Hindi na muli pang ginambala ni Beatrix si Alunsina, para na rin sa kapakanan ng kaniyang pinaka-mamahal na kababata na si Adrien. Subalit magkagayon man ay mas kalaban ngayon sa kanilang relasyon ang dumating; si Don Romero, ang mayamang ama ni Adrien. Sa katunayan ay isa sa pinaka mayayamang tao sa bansa.
Hindi ito pabor sa kaniyang pakikipag-relasyon dito pagkat wala itong anumang yaman na maitutulong upang umangat ang kanilang kompanya lalo, at tanging si Beatrix lamang ang pinapaboran nito para sa kaniyang uniko-iho. Bukod kasi sa mas kilala niya ito, ay katuwang din nito ang kaniyang ama sa pagpapatakbo ng kompanya.
"Nais ko na makipag-hiwalay ka sa mahirap na 'yun," utos ni Don Romero rito. "Pera mo lang ang habol niya sa'yo! Balak ka lang niyang nakawan sa mga susunod na araw."
"Tapos? Para ano?" Tugon ni Adrien dito. "Sasabihin mong dapat kaming magkatuluyan ni Beatrix pagtapos? Hindi 'yan ang nais ko para sa sarili ko."
Kumuha si don Romero ng isang haba ng sigarilyo mula sa kaniyang bulsa, at nanigarilyo panandalian bago muling magsalita. Napangisi ito nang bahagya, at saka matalas na tinitigan ang kaniyang kaisa-isang anak. Sa bakas ng mukha nito ngayon, tila ba nilalait na nito sa isipan ang pasya ng anak nito sa pagpili ng babae.
"Alam mo? Wala na akong ibang nakikitang bagay sa'yo kundi siya," sagot nito rito. "Pairalin mo naman 'yang makitid mong utak, anak! Kahit minsan ay mag-isip ka naman!"
"Hindi ko nga siya mahal," mabilis na tugon ni Adrien. "Si Alunsina lang ang mahal ko at hindi siya. Hindi ko magagawang mahalin si Beatrix dahil hindi siya ang nilalaman ng puso ko."
"Mahal—mahal—walang maitutulong sa'yo ang pagmamahal na 'yan!" Wika ni Don Romero sa kaniya, habang naninigarilyo lamang ito.
"At ano, papa? Itutulad mo'ko sa inyo ni mama?" Balik ni Adrien dito. "Galing lang kayo roon sa sapilitan. Oh, nasaan na kayo? Hiwalay na kayo! Para saan ang yaman na 'yan ngayon kung wala na rin naman kayo?"
Hindi na nakapagpigil pa ang matandang mayaman, at kaniyang nahagip ng kamao si Adrien. Agad din naman na bumagsak ang kaniyang tagapagmana, subalit baliwala lamang ito sa kaniya. Tumayo ito na para bang walang nangyari, at saka nito tinitigan ang kaniyang ama habang pinupunasan ang dugo sa kaniyang labi.
"Tatanggalin ko ang yaman mo 'pag hindi ka nakipag-hiwalay," banta ni Don Romero. "Layas ang aabutin mo 'pag sinuway mo pa ako! Mawawala ang lahat sa'yo 'pag pinili mo ang basurera na 'yun."
"Wala akong pakialam kahit na itatwa mo pa ako," giit ni Adrien dito. "Ang mahalaga ay siya lang ang mahal ko at hindi ikaw ang makakapigil sa'kin."
"Makinig ka nga muna sa'kin," sabi nito sa kaniya. "G'wapo ka at mayaman! Lahat ng babae ay tila nagkakandarapa sa'yo! Tapos sa isang pangit at nakakasukang iskuwater ka lang pala babagsak ngayon? Para saan pa at pinag-aral kita?"
"Ikaw lang naman ang namimilit sa lahat," sabi ni Adrien. "Ikaw ang nagpapasya sa buhay ko mula 'nang bata ako! Ngunit hindi na sa pagkakataong 'to."
"Kung hindi mo hihiwalayan ang babaeng 'yun ay gagawin kong miserable ang pamumuhay ng mga magulang niya," banta pa ni Don Romero sa kaniya, habang nagsisindi nanaman ito ng sigarilyo nito.
"Ano ang ibig mong sabihin, papa?" Pagtataka ni Adrien. "Hindi mo maaaring gawin 'yan at hindi mo hawak ang mga buhay nila!"
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
Viễn tưởngIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
