga puting sorcerer," sagot ni Brianna.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon