Ang Vigilante

349 33 32
                                        

Nagliliwanag nang mistulang mga alitaptap ang palasyo ng mga puting sorcerer, ngunit sa kabayanan nito sa labas, ay nagkukubli ang isang dilim na nakabalot sa mga puting pintura at nakahandang sumalakay. Tila ba hindi nasisilayan ng sikat ng araw.

Isang sorsero na nakakubli sa puting gayak ang may itinatagong kadiliman sa kaniyang sarili. Isang sorserong waring kay tagal nang tinutugis ng mga kawal mula sa palasyo. Sa kabilang banda, ay patuloy pa ring namamayagpag. Siya ang vigilanteng nagtatago sa alyas na; Sweetie Pop. Isang sulyap sa maliit na papel ng kaniyang aasintahin, at mas mabilis pa sa hangin, bagsak ang kaniyang tinutugis.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa kabayanan upang maghanap ng magagandang kalidad ng mga harina upang gawing tinapay, nang biglang may magpatama ng puting salamangka malapit sa kaniyang direksyon. Agad itong naalarma at inilabas ang kaniyang saglip, at katulad ng kaniyang pagka-alarma ay ganoon din ang mga nilalang sa paligid.

"Ang vigilante!"

"Pinunong Dominick! Narito siya!"

Agad na gumanti ng puting salamangka si Sweetie Pop, at lumikha ito ng makapal na puting usok, na kaniya namang sinamantala upang makatakas. Mabilis na hinawi ni Dominick ang nilikha nitong pambulabog gamit ang binigkas nitong salamangka, subalit magkagayon man, ay huli na siya dahil nauna nang nakatakas ang tinutugis.

"Maghiwa-hiwalay tayo!" Utos nito sa hukbo. "Doon kayo umikot sa pamilihan, dito tayo sa landas patungo sa palasyo."

"Masusunod, pinuno,"

"Tiwalag na!"

Agad na kumilos ang mga puting sorcerer, at kanila muling hinalughog ang kabayanan sa labas ng palasyong puti. Lahat ng mga tindahan sa pamilihan ay kanilang sinuyod. Bawat isa sa kalsada ay hindi nakaligtas sa pag-uusisa. Subalit kahit ano pa ang kanilang gawin, ay tila ba hangin naman ang kanilang tinutugis. Susulpot at lilitaw.

Sa kabilang mundo naman, ay abala sina Adrien sa labas ng mansyon upang umalis patungo sa trabaho at eskuwela nang biglang may lumapit sa kanilang harapan. Suot nito ang itim na hoodie, at mabilis na pumasok sa nakabukas at walang bantay na entrada. Agad nitong tinutukan ng baril sina Adrien. Para bang mga nangyayari lamang sa pelikula, subalit nariyan na ngayon sa kanilang harapan.

"Nagulat ba kayo sa pagbabalik ko?"

Agad na nagtinginan ang kambal kasabay ng pangangatog ng kanilang mga tuhod, habang namukhaan naman ni Adrien kung sino ang nasa likod ng tinig na yaon. Beatrix! Ang lapastangang ina nina Hadley at Brianna.

"Kilala kita hindi ako maaaring magkamali!"

"Mabuti naman kung gayon,"

"Ano nanaman bang balak mo ngayon, Beatrix?"

"Ako nga!"

Tinanggal niya ang kaniyang balabal sa ulo, at lumantad ang isang taong kanilang hindi makaliligtaan. Ang inang natitiis ang kaniyang mga anak para lamang sa sariling kapakanan, si Beatrix nga yaon.

"Walanghiya ka! Nagbalik ka pa,"

"Sige, Adrien. Ngayon mo ako labanan. Tignan ko lang kung hindi patayin gamit itong baril na hawak ko,"

Kaagad na pumagitna si Hadley sa nagpapanggulo niyang mga magulang, at saka niya ito mabilis na tinignan isa-isa.

"Inay... lumisan ka na lang para rin sa iyong kaligtasan,"

"Para sa aking kaligtasan?"

"Oo, inay!"

"Hmmm..."

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon