~𝕬𝖓𝖌 𝕸𝖚𝖑𝖎𝖓𝖌 𝕻𝖆𝖌𝖍𝖆𝖍𝖆𝖗𝖆𝖕~

275 12 2
                                        

Lumitaw si Hadley sa bukana ng kanilang kubol, habang doon ay naghihintay si Noah sa kaniyang pagbabalik. Agad itong napaupo sa mga upuang malapit doon sa naturang kubol. Nilapitan naman siya nito, upang kumustahin. Ngunit napansin din agad nito ang pagiging tulala nito at pagiging balisa, kaya sa halip, ay tinabihan niya na lamang ito at hindi na nagsalita pa.

"Nasaktan ko siya... nasaktan ko si Brianna," sabi ni Hadley.

Agad namang napatingin sa kaniya si Noah, na tila ba nagulat ito sa kaniyang narinig. At saka nito tinapik-tapik ang likuran nito, upang pakalmahin ito.

"Kumalma ka lamang... nangyari na naman iyon... at saka alam kong hindi mo iyon sinasadya," sabi pa nito.

"Kahit nagagawa niya akong saktan ay hindi ko pa rin siya matiis... kay duga ng tadhana sa'kin," sagot naman ni Hadley.

"Mabait ka kasi... pero alam kong mabait din si Brianna... nilalamon lamang siya ng pagkaganid niya," turan ni Noah dito.

"Sana ay magbago na siya... nananabik na ako sa dating mayroon kami... iyong magkasundo," malungkot pang sabi ni Hadley.

"Sana nga... pero alam kong mangyayari rin 'yan," sagot nito sa kaniya.

Kalaunan pa, ay bigla itong niyakap ng mahigpit ni Hadley. Sinamantala naman ni Noah ang pagkakataon upang mayakap din ang babaeng kaniyang pinaka-mamahal, kahit na alam nitong hindi na ito mapapasa-kaniya. Matagal na niya rin naman itong tanggap, kaya aasa na lamang ito sa kanilang pagiging magkaibigan, kaysa naman sa wala.

Subalit hindi rin nagtagal ang masayang sandali ni Noah, pagkat biglang lumabas si Maxim mula sa kubol. Agad itong tumakbo patungo sa direksyon nito, at sinapak ito ng malakas. At sa sobrang lakas ng pagkakasuntok sa kaniya nito, ay tumumba ito sa pagkakaupo. Daglian din naman siyang itinayo ni Hadley, at inalalayan. 

"Ano nanaman bang problema mo?" Pagtataka ni Hadley.

"Siya... siya ang problema ko! Ang akala ko ay kaibigan siya... subalit palihim ka pala niyang inaagaw sa'kin!" Giit ni Maxim.

"Wala akong inaagaw sa'yo! Kung mahal mo talaga siya ay may tiwala ka dapat sa kaniyang hindi siya makikiapid sa kung sinu-sinong lalaki kapag may isa nang lalaki sa buhay niya," sagot naman ni Noah.

"Huwag mo'kong papangaralan dahil hindi mo ako kilala," sabi ni Maxim.

"Huwag mo rin akong pararatangan pagkat hindi mo rin ako kilala," sabi rin ni Noah.

"Pwede ba! Maghunustili kayo... tinulungan lamang ako ni Noah sa aking suliranin... kaya tama na," sabat ni Hadley.

Panandaliang natahimik si Maxim, at saka nito tinignan si Noah. Pagtapos, ay saka nito piniling umupo na lamang sa upuang katabi nila. Saka naman, ay tumabi rin si Hadley sa kaniya upang pakalmahin ito at saka niya ito inabutan ng isang basong tubig.

"Hindi ako naging isang puting sorcerer upang maging kaugali ang isang itim na sorcerer... kaya unawain mo sana na ang mga ginagawa ko ay dahil lamang sa magkaibigan kami," paliwanag ni Noah sa kaniya.

"Patawarin mo ako kung naging mapanghusga ako... kung maaari sana rin tayong maging magkaibigan dito," sagot ni Maxim.

Agad namang inilahad ni Noah ang kaniyang kamay, na siya niya ring ginawa. Tanda ng simula ng bago nilang pagkakaibigan. Napangiti naman si Hadley, at napaupo ito sa gitna nilang dalawa. Pagtapos, ay saka nila pinagsaluhan ang isang tumpok ng mga prutas sa lamesa habang nagkukwentuhan. Tunay na isang kalugod-lugod na sandali para sa sorsera, lalo na at ang dalawa sa pinaka mahalagang lalaki sa kaniyang buhay ay nagkasundo na rin sa wakas.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon