Kabanata 4: Ang Hinirang sa Lupang Hinirang

517 63 31
                                        

Nakahanap si Arthana ng tiyempo upang pasukin ang mala-itlog na lagusan, kung saan ay agad siyang dinala nito sa isang lugar na nakahabla sa likod ng mundo ng mga tao. Para bang isang  pantasya, subalit siyang tunay naman pala. Hindi man ito sigurado sa kung anong naghihintay sa kaniya roon sa hangganan ng lagusan, ay batid nitong kailangan niya ring alamin ang mga ito upang mapatunayan ang kanilang naging panaginip.

Sa kaniya ring pagpasok ay naging payak na ang kaniyang katauhan sa kapangyarihang puti, dahilan upang matuklasan siya nina Quesana at ng iba pang mga puting sorcerer. Natapos na marahil ang basbas na iniwan sa kaniya ng tunay niyang ina noon nang sandaling makarating ito sa kabila ng lagusan. Ngayon ay malaya na siyang makakalibot sa kaniyang tunay na mundo. 

Bago sa kanilang paningin si Arthana, maging ang pananamit nitong pang-tao ay bago rin kaysa sa payak na kasuotan ng mga taga-Sorceria. Kaya ipinag-utos ni Quesana sa kaniyang pinuno ng mga espiya na si Cielo upang kanilang imbestigahan ang bagong nilalang, upang matukoy na rin nila kung ito ba ay kalaban o' payak na sorcerer lamang. Ibinabadya rin kasi ng kanilang puting kapangyarihan na bago lamang ito sa kanilang daigdig. Pinangangambahan nila na baka isa itong pangkaraniwang tao lamang na natunton ang kanilang lagusan.

Sa kabilang dako, ay naging mainit na usapan sa pamantasan ang pormal na pagiging magka-relasyon nina Adrien at Alunsina. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang maaari na palang magsama ang langit at ang lupa? Isang pangyayaring malimit na sa mga palabas lamang na nangyayari. Mahirap din naman kasing paniwalaan, dahil sa kanilang hinuha ay dapat para sa mayaman din ang isang katulad ni Adrien. Marahil ay naiinggit lamang sila na may napili na itong maka-relasyon.

Isa na sa mga nakasagap ng balitang yaon ay si Beatrix. Pilitin niya mang unawain, subalit ang kaniyang pagmamahal para sa kaniyang kababata ay hindi matatawaran ng anumang bagay. Binabaan na nito ang kaniyang loob upang kausapin si Alunsina patungkol sa usaping pag-ibig. Tinyempuhan nito na nasa pambabaeng palikuran ang kaniyang pakay, upang madali niya itong makausap nang hindi humahadlang si Adrien sa kanilang dalawa. 

Sa kabilang banda, ay hindi na nais ni Alunsina ng gulo sa pagitan niya at ni Beatrix kaya pinilit niya itong iwasan. Subalit anumang pag-iwas, ay siya namang paglapit nito. Para bang isang magnet na kapag nakakasagap ng bakal, ay dikit lamang nang dikit. Para bang isang barnakulo na nakakapit sa lamang-dagat. Para bang isang garapata na nananabik sa dugo.

       "Nakiki-usap ako sa'yo," biglang sabi ni Beatrix. "Ibalik mo na sa'kin si Adrien! Hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyan na siyang mawala sa'kin! Mababaliw lang ako!"

       "Ano ba ang pinagsasasabi mo, Beatrix?" Pagtataka ni Alunsina, habang pinapatay nito ang gripo sa palikuran.

       "Maawa ka naman sa'kin," dagdag pa nito sa kaniya. "Ibalik mo na siya sa'kin dahil kami ang nararapat. Higit kong kaya siyang bigyan ng magandang buhay kaysa sa'yo!"

Tumayo ng tuwid si Alunsina, at kaniyang tinitigan ng diretsahan ang kausap. Nagtataka ito sa kung tunay nga bang nagbababang-loob ito sa kaniya, o' ito ba ay umaarte lamang sa kaniyang harapan. Lalo na at kahit sa palabas ay napakadalang nitong makasaksi ng ganito. Para ngang isang himala kung tutuusin. Isang bihirang bagay, kagaya nang kung kailan lamang makasasaksi ng isang eclipse.

       "Si Adrien ay hindi laruan," diretsang sabi ni Alunsina. "Hindi siya laruan na maaari mo lang na ipamigay o' ipahiram kapag tapos mo nang paglaruan."

Walang pag-aalinlangan, ay lumuhod sa kaniyang harapan si Beatrix at umiyak na lamang sa  kaniyang harapan. Agad naman itong nagulat sa kaniyang ginawa, at saka ito napatingin sa paligid. Maraming kababaihan doon na gumagamit din ng palikuran, at pawang nakikisawsaw sa kanilang usapan. Ang iba ay nagbubulungan na, habang ang iba ay kagaya niyang hindi rin makapaniwala sa nagaganap.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon