Ang Labanan sa Zenata

262 8 1
                                        

Malapit nang sumibol ang araw nang lumitaw si Locasta sa bungad ng mahiwagang gubat, ito ang kaniyang pinaka-unang pagbabalik sa daigdig ng mga sorcerer matapos ang kamatayan ni Medea. 

Magkagayon man, ay pilit itong nagpapakatatag sa pagkawala ng kaniyang kaibigan lalo na mayroon pa ring kaguluhan sa sinisintang daigdig ng Sorceria. 

Isa pa, ay hindi kasi sila mga bathala o' bathaluman na hindi nakararamdam ng emosyon at damdamin sa iba. Sila ay itinalaga lamang ng isang mas nakatataas pa sa kanilang bathala, upang maging tagapangasiwa ng balanse ng kapangyarihan dito, at bilang maging pinaka makapangyarihang mga nilalang kaysa sinuman. 

Subalit nagkagulo ang lahat nang magtaksil si Orearuva sa pagkaganid at nawala ang balanse ng kapangyarihan, ngayon naman ay namayapa na si Medea kung kaya mas mahirap sa parte ni Locasta na pangasiwaan pa ang kaniyang kalabang gabay diwa, pagkat bukod sa makapangyarihan din ito katulad niya ay nasa panig din nila ang aklat ng Reluvious.

Sa kabilang banda, ay nakaupo si Arthana sa kaniyang trono habang ito ay lumalagok ng serbesa. Hindi man bakas sa magagalitin nitong pagmumukha, subalit nagbubunyi ito para sa pagbabalik ng kaniyang kakambal sa mundo ng mga buhay. 

Ilang sandali pa, ay dumating si Alunsina habang tinitignan nito ang paligid ng palasyo. Pagtapos pa, ay nanatili itong nakatayo sa tabi ng kaniyang kakambal habang nandidiri nitong pinagmamasdan ang pag-inom nito ng serbesa. Hindi kasi tagatangkilik ng mga alkohol at anumang alak si Alunsina, kahit sa nakaraan nitong pamumuhay.

"Bakit nakatayo ka lamang d'yan?" Pagtataka ni Arthana. "Ano't hindi mo ako samahan dito?"

"Bakit? May iba pa ba akong dapat gawin?" Pagtataka rin ni Alunsina. "At pasensya— hindi ako nainom ng alak."

"Ikaw ang mas tunay na tagapagmana kaysa kay Brianna, kaya halika. Umupo ka sa dating trono niya sa tabi ko," alok ni Arthana rito, habang patuloy na umiinom ng kaniyang serbesa.

Napabuntong-hininga na lamang si Alunsina, at saka ito umupo roon sa maliit na trono katabi ng kaniyang kakambal. Inabutan siya nito ng isang basong may laman ng serbesa, ngunit tinabig niya lamang ito.

"Ganoon na ba talagang katagal na nawala ako upang makalimutan mo ang mga bagay na kinamumuhian ko?" Sabi nito, habang mapait na nakatingin kay Arthana.

"Oo nga pala, siya pa— ay mag-dadalawampung taon ka na rin nawawala at masyado akong abala sa digmaan. Kaya naman marami na akong nakalimutan," sagot ni Arthana. "Ngunit ngayong nandirito ka nang muli, ay mangyaring ikaw na ang magiging katuwang ko upang mapabagsak natin ang mga puting sorcerer."

"Binuhay mo lamang ba ako upang maging kasangkapan ng mga masasama mong plano sa mga sinasabi mong puting sorcerer, Arthana?"

"Ang kambal na sina Hadley at Brianna ay mga anak ng iyong dating kasintahan na si Adrien kay Beatrix,"

"Batid ko— isinaad mo na sa'kin iyan,"

"At dahil kapwa na sila wala— ay maaari mong ipagpatuloy ang paghihiganti sa kanila gamit ang sarili nilang mga anak— sa pagpatay mo kina Hadley at Brianna,"

"Hindi," sagot ni Alunsina. "Oo— nais kong maghiganti sa kanila... lalo na kay Beatrix— p-pero hindi sa ganitong paraan."

"Ito na lamang ang tanging paraan, Alunsina,"

"Kung ito na lamang ang paraan ay hindi ko na nais pang maghiganti sa kahit sinong nang api sa akin noon,"

Ilang sandali pa, ay tumayo na si Alunsina at nagkusa nang magtungo sa kaniyang bagong silid sa palasyo. Hindi kasi talaga ito sanay na siya ang nakatataas, lalo na at hindi naman ganito ang kaniyang pamumuhay sa rati nitong buhay.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon