Nag-umaga na at nakahilera na ang mga itim na sorcerer na sasama para sa kanilang paglalakbay, nang dumating na si Arthana roon sa trono at panandalian itong umupo. Agad niyang tinignan isa-isa ang mga hukbong sasama sa kaniya, na tila ba hindi ito nasisiyahan.
"Kayo na? Kayo na ang sasamang hukbo patungo sa mundo ng mga tao?" Pag-uusisa nito.
"Sila na nga, iiwan ko ang ilan sa aking hukbo rito. Upang may magbantay pa rin dito pag-alis natin," sagot ni Fredo.
"Kung gayon. Ipatawag na ninyo si Brianna at lalakad na tayo patungo roon," utos ni Arthana.
Ilang sandali pa, bago pa man makalakad paalis si Fredo, ay dumating na si Brianna. Mabagal itong naglakad papalapit sa kanila, habang tinitignan isa-isa ang mga itim sorcerer sa paligid.
"Hindi n'yo na ako kailangang sunduin pa. Pagkat narito na ako," pauna nitong sabi.
"Magaling! Ngayon ay maaari na tayong lumakad patungo sa mundo ng mga tao," sabi naman ni Arthana.
Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa trono, at saka inilabas ang kaniyang saglip. Ilang saglit pa, ay itinaas niya ito, dahilan upang silang lahat doon sa trono ay maglaho na upang mas mabilis na makatungo sa lagusan patungo sa kanilang lalakbayin.
Samantala, napangisi na lamang si Cissy nang sila ay harangan ng mga puting sorcerer sa kanilang paglalakbay. Katulad ng nasa plano, maaabala sila kung sakaling magkaroon ng maliit na labanan.
"At saan kayo magtutungo?" Paglilitis ni Cielo.
"Hindi ako susunod sa isang nilalang na kapantay ko lamang ang katayuan! At kahit sino pa man kayo ay hindi ako magbibigay-ulat sa isang puting sorcerer," giit ni Cissy.
"Hindi ninyo na kailangang alamin pa. Kung patungo sila sa lupain ng mga Cadet ay tiyak na may masama silang binabalak," sabat ni Noah.
"Makatwiran, lalo na at malaki ang dala nitong hukbo!" Dagdag pa ni Dominick.
Napangisi na lamang si Cissy, at saka niya ito tinignan ng masama. Pagtapos, ay saka nito sinenyasan ang kaniyang hukbo na lumusob, at saka nagsimula ang kanilang labanan. Agad nitong nakaharap si Hadley sa hindi inaasahang pagkakataon, ngunit batid nito na wala siyang laban dito, kung kaya ay iniiwasan niya lamang ang mga pagpapatama nito ng puting salamangka sa kaniya. Nagsanib pwersa naman sina Cielo at Dominick upang higit na lumakas ang kanilang kapwa kapangyarihan, laban sa mga itim na sorcerer na lalapit sa kanilang hukbo. Habang inabala naman ni Maxim ang mga nagtatangka sa kanilang kumalaban, upang mas mabilis silang mapaslang ni Noah.
"Ano ba talaga ang pakay ninyo sa Cadet?!" Pag-uusisa ni Hadley.
"Magbigay ka ng dahilan para sagutin ko ang iyong katanungan," kondisyon ni Cissy rito.
"Ganid ka talaga! Bakit hindi mo ako masagot? Kasi masama ang tangka ninyo rito?" Giit pa ni Hadley.
"Huwag kang magsalita ng tapos, nakamamatay!" Sagot ni Cissy.
"Mas nakakamatay ang pagmamataas. Kaya mag-iingat ka," buwelta pa ni Hadley.
"Matapang ka, ah! Kakambal mo nga si Brianna," sabi ni Cissy rito.
"Magkaiba ang matapang sa masama. At hindi ako delusyonada para sa isang lalaki," sagot ni Hadley.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
