Pumarada ang sasakyan ni Maxim sa harapan ng isang malaki at magarang mansyon. Mala-higante ang taas ng mga pader nito sa entrada pa lamang, na sinasabayan pa ng makinang at mala-pilak na geyt sa harapan. Malaki ang geyt nito na sa katunayan, ay mas malaki pa sa geyt ng kanilang mansyon doon.
Iyon na nga marahil ang mansyon ng mga Buenaventura. Bumaba na nga ito sa kaniyang sasakyan, at pinagbuksan ng pintuan si Hadley. Sunod na rin itong bumaba, ayon sa kaniyang paanyaya.
"Napakagara pala ng mansyon n'yo ano?" Pagbati nito sa kaniya, habang inaayos ang kaniyang postura.
"Ah... eh... hindi naman ako masaya sa loob n'yan kahit na ganiyan ang hitsura ng mansyong iyan,"
"Oh? Bakit naman?" Tanong ni Hadley. "Mas malaki ito sa mansyon ni itay."
"Pinipilit lamang nila akong mag-aral sa kursong kinuha ko ngayon... dahil na rin sa ako lamang ang nag-iisa nilang anak... alam mo na... ako ang nais nilang magmana sa kompanya,"
"Naiintindihan kita dahil iyan din ang kapalarang ginusto sa'kin ni ina... pero ano pa ba ngayon ang mamanahin ko? Bagsak na ang pamilya namin," sabi naman ni Hadley, habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang mga mata.
"Ano ka ba... 'wag mo ngang sabihin 'yan... makakabangon din kayo... kami rin naman ilang beses nang nalugi... tinakbuhan... at nanakawan... pero nakabangon pa rin kami,"
"Kung nandito sana si Brianna... baka pwede pang makabangon ang kompanya,"
"Saka mo na isipin si Brianna," giit ni Maxim. "Sa ngayon... pumasok na tayo sa loob."
Hinawakan nito ang kamay ni Hadley, at sabay silang pumasok sa loob. Sa kanilang pagpasok ay mas sumilay pa sa mga mata nito ang ganda ng mansyon. Mala-langit ang disenyo ng magarang tahanan ng mga Buenaventura, subalit tila mga demonyo ang titig ng mga magulang ni Maxim sa kanila, habang nag-aabang sa bukana ng mansyon.
"Ina... ama,"
"Siya na marahil ang nililigawan mo?" Pag-uusisa ng ina nito. "Ano nga ulit ang kaniyang ngalan? Hailey? Ashley?"
"Siya na nga... ang babaeng magiging katipan ko habang buhay," sagot ni Maxim. "Hadley po ang kaniyang ngalan."
"Ano ka ba... nakakahiya," giit naman ni Hadley, habang nakayukong nakikinig sa kanilang usapan.
Nag-aya na ang mga nakatatandang Buenaventura, at sabay-sabay silang pumasok sa loob ng mansyon.
Nakarating naman na sa gubat malapit sa kanilang palasyo sina Brianna at Hannah. Doon ay huminto sila sa harapan ng kakahuyan.
"Ano ang gagawin natin dito?"
"Dito natin isasagawa ang iyong pagsasanay,"
"Hayst... tinatamad ako,"
"Oh sige... ipagpaliban natin kung nais mong matagalan pang mapapasaiyo ang iniirog mo laban sa kakambal mo,"
"Ano't—— anong sinabi mo?! Papano mo nalaman iyan?"
"Sinabi sa'kin ni pinunong Arthana,"
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
