Tumayo ng tuwid katabi ni Mia si Cielo, habang napapalibutan na sila ng mga itim na sorcerer. Alam din nila na hindi na magtatagal pa ang labanang ito, at matatalo rin sila ng hukbo ni Arthana. Sa humpang na nilang bilang doon, ay tanging kaligtasan na lamang ng Luvisious ang kanilang isinasaalang-alang.
"Sumuko na kayo," utos ni Arthana sa kanila. "Lalo na at wala na kayong laban... ilan kayo? Dalawa... laban sa kumpol kong hukbo,"
"Hindi kapangyarihan ang basehan sa pagkapanalo ng laban," tugon ni Mia. "Kung hindi sa kung gaano ka kahusay gumamit ng kapangyarihan!"
"Kahusayan na wala ka rin," tugon din ni Cielo. "Dahil umaasa ka lamang ngayon sa iyong hukbo."
"Tignan natin kung wala nga bang talaga,"
Mabilis na nagpatama ng puting salamangka si Mia patungo kay Arthana, dahilan upang mabitiwan naman ni Arthana ang kaniyang hawak na saglip. Agad din namang naglaho at Mia at lumitaw sa likod nito. Dinakip at tinutukan nito ng saglip sa leeg si Arthana na mistulang bihag.
"Sige manlaban pa kayo! Titiyakin kong mamamatay ang sorserang ito sa mga kamay ko!"
Napahinto sina Cielo, at ang mga itim na sorcerer sa pakikipaglaban. Sabay-sabay silang napatitig sa kinatatayuan nina Arthana, at napangisi na lamang si Cielo. Batid niyang kahit papaano ay may laban pa rin ang mga puting sorcerer sa labanang ito. Isang labanang tiyak dehado sila sa sandaling makawala ang kanilang bihag o' hindi naman kaya, ay makaisip ng hakbang laban sa kanila ang mga itim na sorcerer.
Sa mundo naman ng mga tao, nakarating ang sinasakyang sasakyan ng kambal galing ng pamantasan. Isa lamang ang pumasok sa kapwa nila isipan noong mga sandaling iyon, ang malaman ang kasagutan ukol sa mga isinaad ng kanilang propesor kanina. Walang pasubaling tinitigan ng matalas ni Brianna ang kaniyang kakambal, at saka niya hinawakan ang kaliwang kamay nito.
"Sasabihin mo pa ba kay ama?"
"Ano ba sa tingin mo ang marapat nating gawin?"
"Sige... ako na ang magtatanong kay ama,"
Huminto ang sasakyan sa garahe ng mansyon, at napansin nilang nauna sa kanila si Adrien. Naroroon na ang sasakyan nito. Bagay na hindi madalas mangyari sa kanilang pamilya. Kakatwang pangyayari sa loob ng kanilang pamamahay. Hindi naman maaaring ang nangyari ay nagahol sila ng uwi, lalo na at kada tuwing sasapit na ang dilim ang kanilang pag-uwi; sadyang nauna lamang si Adrien sa kanila. Muling tinitigan ni Brianna ang kaniyang kakambal, at saka ito napatitig sa magarang sasakyan ng kanilang ama na tila ba nagulantang ito sa kaniyang nakita.
"Hadley, narito na si ama?"
"Hindi ko alam. Malay mo ay iniwan niya lang pala 'yan?"
"Ano namang sasakyan ang ginamit niya kung gayon? Dalawa lamang ang sasakyan natin,"
"Ay na'ko, Brianna! Hindi ko rin alam,"
"Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob,"
Agad na kinuha ni Hadley ang kayumanggi na portfolio pagkababa nila, at sabay silang naglakad papaloob ng mansyon.
Samantala, bihag pa rin ni Mia si Arthana. Hindi nito nais pakawalan ang kaniyang bihag, lalo na at magiging susi ito upang makatakas sila sa labanan. Tiyak na nitong ligtas na ang Luvisious, kaya kampante na siya sa kahihinatnan ng mahiwagang aklat.
"Cielo... maglaho ka na!"
Agad na napapikit si Cielo, at naglaho ito sa labanan. Tanging sila-sila na lamang ang nanatili sa labanan. Agad na napangisi si Arthana sa ikinilos ng mga puting sorcerer na tila ba ito ay nakaisip na ng panlaban sa kanila.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
Viễn tưởngIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
