Kinaumagahan nang makarating si Arthana sa palasyo ng mga itim na sorcerer, habang dala-dala nito ang makapangyarihang aklat ng Reluvious. Ang lahat ng mga itim na sorcerer ay nag-aabang upang tiyakin na tunay nga ang mga kuro-kuro na sila ang nakapagbukas ng naturang aklat ng salamangka. Kaagad naman itong naglakad patungo sa kaniyang trono, habang ibinabalandra ang kanilang tagumpay sa lahat ngayong araw. Kumpiyansa na rin kasi ang mga ito na habang nasa kanila ang Reluvious, ay tuluy-tuloy na ang kanilang pagwawagi laban sa mga puting sorcerer. Pagkaupo nito sa trono, ay kumuha ito ng isang serbesa at nagsalin sa kaniyang baso.
"Para sa ating tagumpay!" Hiyaw nito.
"Mabuhay si Arthana!" Pagkukumbida ni Cissy sa lahat.
Ang lahat ng mga itim na sorcerer ay nagsipag-taasan ng kani-kanilang mga serbesa, tanda ng kanilang pakikiisa sa tagumpay ng kanilang pinuno. Ito na nga talagang marahil ang pinaka masaya nilang araw, lalo na at araw ito ng kanilang pinaka malaking tagumpay sa buong yugto nila ng pakikipag-digmaan.
"Nangyari na ang lahat ng nais mong matupad, nasaan na ang pangako mo? Sana ay maaari ko nang makuha si Maxim gamit ang sinasabi ninyong Reluvious," sabi ni Brianna.
"May tamang panahon para riyan. Subalit sa ngayon ay dapat munang bumagsak ang mga puting sorcerer nang tuluyan," sagot ni Arthana.
"Hindi na ako makakapaghintay pa! Masyado nang matagal na panahon ang hinintay ko para sa sandaling ito," pagpupumilit pa ni Brianna.
"Sinabi ko na. Matuto kang maghintay," sagot muli ni Arthana.
Napabuntong-hininga na lamang si Brianna, at saka nito tinignan ng diretsahan ang pinuno ng mga itim na sorcerer. Nag-aalanganin ito na baka hindi nito tuparin ang kanilang kasunduan, at nililinlang lamang siya nito.
Samantala, nag-aabang ang lahat sa muling paggising ni Hadley matapos ang digmaan. Wala pa rin kasi itong malay, at hindi pa tuluyang nagigising. Datapwat, siya na lamang ang tanging pag-asa ng mga puting sorcerer sa mga susunod pang digmaan, lalo na at nawawalan na sila ng pag-asa tungo sa winiwikang kapayapaan sa Sorceria.
"Nag-aalala akong baka hindi pa siya magising bago ang muling pagsalakay ng mga itim na sorcerer sa'tin- sa mga natitirang puting sorcerer," pangamba ni Cielo.
"Na natitiyak kong hindi maglalaon ay mangyayari nga," dagdag pa ni Ysa.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, ay biglang nagkaroon ng nakasisilaw na liwanag sa kanilang harapan. Ang lahat at napaatras sa liwanag, at pagtapos nito ay ibinalandra sa kanilang harapan ang dalawang tiyak makatutulong sa kanila ngayon; sina Locasta at Medea. Ang lahat ay nagsipag-luhuran, subalit agad din silang inatasang magsitayo.
"Mga mahal na tagapagbalanse ng kapangyarihan, nagbalik kayo?" Bati ni Cielo sa kanila.
"Dahil lumalala na ang gulo rito sa Sorceria. Nabuksan na ang Reluvious. At bagsak ngayon ang itinakda," sagot ni Locasta.
Naglakad si Medea patungo kay Hadley, at saka niya hinawakan ang kaliwang braso nito. Pagtapos, ay umilaw nang kulay asul ang mga mata ng gabay diwa, na tila ba may kung anong engkantasyon ang ginagawa sa kaniya. Hindi rin naglaon, ay bigla nang nagising ang itinakda. Ang lahat at nagtinginan na para bang hindi makapaniwala, habang ang iba naman ay nabuhayan ng loob sa naganap.
"Anong nangyayari?" Mahinang sabi ni Hadley.
"Magaling! May pag-asa na tayong muli. Makakalaban pa tayo- nasaatin pa ang tungkod ni Allaine," sabi naman ni Ysa.

BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
Viễn tưởngIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...